CHAPTER 20
(Strange Feelings)
(A/N: Dedicated to Ate Hunny @Hunnydew. Super touch ako sa ginawa niyang book cover ng shungang story na to. Kalokaaa. Super LIKE! Ang gondo gondo! *O*
Actually sa school ako nag visit ng watty site pero hindi ako naka OL nun. Kaloka e, nung makita ko muntik na kong mapasigaw at mapatalon sa tuwa! Anyahaha. Maraming thank yow ate hunny! The best ka talaga! Ano nga palang software photo editor ang ginamit mo? Hanggang Photoscape at Adobe Photoshop lungs aketch e. -____- )
(Ian's POV)
"Gusto mong pumasok na tayo sa horror house or sumakay muna sa mga rides."
Ang tangels ko lang. Alam ko naman kung ano ang pipiliin niya e nagtanong pa ako. Tss. -___- Wala lang, para may mapag usapan lang kami at magbago ang mood niya. Kanina ko pa kasi syang napapansin na parang malalim ang iniisip niya. Di ko masisid sa sobrang lalim. Parang sa hitsura niya..parang nalilito syang ewan.
Nakakacurious lang, pero nahihiya naman ako. Pero medyo makapal naman ang muka ko mamaya ko nalang itatanong sa kanya.
"Tinatanong pa ba yan? E di syempre dun sa horror house."
Kung naririnig nyo lang sana ang mga tinig niya ngayon, parang hindi nyo mapipigilang ngumiti..
Sabi ko na nga ba't magbabago ang mood niya sa mga ganung bagay.
And feeling ko ang mga mata niya nagmistulang hugis puso. What the.. -___-
Di bale na, basta mawala lang yung bumabagabag sa isip niya. Sa isip lang ba niya?
"Pumila ka dito then ako na ang bahalang bumili ng ticket."
"Okay okay. Bilisan mo ha."
"Sure."
Pumunta na ko dun sa ticket boot. Siguro mga ten meters lang ang layo namin sa isat-isa. Then pinagmasdan ko sya..
Sa unang tingin talaga..makikita mo na kakaiba sya, yung parang..interesting the way ng pag kilos niya kasi kakaiba talaga. Afraid sa tao tapos nakayuko pa. Pero buti na nga lang kinakausap niya ako e. Para sakin masaya ako kung ganun. :)
Weird girl..
Kung titingnan mo talaga sya ang weird talaga niya, pero ang hindi alam ng iba, masarap syang kasama. Marami kang bagay na marerealize, matututunan, at maeexperience na kakaiba. Kaya gusto ko lagi syang kasama e. Feeling ko lagi akong nakangiti.
Kakaiba talaga sya sa ibang mga babae, yung mga babaeng katulad niyang nakapila din dun mga naka suot ng sleeveless, skirt, hills, shoulder bag, makakapal na make-up, naka dress, ang arte ng buhok tapos..basta. Hindi ko na alam ang tawag kung ano yung mga nakasabit sa katawan nila. -___- Basta, muka silang mga rainbow. Makukulay. -___-
Unlike to weird girl..ibang-iba talaga sya. She's only wearing white t-shirt na may naka print na skull. As always. -__- tapos naka fold pataas yung kamay ng shirt nya. Then naka simple skinny pants, black sneakers shoes and purle body bag na may guitar and skull design. Pinahiram ko pa nga sa kanya yung round cap ko na color black dahil nasabi sakin ni Kuya Marco na sensitive ang mata ni weird girl sa araw, kaya pala hindi sya lumalabas ng bahay kapag tanghaling tapat. Well, sa totoo lang close na kami ni Kuya Marco, as in kuya Marco ang tawag ko sa kanya. Mag kuya daw ako sa kanya e, sya na mismo ang nagsabi. E di kuya. Mas masaya nga e. Lagi pati kaming nagbabasketball and near lang naman samin yung court. Pag minsan one on one kami at pagminsan may nakakalaro kami. Madami na nga akong tropa dito e.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...