CHAPTER 27
(Because of the Rain)
(A/N: Dedicated to @AngelGlimpse. Thank you sa bonggang pag support ng Scrap Book and Diary Note na kamuntikan ko ng hindi na ituloy. Hehe. Thank you po talaga. Kyaaa.)
(Michaela's WEIRD POV)
Yung feeling na..nararanasan ko muling maglakad papuntang school na mag isa? Yung feeling na walang magsasabi ngayon sakin nang "Wag mo silang pansinin, deretso lang ang lakad at tingin. Dont worry, nandito lang ako" sa mga taong pinapatay ako sa lait mula sa kanilang isipan? Yung feeling na..maglalakad ako sa corridor na mag isa? Yeah I did it before pero hindi ko masisisi ang sarili ko na masanay na nasa tabi ko sya palagi.
Iba ngayon, malungkot mang isipin e wala sya sa tabi ko kaya mag isa lang ako ngayon..
Kahapon, umuulan ng cherry blossoms. Pero bigla namang umulan na ng tunay. Nabasa kami ni Ian at tinakbo lang namin mula park hanggang sa bahay namin para makauwi kami.
Nung bandang gabi sinabi sakin ni Ian na para daw syang sinisipon. Binigyan ko kaagad sya ng gamot para di matuloy ang sipon niya.
Kaninang umaga naman iniintay ko sya sa may gate namin. Ang tagal niyang lumabas ng bahay kaya pinuntahan ko na lang sya sa loob ng bahay nila kasi di nya sinasagot yung tawag ko.
Pinaakyat nalang ako nung maid ni Ian sa kwarto niya kasi hindi pa nga daw sya lumalabas ng kwarto. Aba, aba. Wag nyang sabihin na tulog pa sya e late na kami.
Pagkabukas ko ng kwarto nya nakita ko syang nakahiga pa sa kama niya. =______=
Nakataklob pa nga sya ng kumot e.
First time kong makapasok ng kwarto ni Ian. *O* Ang ganda ng kwarto niya tapos ang linis linis. Tapos nakita ko yung zombie girl na nakuha namin sa mall dati.
"Huy Ian. Wala ka bang balak pumasok? Late na tayo o."
Dahan-dahan nyang tinanggal yung kumot na nakataklob sa kanya then nakita ko na sobrang pungay nung mata niya. Kyaaa~
"L-late na ba..tayo? S-sige..w-wait..l-lang.."
Halaa~ mukang zombie si Ian tapos ang slow mo pa niya. Alam ko na kung bakit sya ganyan. Agad akong lumapit sa kanya tapos hinawakan ko yung forhead niya.
Kyaaaa~ anak ng teteng! Ang taas ng lagnat niya. Waaa. Tapos sobrang init pa niya. Hala.
"Oy. Oy! Wag ka nang tumayo. Wag ka nang pumasok. Magpahinga ka na lang. Waaa. Ang taas ng lagnat mo." >.<
Kyaaaa~ nagpapanic na ko. Relax lang Michaela. Waaa. Hindi ikaw ang may sakit.
Bigla syang bumangon sa kama at akmang mag lalakad.
"K-kailangan kong..p-pumasok.."
"Ooy! Ano bang sinasabi mo? Tingnan mo nga yang sarili mo oh. May sakit ka kaya magpahinga ka na lang. Ako na ang bahalang mag excuse sayo sa mga prof--kyaaaa!"
Nagpupumilit kasi syang maglakad e tapos ako todo pigil sa kanya kaso na out balance sya kaya nadamay ako. Buti na lang sa bed nya kami bumagsak. -______-
Waaaa. Sobrang init ng katawan nya grabe. -___- Nasa ibabaw ko sya at ang bigat bigat niya. Waaa.
"Oy Ian! Ang bigat mo. Waaa."
Tapos inalis ko sya sa ibabaw ko at tumayo ako kaagad para ayusin yung sarili ko.
Pinagmasdan ko naman sya habang nakahiga ulit at nakapikit. Waaa. Kawawang Ian.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...