CHAPTER 6 (Crazy Date)

19.7K 321 30
                                    

CHAPTER 6

(Crazy Date)

(Michaela's POV)

01:17a.m. Anong oras na? Gising na gising pa rin ako!

"Sige, libre mo ko bukas ha, mga 10am, sharp. Bye. Good night."

Nakakainis talaga! Ano ba! Bakit di pa rin ako makatulog?! Maya't maya na kasi pumapasok sa isip ko yang taeng sentence na yan e.

"Sige, libre mo ko bukas ha, mga 10am, sharp. Bye. Good night."

"Sige, libre mo ko bukas ha, mga 10am, sharp. Bye. Good night."

"Sige, libre mo ko bukas ha, mga 10am, sharp. Bye. Good night."

Hala! Paulit-ulit? Unlimited teh? Tae lang, please lang patulugin mo ako, gusto ko ng matulog promise. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Parang natataeng ewan.

Kilala nyo ba ang sanhi ng pagiging ganito ko ngayong gabi? Ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog kahit gustong-gusto ko ng matulog?

Hayan, nandyan lang sa tapat ng bintana ko ang room niya. Ang lalakeng magpapalibre sa akin bukas.

LIBRE! BABAYARAN! Argh! I hate those words simula ngayon. Bakit ko pa kasi nasabi yun e, hayan tuloy.. Di ko naman akalain na seseryosohin niya yon, kaya ko lang naman sinabi yon para isipin naman niya na may utang na loob ako, rich naman siya kaya inakala ko na sasabihin niya ay "Hey, no need to do that. It's okay." pero mali e, iba ang isinagot niya. "Libre kamo? Sige!" Ay, nakakabaliw! Ay, mas nakakabaliw pala to. "Ililibre mo ako bukas. Ikaw naman ang taya." Tae lungs.

Taya his face! Nang dahil sa kanya hindi ako makatulog. Asar.

Napatingin ako sa bintana where in sa kabila lang ang room ni topless guy. Binuksan ko ng bahagya yung bintana ko, yung kalahati lang ang nakabukas. Hoy, hindi po ako mamboboso, tinitingnan ko lang kung gising pa sa siya.

Pero pagkabukas ko ng bintana, mukang hihimatayin ata ko sa nakita ko! Anak ng tokwa, sana pala hindi ko na lang binuksan ang bintana!

Di ko naman akalain na nakabukas din ang bintana niya at nakahalumbaba siya dun habang nakatingin sa bintana ko.

Ampupu naman.

"Di ka rin makatulog?" tanong niya sa akin. Kagagawan mo kaya hindi ako makatulog.

"M-medyo."

"Dahil ba sa akin?" Bigla siyang ngumisi. Parang ngising aso lang. Pero wait, dahil daw sa kanya kaya hindi ako makatulog? Kapal lang ha..

"H-hindi no." Oy, masyado na ba akong defensive teh?

"Weh? Talaga? E bakit mo binuksan ang bintana mo? Gusto mo siguro akong makita no bago ka matulog?" ay grabi na ang kakapalan.

"Hoy tao. Webster Dictionary ka ba?"

"Huwaw, babanat ka? Why? Because I add meaning of your life. Sweet thing." Sabay kindat pa ng kumag.

"Hindi no! Ang KAPAL mo kasi! Tss." Grabe lang, nagbabangayan ang magkapitbahay ng madaling araw. Hehe.

"Aww, grabe ka naman. Uy, defensive."

"B-binuksan ko lang yung bintana kasi naiinitan ako! M-mabanas."

"Talaga? Mabanas pa rin kahit may aircon ang loob ng kwarto mo?" he said in sarcastic.

Ay tae. E di ako na ang napahiya at defensive. Ang tanga mo Michaela! Kakahiya ka. Magdedeny ka na nga lang yung hindi pa kapanipaniwala! Tae lungs. Isip. Isip! Hala? Jimmy Neutron ang drama? De joke lang, dyusko kaylangan kong makaisip ng dahilan.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon