CHAPTER 56
(I’m Sorry..)
(Michaela’s POV)
Heto, may pasok na naman. Gaya ng dati, tumatambay muna ako ng matagal sa labas ng gate naming. Hinihintay kong lumabas si Ian sa bahay nila. Kaya naabutan ako ni Alex dito at kaya nakakasabay ako sa kanya dahil may dala syang kotse. Araw-araw hindi na ako nakakapag lakad pumasok at umuwi galing school. Na mimiss ko nay un. Mas gusto kong maglakad sa gitna ng ulan habang nakapayong at may kasukob na topless guy.
Letse. Hindi ko na naman tuloy mapigilang hindi mapaluha..
Ang tagal namang lumabas ni Ian. Nakapag desisyon na kasi ako na pipilitin kong makalapit sa kanya para makapag usap kami at makapag sorry. At gagawin ko na yun ngayon. Gusto ko nang maging okay kami dahil hirap na hirap na ako sa ganito naming sitwasyon.
Mukang wala na ata si Ian sa kanila. Maka pasok na nga lang, baka ma late pa ako. Kaso bigla akong napahinto sa paglalakad. Bakit nga ala wala pa si Alex? Malapit nang mag time ah.
Tinawagan ko na lang siya. Hindi pala siya makakapasok ngayon umaga. Pero pipilitin daw niyang makapasok after recess time. May a-attendan daw siyang business meeting ngayong umaga at part din daw yun ng training niya. Kaloka si Alex! Ang galing-galing niya talaga. Sumasalang na siya sa ganoong trabaho e ang bata-bata pa lang niya. At nag aaral pa sya. Grabe, napapagsabay niya yun? Siya na! :D
Hayan tuloy, mag isa akong naglalakad. Pero isang tao lang naman ang naiisip at naaalala ko habang naglalakad ako papuntang school.
Si Ian.
Naalala ko yung una naming pagsabay pagpasok sa school. Maglalakad tuwing uulan, mag aasaran sa daan. Mag tatawanan. At yung araw na nag dramahan kami ni Ian sa gitna ng daan. Noong kinompliment niya ako na pilit niya akong pinapaniwala. Yung oras na niyakap niya ako. Syet! Kinilig ako dun.
At ang mga araw nay un. Nakikita ko pa noon ang mga cherry blossoms. Tumingala ako sa kalangitan, pinipilit kong imaginin ang mga cherry blossoms na unti-unting pumapatak sa lupa. Yung pagsayaw nila sa hangin. Itinaas ko ng konti ang kamay ko. Iniimagine ko na kunwari nahahawakan ko sila. Noong maramdaamn kong nahahawakan ko na sila, itinikom ko ang kamay ko at inilagay yun sa dib-dib ko. Pakiramdam ko, malapit lang sakin si Ian sa mga cherry blossoms nay un..
Nang biglang..
*Beeeeeeep!*
Ay pusang gala! Syet na sasakyan yun! Nasa tabi naman ako ng kalsada ah. Ampota hari ba sya ng daan?!
Badtrip! Panira sa pag de-daydream ko. Waaah! Nawala tuloy yung mga cherry blossoms sa paligid at tsaka yung cherry blossoms na hawak ko. Huhuhu. Letseng kontse yun, mabangga sana sya. De joke lang, ang bad ko. -_-
Nakakainis naman, feel na feel ko na yung pag de-day dream ko. Halos pakiramdam ko nakayakap na nun sakin si Ian. Ang sarap sa feeling tapos biglang sisrain ng beeeeep ng sasakyan. Syet lang. -_-
Pagkadating ko sa school, naupo na lang ako sa upuan ko habang nakatitig sa upuan ni Alex. Napabuntong hininga na langa ko, wala kasi akong maka-usap.
Ilang sandali lang dumating na si Ian. Syempre sunod naman ang tingin ko sa kanya. Nagtataka lang ako kung bakit hindi niya kasama si Danica. Timing naman dahil nagtanong sa kanya si Miah.
“Nasaan si Danica?”
“Business meeting. This afternoon pa sya papasok.”“Ahh, okay.”
Business meeting? Parang kay Alex lang? Baka sila-sila yung mga magmemeeting. Wow, sila na ang rich.
Siguro ito na ang chance kong kausapin si ian. Ni hindi man lang sya lumilingon sakin. Nagbabasa lang siya ng libro tsaka nag sa-soundtrip. Mukang ayaw niya talagang magpa-istorbo. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Dati rati, kami lang yung lagging magkasama, magkausap during vacant time. Pero ngayon ang awkward na. Halos hindi na kami nagpapansinan. Parang hindi na naming kilala ang isa’t-isa. Naririnig ko pa na napapag-usapan na kami. Hindi na daw kami close chu-chu ni Ian. Mga ganun, ang dami nilang sinasabi na halos hindi na mag sink in sa utak ko.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Novela JuvenilFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...