CHAPTER 66 (Hurts: Alex)

9.6K 127 9
                                    

CHAPTER 66

(Hurts: Alex)

(Ate Gab's Note: Malapit nang matapos ang ILTWG. Konting tumbling na lang. Sana patuloy pa rin kayo sa pagsuporta.)

(Danica's POV)

Taon-taon, lagi siyang may regalo sakin. Siya ang kauna-unahang bumabati sakin at lagi ko siyang kasama sa pinaka espesyal na araw ng buhay ko. Pero ngayon..pero ngayon..

Nabitawan ko yung hawak kong paper bag. Kahit malayo na ako kay Ian madami pa rin luhang lumalabas sa mata ko. Napa-upo na ako sa sahig. Napa ub-ob ako at umiyak ng umiyak.

Wala akong pakelam sa mga taong nakakakita sa akin, basta ngayon gusto kong umiyak.

"'Wag ka nang umiyak."

Nabigla ako sa nagsalita kaya napatunghay ako mula sa pag ub-ob. Mas nabigla pa ako ng makita ko sa harapan ko yung malaking teddy bear na may ribbon na malaki sa Blue Magic. Ang laki naman ng boses nitong teddy bear.

Pero iba ang boses noong nagsalita. Sino siya? Alam kong nakatago lang siya sa likod ng teddy bear na yan.

"Sino ka?!"

"Smile ka muna, saka ako magpapakita sayo."

"Oh hayan, naka smile na ako." kahit hindi.

At ilang sandali lang, tumayo ang isang lalaki sa likod ng malaking teddy bear. "Alex?!" Hindi naman pala masyadong matangkad yung teddy bear. O talagang matangkad lang si Alex? Pero teka, bakit.. maraming tanong ang nasa isip ko. Hndi ko tuloy ma-isa-isang sabihin.

"I saw everything.." he said.

"Really, feel free to laugh."

"Why should I?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Pero ilang sandali lang hindi ko na naman napigilan ang luha ko. Umiyak ulit ako. Mali, ngumalngal na pala ako sa gitna ng kalye. Wala akong pakelam kahit nakakahiya na ako dito.

"Hey, hey. Tahan na. Pwedeng 'wag ka ditong umiyak please?"

"Wala akong pakelam, gusto kong umiyak!"

Itinayo na lang ako ni Alex, at sa gulat ko..bigla niya akong niyakap.

"Ssshhh. This means nothing. Basta umiyak ka na lang sa dib-dib ko kesa mag nganga-ngalngal ka dyan."

Mas okay nga 'to kesa naka lupagi ako sa gitna ng kalye at umiiyak. Kahit papano nakakita naman ako ng comfort kay Alex.

Nasa isang bench kami at naka upo lang. Nag papahinga lang ako mula sa pag iyak. Hindi ko pa mapigilan yung sinok ko.

"Tubig oh," tinanggap ko yung tubig na inaalok niya. At nakagaan naman iyon ng loob ko. Medyo nakakahinga na ako ng maluwag at medyo nawawala na rin yung sinok ko.

"Thanks." naisip ko lang, "Paano mo nga pala kami nakita? At ang galing ha, ito yung teddy bear na gusto kong bilihin kanina kaso hindi ko nabili kasi ang laki-laki."

Ngumiti muna si Alex bago nagsalita. "Sige, sasagutin ko. Ganito kasi 'yan, nakita ko kayo ni Ian sa Blue Magic. Then nakita ko na mukhang gustong gusto mong bilhin yung teddy bear. 'Yun pala ang reason mo kaya hindi mo binili. And then, pagkalabas ko ng mall, nakita ko kayo sa fountain. Nagkataon lang siguro at napakinig ko lahat. At nalaman ko rin na birthday mo pala ngayong araw. Bumalik ako sa Blue Magic para bilihin yung gusto mong teddy bear as a birthday gift. Kaso pagbalik ko wala ka na. Hinanap kita then I found you crying in the middle of the street. And that's the rest of the story."

Tumango-tango ako. "Uhh, ganoon pala."

"And, happy birthday nga pala."

Napangiti ako. "Thank you!"

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon