CHAPTER 60 (Miah Sadista: The Maldita with Class)

9K 152 16
                                    

CHAPTER 60

(Miah Sadista: The Maldita with Class)

(Gab's Note: Yey~! 60 chapters na ang ILTWG.. alam na.. malapit lapit na! :D Nagawa ko ang chapter na to dahil sa OP ni Miah. Syet! The best OP ka talaga. Hahahaha.)

(Michaela's POV)

Parang wala akong ganang bumangon..

Sobrang sakit ng katawan ko. Yung mata ko parang ayaw bumukas. Nahihilo din ako. Grabe, hindi ko yata kayang pumasok.

Narinig ko namang may kumakatok sa pintuan ko.

"Kapatid, bumangon ka na dyan. Baka ma late ka pa. Ready na ang breakfast."

"K-Kuya.."

"Bunso, okay ka lang ba? Buksan mo ang pinto."

"Hindi ko kayang bumangon.."

Ilang sandali lang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Marco. Hindi na niya ako tinanong ng kung ano, hinawakan niya kaagad ang noo ko.

"Kukuha lang ako ng thermometer."

Ilang sandali lang bumalik na rin si Kuya dala ang isang basing tubig at gamot. Pati na rin yung thermometer.

"Ang taas ng lagnat mo. Absent ka muna. Tatawag na lang ako sa school nyo."

Tumango na lang ako. Buti na lang may kapatid ako kahit na wala dito ang parents namin.

Pero bago tumawag si Kuya Marco sa school, dinalhan muna niya ako ng masarap na breakfast sa kwarto ko bago daw ako uminom ng gamot.

Hindi ko talaga kayang pumasok ngayon.

Naapektuhan pala ako sa pagkakabasa sakin ng ulan kahapon ng umaga.

"Achooooo!" pahid sipon.

Nyeta, may sipon pa ako. Sabay sabay na ang sakit ko. Lagnat, sakit ng ulo at sipon. Flu na yan. Commercial lang? XD

Pumasok ulit si Kuya sa kwarto ko. Inayos niya yung kumot ko.

"Hindi kita mababantayan ngayon bunso. Uuwi na lang ako mamayang tanghali para makakain ka ng lunch."

Ang bait ni Kuya Marco. Whooo!

"Wag ka nang umuwi kuya, ako nang bahala sa lunch ko."

"Sigurado ka?" tumango ako. "Tumawag ka na lang kung hindi mo kayang magluto ha? Pasok na ako."

Umalis na si Kuya Marco. Malayo pa kasi ang school niya e tapos uuwi pa siya ng tanghali dahil ko.

Siguro naman o-okay na ang pakiramdam ko mamaya.

Biglang bumukas na naman ang pinto. Akala ko ba nakaalis na si Kuya Marco? Pero may nakasunod pala sa kanya at si Alex pala yun.

"Here, ikaw muna ang bahala sa kapatid ko Alex. Una na ako."

"Sige, salamat Kuya Marco." lumabas ba si Kuya sa kwarto ko at sinaraduhan ang pinto.

Bumuntong hininga naman sakin si Alex.

"Haaay. Sabi ko na nga ba magkakasakit ka. Wag ka na muling susugod sa ulan ha?"

"Okay lang ako. Tsaka, bukas for sure wala na to."

"Sana nga. Anyway, kung gusto mo hindi na ako pumasok para maalagaan kita?"

Nagulat ako sa sinabi ni Alex. Muntik na tuloy akong mahulog sa kama ko.

"Enekebe Alex! Kayang kaya ko ang sarili ko no. Tsaka, absent na nga ako, a-absent ka na rin. Kokopya pa naman sana ako sayo ng mga ituturo ngayon."

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon