CHAPTER 70 (Say It Again)

15.3K 198 23
                                    

CHAPTER 70

(Say It Again)

(Ate Gab's Note: Okay, ito na po ang last chapter ng ILTWG. Iyak tayo oh. Lol. Pero may EPILOGUE pa sya, kaso naka private. Pasensya na. XD So yung mga naka follow lang sakin ang makakabasa nun. Paano ba mababasa? Just simply click the follow button sa profile ko.)

(Michaela's POV)

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi sa pag luha. Gutom tuloy ako. Nakakapagtaka lang kung bakit biglang umalis si Miah--Ate Miah kahapon. Tapos ngayong umaga wala sya sa bahay. Ang aga ata ng lakad niya.

Nakakalambot ngayong araw. Hindi lang nakakalambot, parang wala talaga akong buhay ngayon. Ngayon kasi yung araw na tuluyan na siyang malalayo sakin..

Ang sakit. Ang sakit sakit sobra.

Muntik ko pang makalimutan na ngayon kami magkikita ni Alex. Buti na lang naka entry sa calendar ng phone ko.

Sana matapos na ang araw na ito. Sana, sa susunod na araw maging okay na. Sana.

Pero ano kaya yung importanteng sasabihin sakin ni Alex? Sobrang nako-curious ako. May ilang idea na pumapasok sa isip ko pero ayokong mag assume. At isa pa, nakaraan na namin yun ni Alex.

Magkaibigan na lang kami ni Alex ngayo sa madaling sabi. At ayoko rin siyang gawing panakip butas dahil sa nararamdaman ko kay Ian.

Sa isang mamahaling restaurant kami nagkita ni Alex. Siguro, mga ilang araw ko na rin napapansin yung kakaibang ikinikilos niya. Parang malalim ang kanyang iniisip na ewan. Siguro, kaylangan ko na yata siyang tanungin. Pero baka hindi niya sabihin sakin ang totoo. Alam kong ayaw niya lang akong mag alala.

Pero bago pa ako makapag salita, nauna na siyang magsalita.

"Alam kong wala na.."

Napatingin ako ng deretso sa mata ni Alex. Hindi ko siya naintindihan. Ano'ng ibig niyang sabihin? Kahit na nakangiti ang labi niya at pinipilit niyang maging masaya ang mukha niya, alam kong malungkot siya. Sa pamamagitan ng kanyang mata.

Sobrang lungkot ng mata niya. Bukod doon, nararamdaman ko rin na parang nagi-guilty ako.

May ginawa ba akong masama kay Alex?

Nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table.

Hindi kaya..

Ayokong isipin pero yung bagay na iyon kaagad ang pumasok sa isip ko.

(Alex's POV)

After a minute, sana makahinga na ako ng maluwag. Sana kayanin ko ito. Ilang araw ko rin itong pinag-isipan. Kahit na pinilit ako ni Danica na tulungan siya sa gusto niya hindi ako pumayag.

Alam kong hindi magiging masaya sa akin si Micha. Wala rin akong options, masasaktan din ako. That's why I decided to set her free. Ngayon na mismo sa puso ko. Alam kong kakayanin ko to. Makaka-move on din ako.

Sa pag alis ko at sa pagbabalik ko, akala ko nasa puso pa rin niya ako. Yun pala may  iba nang pumalit.

Nakakapanghiyang pero kasalanan ko rin naman kung bakit siya lumayo sakin. Kasalanan ko rin kung bakit nawala na yung pag mamahal niya sakin dati. Wala na akong magagawa, hindi naman pwedeng diktahan ang puso ng isang tao.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon