CHAPTER 45
(Scarborough Shoal)
(A/N: Sorry sa typo and grammatical errors. Nag back read kasi ako sa ilang chapters and booom! Ang balasubas ko palang author! XD sowri powxs! ^_^v Jejeje.)
(Ian's POV)
Umaga na pala. At may pasok na ulit kami. Nakakatamad mang pumasok pero kaylangan. =__= Lalo pa't parang minamagnet ang katawan ko ng malambot na kama at akiting matulog muli. Puyat kaya ako kagabi. Mga 2am na ko nakatulog. Grabe. Ang lalim kasi ng mga inisip ko. Tapos dagdag pa yung pag amin ko sa sarili ko.
Kung hindi lang dahil ni Mikay a-absent sana ako para matulog. Kaso, ayaw ko namang palampasin ang pagkakataong hindi makita ang magandang muka niya ngayong araw. Hehe. Ayokong makaligtaan kahit isang oras na hindi sya nakikita dahil feeling ko nagwawala ang puso ko. Gusto lagi ng puso ko na nakikita at nararamdaman ang presensya ni Mikay.
Booom. Sa istoryang ito pakiramdam ko ako yung weird. Hindi yung babaeng weirdo na mahal ko. Sa palagay ko nga ako na yung weirdo dahil sa nararamdaman ko.
Bumangon na ako sa pagkakahiga. Syempre, gustong gusto ko na makita na ngayong araw si Mikay. Baka gising na yun kaya binuksan ko na yung bintana ko. Kaso nakasarado pa yung kanya. Baka tulog pa sya o kumakain na ng breakfast sa kitchen nila. Di bale na, makikita ko naman sya mamaya tsaka magkasabay naman kaming papasok.
Haay nako. Makaligo na nga lang, baka sakaling magbago pa ang mood ko. Ano ba yan. -__-
Ready na ko to go school with Mikay. Nasa akin pati yung ibang libro nya kaya ako na ang magdadala.
"Oh, ingat kayo ni Michaela ha?"
"Opo nanay. Alis na po ako."
Nagpaalam na ako kay Nanay at dali-dali na akong lumabas ng bahay. Mas madalas na ako yung naghihintay kay Mikay sa tuwing papasok kami katulad ngayong araw.
Kaso kanina pa akong naghihintay dito sa labas, tinawagan ko na rin ang cell phone niya kaso nag ring lang. Baka late lang sya ng gising.
Laking tuwa ko nung makita kong bumukas yung gate nila. Pero hindi si Mikay ko ang lumabas. Kundi yung kapatid nyang si Miah.
Ngayon, para na talagang magkamuka si Miah at Mikay. Syempre, mas gumanda na ngayon si Mikay at nagka confidence na kaya medyo nahahawig na sya sa loka-lokang si Miah.
"Hello Ian! Good morning."
"Good morning din Miah." parang nahihiya akong magtanong kay Miah kung matagal pa si Mikay. Sabagay, di pa naman kasi late e.
Napansin ko na kakaiba na naman ang tingin sakin ni Miah. Ewan ko ba kung bakit sya may ganyang mga tingin. Ang weird din nya promise.
"May gusto kang itanong no? Come on, spill it out. Sabi ko naman sayo libre lang sakin magtanong. Pero depende sa tanong ha?"
Haaay, may pagkalahating baliw talaga tong si Miah.
"I just going to ask kung si Mikay ba ay matagal pa?"
Biglang nanlaki ang mata ni Miah.
"Kung hindi mo pala ako nakitang lumabas malamang maghihintay ka dyan ng maghapon." clueless akong napatingin kay Miah.
"What do you mean?" Wag nyang sabihin na..
"Kanina pang umalis si kapatid. Sinundo sya ng maaga ni Alex dito kasi gawa daw nung study nila."
Sa narinig kong yun biglang bumagsak ang mga balikat ko. Asang asa ako na sabay kaming papasok ngayon sa school yun pala nasundo na sya ng Alexander na yun! Kaasar!
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...