CHAPTER 36.1
(The Annoying Girl Again)
(Alex's POV)
Hindi ko alam kung bakit ba ako napapayag ng babaeng ito na samahan sya dito sa loob ng bar. Siguro dahil nahabag lang ako sa kanya nung sinabi nya sa akin na gusto nya lang maglabas ng sama ng loob habang umiiyak sya. Sa lahat kasi ayaw na ayaw ko na may nakikita akong umiiyak at nasasaktang babae. Weakness ko kasi yun. Kaya heto. Naka upo kami sa harap ng bar counter na habang itong katabi kong baliw at nakakainis na babae ay naka ilang shots na ng alak.
Naka inom na nga sya ng alak bago pa kami pumunta rito at heto na naman sya ngayon, umiinom na naman. Ano ba kasing problema ng babaeng ito? Ayoko namang ako pa yung unang magtatanong. Hahayaan ko nalang syang mag open up ng kanyang problema.
Pero ang malas ko lang at ako ang napagtripan ng panahon na maging kasama nya. Tsk.
"Alam mo Mr. Crisanto, the best talaga ang Bro Code Bar na to! Kaya dito ko napiling mag inom e."
Ang pormal ah, Mr. Crisanto. Pero alam ko lasing na yan. Kaya ako, hindi ko papantayan ang kalakasan nyang mag inom ngayon dahil mahirap na, pag parehas kaming nalasing mas mahirap. Walang mag babantay sa kanya.
"I dont think so. First time ko palang nakapasok sa bar na to."
"Oooh?"
Bro Code Bar. Ang pagkakaalam ko kasi sa umaga restaurant to at sa gabi bar. Okay naman yung ambiance, bar talaga kung titingnan. And then may regular band talaga na tumutugtog dito. Karamihan nga ang mga customers dito ngayon ka same age ko lang and mga colleges. Medyo tago kasi tong Bar na to e.
Napapansin ko na sunod-sunod ang pagtagay niya. Grabe ah, ang lakas pala nyang mag inom sa edad nyang yan?
"Hey, hey. Napapadami na yang inom mo." pinigilan ko syang inumin yung bagong shot. Then tumingin sya sakin na kunot ang nuo. Yung mata niya mapungay na. Tsk, may tama na talaga sya.
"Madami na yun? Konti palang e. Kaya ko pa pre! Tagaaaay!"
Sya lang ang nag angat ng baso dahil nakatingin lang ako sa kanya. Deretsong ininom nya ulit yung alak.
-__- Hay ewan. Nakakapag-sisi lang, pinayagan ko pa syang mag inom.
"Alam mo, hindi naman solusyon ang pag inom ng alak para mawala ang problema. Panandaliang kasiyahan lamang ang dulot nito pag nalasing ka syempre mawawala yung problema mo. Pero once na nagising ka kinabukasan, asahan mong may hang over ka. E di naging doble lang ang problema mo. Lalo ka lang mai-stress."
Pagkatapos kong sabihin yun tumingin ulit sya sakin. Yung mata niya pinipilit nyang palakihin kahit sobrang pungay na at gusto nang pumikit.
"Bakit..bakit ngayon mo lang sinabi sakin ang tungkol dyan?"
"Everybody knows about that."
"Di ka na mabiro! Alam ko yown! Nyahaha. Tagaaaay tayo ulet! Whooo."
Hay grabe tong babaeng to. Napapailing na lang ako e. First time kong makakilala ng taong kagaya nya. Swear.
"Syanga pala Mr. Crisanto, maraming salamat sa pagsama sakin dito ah. Napaka buti mong tao. You know, kahit hindi pa naman tayo ganon magkakilala. Hehe."
"It's okay, no worries." And I'll make sure that it will be the last na mag ba-bar tayo. -.-
"Ang hirap kasi.."
"Nang?" curious kong tanong.
"You know, you have to follow your parents especially pag only child ka. Kaylangan sumunod sa mga utos nila wether you like it or not. Yung case na, wala kang options?"
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...