CHAPTER 64 (Confrontation)

8.1K 129 11
                                    

CHAPTER 64

(Confrontation)

(Ate Gab's Note: Pasensya na sa katagalan ng UD. Busy lang talaga si Ate Gab. :)

(Danica's POV)

Simula noong suduin kami ni Ian ang tahimik na nya hanggang ngayon. Hindi ko manlang alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Pero, simula noong pumasok ako sa school nila napansin ko na ang pagiging tahimik ni Ian. Medyo nasanay na rin ako pero ayoko na ganito kaming dalawa. Nang dahil sa nasirang friendship nila ni Mikay pati ako nadamay. Kaya sobrang naiinis ako.

Pero gagawin ko ang lahat, bumalik lang si Ian sa dati. At gagawin ko rin ang lahat, para sakin mabaling ang tingin ni Ian.

"Danica.."

Bigla akong napatingin kay Ian nang bigla syang magsalita. Sobrang seryoso ng muka niya habang naka focus ang tingin niya sa kalsada.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kung..ano mang ginagawa mo, please. Itigil mo na dahil hindi ako natutuwa."

Sa sinabi niyang iyon natigilan ako. Nakatingin lang ako sa kanya habang nahihirapan akong huminga.

Nasasaktan ako. Yun ang nararamdaman ko dahil eversince, never akong sinabihan ni Ian ng ganyang salita. Ngayon lang.

Magsasalita pa lang sana ako kaso biglang huminto na ang sasakyan. Nasa mansion na pala kami.

Lumabas si Ian sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hindi na ako makakapasok sa loob. May kaylangan pa akong puntahan. Paki kumusta na lang ako kina tita."

Sumakay na ulit sya sa sasakyan at umalis na. Samantalang ako, nakatayo pa rin dito at nakatingin sa dinaanan niya kahit wala na yung sasakyan nakatingin pa rin ako sa direksyong iyon.

Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

Paano nalaman ni Ian na yun talaga ang dahilan ko kaya gusto kong magkatulad kami ni Mikay sa physical?

Gusto ko lang naman na makita ni Ian na ako talaga ang para sa kanya. Na kaya kong maging Michaela Serano sa paningin niya.

Ano bang meron kay Mikay na nagustuhan niya? Ako, matagal na nya akong kilala at kaibigan. Matagal ko na ring pinararamdam sa kanya na gusto ko sya pero bakit ganito? Bakit hindi niya yun makita?

Tapos, sandaling panahon lang naman sila nagkakilala ni Mikay pero paano nya nagawang magustuhan si Mikay? Paano?!

Kaya ginagaya ko na ang physical appearance ni Mikay para matutunan din niya akong magustuhan.

Pero..ayaw nya pala ng ganito..

Ano bang gusto nya? Pagod na pagod na akong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko! Ayoko nang bumalik sa dating ako pero hindi ko mapigilan!

At kahit hindi aminin sa akin ni Mikay na gusto niya si Ian, alam ko ang totoo! Kaya sinabi ko na kay Mikay na malapit na kaming ma engage ni Ian para mawala na ang feelings niya.

Kaya hanggat maaari, dapat ma engage kami ni Ian sa lalong madaling panahon.

Kaylangan ko nang kausapin ang parents ko para padaliin na yung engagement namin ni Ian. Ayokong mapalayo sakin si Ian. Sakin lang siya. Gusto ko sya at mahal ko sya.

At dapat, bumalik na ang feelings ni Mikay kay Alex.

At isang tao lang ang alam kong makakatulong sakin sa sitwasyong ito.

Kaylangan ko ng kooperasyon niya. Alam kong sasang-ayon sya sa akin dahil envolved sya sa sitwasyong ito.

Walang iba kundi si..

Alex..

Kaylangan ko rin syang makausap sa lalong madaling panahon. Alam kong malaki ang maitutulong niya sakin kung magagawa niyang..

Mahalin ulit siya ni Mikay..

(Ate Gab's Note: Hindi ko na ulit patatagalin ang UD nito. Haha. Paki basa nga pala nung short story ko na "Our Secret Paradise" yan yung entry ko sa The Voice Wattpad competition kaso hindi pinalad ang inyong lingkod para makapasok sa top 48. Kayo na ang bahalang humusga. Kaylangan ko po ang inyong komento at kritiko. Maraming salamat. May external link po sa right side. Sa taas.)

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon