CHAPTER 69 (The Letse Plans Finale)

9.2K 166 14
                                    

CHAPTER 69

(The Letse Plans Finale)

(Miah's POV)

Nasira yung charger ng phone ko kaya manghihiram muna ako kay kapatid. Dere-deretso akong pumasok sa kwarto niyang madilim.

"Kapatid, peram ng charger--"

Napatigil ako sa pagsasalita kasi nakita ko siyang umiiyak. Pasinghot-singhot pa siya at basang-basa pa ng luha ang mukha niya.

Bakit siya umiiyak? Anyare? Umiiyak ba sya dahil nakakaiyak yung pinapanuod niyang movie?

Pero hindi naman nakakaiyak yung movie ah! Horror movie, depende kung napaiyak siya sa takot. Pero imposible e. Hindi naman marunong matakot si kapatid sa horror movie. Unless may ibang dahilan kung bakit siya umiiyak. Better kung tanungin ko na siya.

Para ngang iba na ang kutob ko e. Sana naman sabihin niya sakin ang totoo kung bakit siya umiiyak kundi pepektusan ko siya.

"Bakit ka umiiyak?"

Umiling siya. "Wala."

Gaya nga ng sinabi ko, pinektusan ko siya. "Ano ka tanga para umiyak sa walang dahilan?"

"Ang sakit nun Miah ah!"

"Mas masasaktan ka kung hindi mo sasabihin sakin ang totoo."

Tumahimik siya. "Ano kasi.."

Syet. Pabitin epek pa e. Yang mga ganyan ang ayaw ko talaga. Ayaw pa sasabihin ng deretso.

"Tungkol ba kay Ian?" derekta kong tanong sa kanya. Ako ngayon ang mang de-derekta sa kanya. Natahimik siya at napatungo. Ilang sandali lang tumango siya.

I knew it. Sabi na nga ba e. "Oh tapos? Anong nangyari?"

Napansin ko na parang nag ba-vibrate yung balikat niya. Umiiyak na naman siya.

"Kasi si Ian at Danica.. engage na sila bukas. Nag approve na kasi si Ian sa arrange marraige sa pamilya ni Danica."

Totoo ba ang naririnig ko? Arrange marriage?

Aah.. Kaya pala umiiyak si kapatid ngayon kasi.. "Mahal mo si Ian di ba? Kaya ka umiiyak dahil engage na siya bukas. At kapag na engage siya wala na."

Nakatitig lang siya sakin.

"Pano mo nalaman?"

"Obvious na gusto mo si Ian. Wag ka nang tumanggi. Halata naman." kinuha ko ang phone ko para tawagan ang isang tao. "May gagawin lang ako." Lumabas na ako sa kwarto niya. 

"Saan ka pupunta?" tanong ni kapatid.

"May aayusin lang ako."

"Take care.. Ate.."

Nabigla ako. For the first time, tinawag akong "Ate" ni kapatid. Bakit parang ang saya? Parang ang sarap sa feeling na tawagin kang "Ate"? Oh well.

Mukang kaylangan ko nang tapusin ang letse plan ko ah. At syempre, gusto kong mangyari sa naka ayon ang letse plan ko. Hindi ko hahayaang sumabit ang iyon, sayang naman ang pagod at effort ko dito 'no.

Nag ayos ako ng sarili at nagpalit ng damit. Ilang sandali lang sinagot na niya ang tawag ko.

"Magkita tayo sa Don Samto's Coffee Shop. Ngayon na mismo. May importante tayong pag uusapan." binaba ko na ang tawag at umalis na. Hindi ko na siya hinayaang magsalit. Pag hindi siya pumunta patay siya sakin.

Nakakapagtaka lang kung bakit pumayag na si Ian sa arrange marraige na iyon? Peste. Nahihirapan na ako sa sitwasyon nila ah. Kainis. Nangungulot na tuloy ang buhok ko.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon