CHAPTER 67
(The Pakielamera)
(Miah's POV)
Okay, ayoko nang tumagal pa 'tong kalokohan na ito. Kikilos na ako dahil gusto ko na ng peace of mind. Ayoko nang makita sila na parang mga shunga. Kung hahayaan ko na lang silang mag-iintayan e walang mangyayari sa kanila.
Ang mga letse plans ko..rarampa ngayong araw! Hahahaha. Damn. Parang pang witch yung tawa ko. Duuh.
"Hi, Miah."
Bati sakin ni Eleina. Yung classmate namin na muse. Duuh, I'm prettier than her. Rich kid lang at maputi kaya naging muse. Well, ganyan dito sa school e.
"Hello." nginitian ko siya. Plastik ka, mas plastik ako sayo. Nilampasan ko na siya at pinawi ang ngiti ko sa kanya. Hindi ko gusto ang attitude ng babaeng iyan at trying hard siyang makuha lahat ang atensyon ng mga gwapo dito sa school. How pathetic. Samantalang ako kusa silang lumalapit sakin. Ganda ko e. At isa pa, trying hard din yang babaeng iyan na maging kaibigan ko. Kasi gusto niyang akitin ang mga lalakeng lumalapit sakin. Di ba? Napaka haliparot? Nakakadiri. Napa flip hair tuloy ako ng wala sa oras.
Physical Education namin ngayon. Naglalaro lang naman kami ng volleyball sa gym. Hampas dito hampas doon lang ako ng bola. Nakakatamad naman kasi e. Si kapatid nga naninimot lang ng bola kasama si Alex. Mga taga limot lang ng bola para maging maayos ang gym at nilalagay nila sa basket. Mas lalo silang mukang boring. Si Ian naman hayun, nakikisali sa mga ulagang classmates ko na ginagawang bola ng basketball yung bola ng volleyball. Mga baliw. Si Danica naman nakikipag laro din gaya ko. Napapansin ko kanina pa ang medyo pagiging tahimik niya. Bakit kaya?
Mukang kaylangan kong maka amoy ng chika.
At may napapansin lang ako. Biglang nag init ang ulo ng mapansin ko iyon e. Mukang may ginagawa atang kalokohan itong si Eleina! Parang pinatatamaan talaga niya ng bola si kapatid tapos nagkakalat din siya ng bola.
"Micha, okay ka lang ba??"
Natamaan na kasi ni Eleina ng bola si kapatid. Natamaan sa balikat si kapatid. At pakiramdam ko, hindi naman siya nasaktan. Pero hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Eleina sa kapatid ko. Nananahimik si kapatid, walang itong ginagawa sa kanya!
"Ow. I'm so sorry, Michaela. Dumulas kasi sa kamay ko e." sabi ni Eleina. Ang sarcastic ng ngiti niya at obviously na sinadya niya.
Lumalabas na naman tuloy ang pagka demonya ko. Well, pinilit niya ako e. Tingnan natin..
Kumuha ako ng isang bola. At ini-spike ko iyon ng malakas paputa sa muka ni Eleina. Boom! Sapul sa muka niya! Hahaha.
"Awch!"
Awch?! So arte! Hindi bagay. Lumapit ako sa kanya at nilimot yung bolang ibinato ko sa kanya. "Ow. I'm so sorry din, Eleina. Dumulas din kasi sa kamay ko e." Then I gave her a sarcastic smile too. Paiyak na naman ang muka ni Eleina. Hindi naman niya kayang lumaban o umapela sakin. Sige, subukan niya. Hindi lang iyan ang kahihinatnan niya.
Kinindatan ko na lang sina Alex at kapatid at ngumiti sa kanila. Nginitian naman ako ni Alex.
"Nasaktan ka ba, kapatid?" tanong ko sa kanya pero parang nagulat siya nang tanungin ko siya. Inulit ko ulit yung tanong ko sa kanya. "Oy, kung nasaktan ka ba?"
"H-hindi naman. Ayos lang ako. S-salamat."
"Good. Don't worry, iginanti na kita." tumalikod na ako sa kanila at bumalik na sa pakikipag laro ng volleyball.
Nagulat si kapatid kanina noong tinanong ko siya. Well, nagulat talaga siya kasi hindi naman kami nag uusap dito sa school. At magugulat talaga siya kasi tinawag ko siyang "kapatid". Iniisip niya siguro na baka may makaalam na magkapatid kami. The hell I care kung malaman ng buong klase. Mas maganda nga iyon e.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...