CHAPTER 25 (Dalawang Panulak)

13.2K 189 17
                                    

CHAPTER 25
(Dalawang Panulak)


(A/N: Dedicated to marukyu. Kyaaa~ salamat sa pag read ng ILTWG. :D thank you din dahil nagpakilala ka po. Waa~ enjoy reading po. ^_^
P.S. Ang baduy ng chapter title ko. Ahaha. XD )


(Michaela/Micha/Mikay's POV)

"Si Ms. Serano po Sir. Siya po ang napili ko."
Yung feeling na aatakihin ako sa gulat! Anak ng pating oh. Uwaaa~ sa dinami dami namin dito bakit ako pa? Nananadya ba sya? Kyaaa~ enebeyen. Iniiwasan ko nga sya e. Nga nga na lang. =_____= Sir Panot, utang na loob..wag kang pumayag. Uwaaa~
"Okay Mr. Crisanto. I'll give twenty points si Ms. Serano this coming first examination."
Kyaaa~ sa gulat ko e bigla akong napatayo.
"A-ano po..?"
Tanong ko. Twenty points daw oh. Laking points na kaya yun. Syeeet! >.< Minsan lang magbigay ng ganyang kalaking points ang mga teachers dito.
Waaa~ bakit nangyayari ito? Ang saklap naman. *m* Pero sayang yung twenty points e. Kyaaa~ alang alang sa twenty points! Kaya ko to. Waaa. Aja!
Natapos na ang first period namin pero hanggang ngayon nabibigla pa rin ako sa nangyayari. Naman. Kakayanin ko bang makapag concentrate sa pagtuturo sa kanya? Oh my..help me God. (*/\*)
Ang awkward tuloy ng sitwasyon. Si Ian di ko makausap kasi busy sa pagsusulat. Ang tamad kasing mag sulat e kaya yan. -___- Ayoko namang tumingin dito sa right side ko kasi nandito si Alex at katabi ko. Pero curious din ako kaya tumingin din ako sa kanya pero sulyap lang. Kaso nung pagkatingin ko sa kanya nakatingin din pala sya sakin kaya nag iwas bigla ako ng tingin. >.< Hindi pa talaga ako handang makita sya..
"Micha.."
Lalalala~ wala akong napakinig.
"Micha.."
*m* papansinin ko ba sya or hindi?
"Mikay!"
Ay kamote!
"Tulala ka ah. Anyare sayo?" Nabigla naman ako kay Ian. -__- kamote naman oh. "..okay ka lang?"
"H-ha? Ako? Oo. Medyo nauuhaw lang ako."
"Ah ganun ba. Okay, wait me here."
Nung pagkatayo ni Ian tumayo rin si Alex. Sabay pa nga silang lumabas e. Hindi ko alam kung saan pupunta si Ian. At si Alex..
Siguro na bo-bore lang si Alex, pero marami namang kumakausap sa kanya at kumukumusta. Nawiwindang lang ako sa mga classmates namin kasi trending kami dito e. -__- Alam kong pinag uusapan nila ako kanina pa.
Ilang sandali lang dumating na si Ian pero..
Ano to?!
May dalawang lalakeng nag aabot sakin ng juice..which is si Ian at Alex. Eer?
O_____O Nanlalaki ang mata ko sa dalawang ito! Ano bang ginagawa nila? Kyaaa~
Napatingin ako sa paligid yung ibang classmates ko nakatingin saming tatlo. Syemeey! Nakakaloka. @__@ Parang may nabubuo pang tensyon ang dalawang to.
Alin ba ang tatanggapin ko?
Yung kay Alex kasi apple juice. Yung kay Ian naman manggo juice..
Kaloka..favorite ko yung apple juice e. Uwaaa~ pag pinili ko yung apple baka magtampo si Ian.
Kaya ito na lang ang naisip ko..
Parehas kong kinuha yung juice. Tapos binalik ko na yung sarili ko sa pagsusulat. Waaa. Patay malisya lang ang ginawa ko e. =___=
Yung dalawang mokong naramdaman kong umupo na sa tabi ko. Waaa~ ang awkward. T3T
Kinuha ni Ian yung binigay niya saking manggo juice tapos binuksan niya iyon tapos inabot niya sakin.
"Inumin mo na to. Baka matuyuan ka pa dyan e."
Tumango ako tapos ininom ko na yung juice niya. Napansin ko na medyo inis ang tono ng pagsasalita niya. Bakit kaya? Galit ba sya saken? Pero bakit? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah.
Ewan. Ililibre ko na lang sya mamaya sa lunch baka sakaling mawala ang inis niya.
Lunch break.
"Bilis Ian! Ambagal mo naman e."
"Teka. Baka madapa ka tapos madamay ako."
"Eh basta. Bagal oh. Daliii." >.<
Mehehe~ hinatak ko na si Ian papuntang canteen. Syempre para makaiwas na ako kay Alex. Nakakaloka na kaya yung awkwardness na namamagitan samin. Kaya mas mabuti pang bilisan na namin ni Ian makapuntang canteen para mawala na si Alex sa paningin ko. -3-
"Bakit ba natin kaylangang magmadali?"
Anak ng tokwa naman si topless guy oh. Dami pang tanong. -___-
"Ililibre kita. Kaya kung hindi tayo magmamadaling makapunta sa canteen baka maubusan tayo ng table, e di hindi na kita malilibre."
"Libre kamo?" *O*
Napatigil sya sa paglalakad pati ako. Tapos tumango ako.
"Oh e ano pang itinatayo natin dito e di tara na. Bilisan na natin."
At ngayon sya naman yung humahatak sakin. Nemen oh. -__- Nakarinig lang ng libre. Tss. Hindi naman kuripot si Ian pero tuwang tuwa yan kapag nakakarinig ng libre o pasalubong. Ewan ko ba e ang yaman yaman naman nyan. Tss.
Nilibre ko lang naman sya ng maraming fries tapos malaking chessedog sandwich. Di ko pala nasasabi sa inyo na adik tong si Ian sa chesse. Pati nga ako nahahawa e. Masarap nga naman kasi.
"Bakit mo ko nilibre?"
"Ayaw mo? Buti nga nilibre kita e."
"Haha. Himala kasi e. Kasi ako lagi ang sumasagot ng lunch natin kaya kaylangan mo na ngang bumawi."
Ay? Waaa. Sabagay, feeling ko nga nung nag start ang pasukan siya na lagi ang sumasagot ng lunch namin eitheir break time. Oh sige, ako na makapal ang muka. E lagi naman kasi kaming nagtatalo kung sino ang magbabayad e. >.<
"Kaya nga bumabawi ako. Tsaka pa thank you ko na rin sayo."
"Thank you? Para saan?"
"Basta. Kumain na tayo."
"Okay. Ayos ka pa lang manlibre ha. Puro extra large. Hati tayo dito sa chessedog. Masyadong malaki, hindi ko to mauubos."
Eer? Hati? Kami? Sa chessedog? Okay..muka namang masarap e. Hindi na nga lang ako oorder para sa sarili ko.
"Muka namang hindi mo nga mauubos yang mga binili ko. Share na lang tayo kasi sayang naman kung di mo mauubos."
"That was a good idea. :D tsaka marami pang naka pila sa counter oh, baka hindi ka pa nakakaorder e mag bell na."
Tapos tumayo sya at kumuha ng dalawang straw.
"Ewan ko ba naman sayo pati ba naman drinks ko extra large. Matakaw ba ako?"
Teka..wag nyang sabihin na..
"Oy, bakit dalawa ang kinuha mong straw?"
"Share na rin tayo sa drinks. Ang laki rin kaya nitong coke. Hindi ko to mauubos tsaka sayang din."
=______= Okaaaay. Share na kami sa lahat. Okay lang naman dun sa coke kasi magkahiwalay kami ng straw.
Wag nga lang sana kaming magkapalit ng straw. :3
Habang kumakain kami kwento ng kwento tong si Ian ng nakakatawa. E ako naman tawa ng tawa. E nakakatawa naman kasi e. About sa mga barkada niya sa ibang school yung kinukwento niya.
Ngumunguya ako habang tumatawa kaya nung paglunok ko nung kinakain ko..
*ubo! ubo!*
Langya. Nabilaukan ako. Waaaa. Tubeeeeg!
"Here!"
Narinig ko na parang may nagsabay na nagsalita nun.
Eer? De javu ba ito? Parang nangyari na ito kanina ah?
Sa nangyayaring ito feeling ko nawala na yung pagkasamid ko.
E naloloka ako sa dalawang to e. Sino pa ba kundi si Ian at si Alex. Sabay nila akong binibigyan ng panulak!
Heto na naman..
Ginawa ko yung katulad kanina. Parehas kong kinuha yung panulak na ino-offer nila. -____-
Promise. Nawala talaga yung nakabara sa lalamunan ko dahil sa dalawang to. Sheet of paper. -___-


(Ian's POV)

-_______-
Nababadtrip ako.
Tama. Nababadtrip ako sa kapwa kong transferee na to. Kanina pa to sa room e. Sukat akalain mong si Mikay ang kinuha niyang tutor? Nak nang..bakit si Mikay pa? Kung hindi nya lang ako naunahang magsalita kanina mag bo-volunteer na akong magturo sa kanya e. Tapos nung pinili niya si Mikay aapela na sana ako kaso baka naman makahalata sila. Kaya tumahimik na lang ako. Later kakausapin ko si Mikay about dito. Tapos kakausapin ko rin tong transferee na to na ako na lang ang magtututor sa kanya. Tss.
Ang pinagtataka ko lang, bakit niya kilala si Mikay? At isa pa, kilala din sya ng mga classmates namin. Hindi kaya..hindi sya transferee? Dati siguro syang istudyante dito na bumalik lang? Baka nga..
Pero nakakainis pa rin e, sa dami ng mga classmates namin bakit si Mikay pa? Anak ng tokwa oh. -______-
Nakakainis din kanina nung break time namin. Akala ko nagkataon lang na magkasabay kaming bumili ng drinks yun pala ibibigay rin pala niya kay Mikay. Packing tape. -_____- At naulit lang din yung nangyari kanina nung lunch break. Nung nasamid si Mikay..sabay din kaming nag abot sa kanya ng inumin. Sino ba tong Alex Crisanto na to? Bakit parang may..may ano e..tungunu di ko masabi! Basta may kakaiba e. Iba yung nararamdaman ko. Parang may something.
Pero wala namang binabanggit sakin si Mikay. Pero okay lang sakin yun..
Napapansin ko pa na iba ang tingin sakin ng Alex na yun. Tss. Problema niya? Tss.

Dahil bored ako sa klase nagsulat ako sa note ko.
Message yun na papabasa ko kay Mikay. Bawal kasing mag ingay sa oras ng klase. Kaya ganito na lang.
"Pa-copy ako ng notes mo later. >:D"
Sabi ko sa message at binigay ko sa kanya yung note ko. Binasa naman niya at nagreply siya. Binasa ko naman iyon nung pagkabigay nya sakin ng note ko.
"Okay. Tamad mo talagang magsulat. >:P"
"Nakakaantok e. :P Punta tayo sa ice cream shop after ng class."
"Sige. :D Balita ko bagong bukas yun at may free ice cream flavor sila dun."
"Oo alam ko. Kaya nga gusto ko dun e. Ikaw ulit ang taya ha? >:P"
"=_____= Sheet of paper. Oo na!"
Haha. Okay, libre niya ako mamaya.
Tapos tumingin ako sa kanya habang nakangiti. Nakangiti rin naman sya sakin e at kulang na lang tumawa sya.
Ang ganda talaga niya lalo na pag nakangiti sya at tumatawa. Bakit kasi hindi yun napapansin ng ibang tao? Focus lang kasi yung iba sa mga may make up. Bakit hindi nila i-try tumingin sa mga simple. Ang alam ko kasi yun ang tinatawag na natural na ganda.
Maputla lang naman tingnan si Mikay kasi wala syang apply na pampa blemish sa lips. Pero once na apply-an ng make up si Mikay..sure akong hindi lang ako ang ma aamazed sa kanya..



(A/N: thanks for the vote and comment.
Ps. Oy Kristelle. Here na yung UD na gift ko sayo. Wahaha. XD Belated happy BEERday ulit. :D )

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon