CHAPTER 6.2
(Crazy Date)
(Michaela’s POV)
Minamanyak ko na ata ang matipunong likod ni topless guy.. chos! De joke lang.
Namamaga na ang ilong ko kakabunggo sa matipunong likod niya. Kanina pang nabubunggo ang ilong ko sa likod niya e every time na pe-preno. Promise ang sakit na talaga..
At muka namang nakahalata ang may ari ng matipunong likod."Hey, masakit na ang likod ko kakabunggo ng ilong mo. Ang tilos-tilos e. Come over here.."
Nagulat ako nung hinawakan uli niya ang braso at inilipat ang kinatatayuan ko sa harap niya. In short, magkaharapan kami hindi katulad kanina na nakatalikod siya sakin.Ano ba ‘yan. hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng deretso. Nakatungo lang ako. Nasosofocate ako sa position namin hanobey!.
"Yan, mas ok na dyan ka na lang sa harapan ko kesa nasa likuran ko. Masakit na ang likod ko kakabunggo ng ilong mo e."
"Sorry po." I said in sarcastic. Mas masakit naman ang ilong ko! Parang samentong pader yang likod mo e.
At biglang prumeno ang bus ng pagkalakas-lakas! Muntik na akong matumba buti na lang..
Buti na lang, nasalo ako ni topless guy..
Nagkatitigan lang kami ng ilang seconds pero bigla na rin niya akong itinayo. Medyo nakaramdam ako ng konting panghihinayang. Ang sarap sampalin ng sarili ko. Ano tong panghihinayang sa sariling keme na pinagsasabi ko?! De wala to! Wala.
Bale nakasalo yung arm niya sa likod ko then yung other arm niya nakahawak doon sa handle. At ako, feeling prinsesa na sinalo ng isang gwapong prinsipe. Charing!
Ay mali. Isang ugly duckling na sinalo ng isang SUPER GWAPONG MABANGONG MATIPUNONG PRINSIPE! Di ba tama ako? ‘Di ako prinsesa dahil panget ako. Isa akong UGLY DUCKLING na walang pag-asang gumanda kung hindi dahil ng magic. Di ba?
Pero wish ko lang na hindi nag obvious ang blushing keme ko. Kundi nakakahiya. Baka mag assume ang topless guy na ito kahit totoong kinilig ako ng wagas! Hehehe.
"Ano ba naman yan. Okay ka lang?"
"O-oo. T-thank you.."
Cherry blossoms attack. Cherry blossoms attack. Cherry blossoms attack
Hangang sa loob ba naman ng bus sinusundan pa rin ako ng multong cherry blossoms na yan? Pwede bang tsupi muna kayo kahit saglit lang? Dyusme! Nasaan na yung vacuum cleaner or walis na lang? Tsupi! Tsupi! Nadidistract ako sa inyo.
At mas naloka ako noong ikulong niya ako sa dalawa niyang braso. Ihinawak nya rin kasi yung isa pa nyang kamay sa handle. E nasa harapan niya ako kaya nakulong ako sa mga braso niya..
In short.. PARA NA RIN AKONG NAKAYAKAP SA KANYA! Super lapit ko na talaga sa kanya kaloka!
"I'm sure hindi ka na niyan matutumba.."
Kanina pa akong tumba sa awkward and suffocation mo! Plus ang distraction pa! Huhuhu.
(Ian's POV)
Kung hindi lang ako nakapag pigil baka sabog na ang muka ng manyakis na lalakeng mukang pugita na nasa likuran ni Michaela. Buti na lang napansin ko kaagad ang kabastusang modus operandi ng tarantadong iyon! Sorry for the words pero ganito talaga ako pag may babaeng hindi nirerespeto or winawalanghiya!
Honestly hindi naman ako nasasaktan sa ilang beses na pagtusok ng matulis na ilong ni Michaela sa likod ko e, nakikiliti pa nga ako. E kung hindi lang dahil sa manyakis na mukang pugitang iyon!Ayoko lang gumawa ng gulo kaya pinagpasensyahan ko nalang at may ginawa akong ikahihinto ng pangmamanyak niya sa iba.
Nanamantala ng siksikan, lakas din ng loob ng lalaking iyon. Buset! Pasalamat siya at glare look lang ang inabot niya sa akin at kung hindi ako nakapag pigil..ay ewan ko na lang. Baka kung saang hospital siya dalhin.
Nung mailipat ko si Michaela sa front ko nakaramdam ako ng relief sa dib-dib ko. She’s innocent, and I don’t let any bastard dare to touch her, even the end strands of her hair!
Teka..nagagalit ba ako? I think so. Sino ba namang hindi mabwibwiset na makakita ka ng lalakeng nangmamanyak ng babae? Pakshet yun di ba? Pasalamat siya at hindi ako bayolente at nakuha siya sa glared look ko. Tss, hanggang dun lang pala siya e. Pero humanda to saken mamaya! Di pa ako kuntento e. Di bale sana kung sa isang babae lang niya ginawa. Damn this freaky monster! Lahat yata ng babaeng malapit sa kanya pinagbalakan niyang manyakin! Potaena.
Buti na lang may pagka conservative ang fashion nitong si weird girl kahit puro bungo. Atleast hindi naka puntos ang walanghiyang manyakis na iyon. Hindi naman niya nadiitan si Michaela. Nakahalata lang ako kasi always siyang tumitingin sa *ehem* sa likod ni Michaela..
To secure her pinalipat ko siya sa front ko para malayo sa bwiset na yun.Hindi ko na lang pinahalata kay Michaela na ganun na ang nangyayari. Baka matakot pa sya at madala ng tuluyan na lumabas ng bahay. Ayoko namang maging una't huli itong paglabas namin.
Hala! Anong sinasabi ko?’Di ko pa nga siya lubos na kilala ee tsaka kahapon lang kami nagkakilala ganito kaagad? Siomai lang.
At saa hindi ko inaasahan biglang nagpreno ng wagas! Si weird girl nawalan ng balanse kasi wala naman siyang mahawakan kaya muntik na syang matumba buti na lang nasalo ko siya and..
Ngayon talaga na sinasabi ko na ng walang doubtful na.. maganda talaga si weird girl at hindi siya pangit.
Mamatay ang magsabi sa kanya ng pangit! Pangit ba yan e kitang kita ko na ng malapitan ang muka niya? At tsaka no need to wear makeup dahil mas maganda sya pag wala nun. Takte. Itong mukang ito ang hindi nakakasawang tingnan. Kaso..
Ano yun? Ang weird. Ito yung naramdaman ko nung magkasama kami kagabi e. Oo tama ito nga yun. Tsk. Wala to, natural lang to.
"Ano ba naman yan. Okay ka lang?"
"O-oo. T-thank you.."
May naisip ako para hindi sya matumba kahit wala syang mahawakan. Hoy, walang halong malisya to ah..Im just protecting her lang. Ihinawak ko yung dalawa kong kamay sa handle where in nasa loob sya ng mga braso ko para di sya matumba and to protect here sa lalakeng mukang pugita na manyakis na yun.
Hoy ulit! Di po yun hug, embrace or what! Wag mag isip ng kung ano. Bad yon.
"I'm sure hindi ka na niyan matutumba.."
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...