CHAPTER 5.1
(Shooting Star?? )
(Ian's POV)
Matakaw pala siya sa cup noodles! Grabe lang. May aaminin nga pala ako sa inyo. Hehe. 'Wag kayong magagalit ha? Hehe.
Sinadya kong kunin yung nag iisang flavor ng cup noodles na beef. Hehe. Oh, wag nyo akong sasabunutan magugulo ang gwapo kong buhok.
So curious ba kayo kung pano ko nalaman na favorite nya yang cup noodles beef flavor na yan?
Simple lang. Pagkapasok kasi namin sa 7/11 dun kaagad siya tumakbo sa may mga cup noodles instead sa mga chichiriya or else. Then habang naghahanap siya binibigkas pa niya ang salitang "beef flavor" ng paulit ulit.
Halos nakalimutan na nga niya na may kasama siya e. Kaya 'yan, napagtripan ko. Hehe.
Nakakatawa, pano ba naman kasi niya makikita ang nagiisang flavor na 'yon e harang na harang ang bangs niya sa muka niya.
Tanong ko lang, may nakikita pa ba siya sa lagay na 'yan?
Sa totoo lang, hindi ko masyadong makita ang buong muka niya dahil sa bangs niyang napakahaba, ang sarap gupitin e kung pwede nga lang.
Gustong gusto kong makita ang buong muka niya sa totoo lang para malaman ko kung pangit nga ba siya o hindi. Pero na fe-feel ko hindi naman siya mukang pangit. Ang kulang lang siguro sa kanya konting ayos sa sarili at tsaka konting self confidence, kung magkakaroon siya niyon siguro hindi na dadalas ang pambubully sa kanya ng mga salbaheng tao.
Ang kinaiinis ko lang, tingnan nalang sana nila pero 'wag naman saktan. Hindi na kasi makatao 'yon e.
Wait, ako ba ito? Teka, bakit mga ganitong bagay ang pumapasok sa isip ko? Gulay lang. Halos wala pa ngang 24 hours na magkakilala kami pero feeling ko ang dami ng nangyari.
Pero alam nyo ba, sa incident na nakita ko kanina noong pinagbabato siya ng dalawang salbaheng babae na mukang pok pok sa tabi, narealize ko parang..
Gusto ko syang protektahan..
Oh geez. Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako ganito? O sabihin nating.. bakit ganito ang nararamdaman ko?
Antae. Ang weird e. Kakaiba! Uhh, pedeng magtanong? Ano pong tawag sa feelings na 'yon? Ang strange e, first time ko pa lang 'yon na feel. Kamote. Beep me back po ah kung alam nyo ang tawag 'don.
Ha? Ano po doc? Symptoms? Kaylangan pa ng symptoms?
Ito po yung symptoms na naramdaman ko.
First, thag-thug-thag-thug! Paulit ulit ko po 'yan nararamdaman sa puso ko. Ang alam ko po, pagnararamdaman ko yang thag-thug-thag-thug na yan e kapag natatakot ako or kinakabahan ako pero this time wala po akong nararamdamang takot o kaba.
Promise, kung sa tuwing nakikita nila si Michaela ay natatakot o nagugulat sila, ako po hindi. Wala akong nararamdamang ganun. Instead, parang natural na tao ko lang siya nakikita, pero pansin po talaga na may something weird sa kanya. At 'yon po ang second symptoms ko.
My third symptoms is, feeling ko parang sobrang saya ko o buhay na buhay ako. Parang ganun po doc..
Niresetahan ako ni doc. Sabi niya i-continue ko lang daw ang paglapit kay Michaela. Baka sakali daw isang araw na malaman niya ang "sakit" ko. Kamote lang.
Napansin ko na tapos na siyang kumain ng cup noodles. Sinasabi ko na nga ba't favorite niya yan. Kaso 'wag lang kasobra dahil hindi maganda sa katawan ang sobra sa mga ganyan.
Ay? Concern si Kuya? Tae lang.
Ewan ko ba kung bakit dito kami napa istambay sa may tabi na kalsada, medyo pababa yung kasunod na barangay kaya kitang kita ang nagkikislapang ilaw ng mga bahay..ang ganda nga ng view e. Maganda pala dito.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...