I Love That Weird Girl
written by AyoshiFyumi
copyright © 2012
CHAPTER 19
(Confused)
(Michaela's POV)
(NP: Catch Me by Demi Lovato)
Nung after naming mag star gazing ni topless guy..hindi ako nun nakatulog hanggang kinabukasan. As in napuyat ako at kumusta naman ang malalang eyebags ko. =__=
Kasi..hindi ko parin makalimutan yung nangyari. Yung aksidenteng..ay ewan. >.< Naloloka ako. As in gustong gusto ko na talagang kalimutan yun pero pilit paring pumapasok sa isip ko. Kamote naman oh. -.-
Tapos..kung ano anong magulong bagay din ang pumapasok sa isip ko at nararamdaman ko.
Weird. I mean. Kakaiba talaga. Saklap.
Kung maaari lang ayoko ng makaramdam ng ganito. Alam ko na ang ibig sabihin nito dahil minsan ko na ring naramdaman ito. Ang problema kasi natatakot na ako. Ayokong nang maulit ang nakaraan. Kung maari lang, ako na lang kaya ang umiwas then ignore ko na lang to. Hindi kasi pwede e. Alam kong posibleng may maramdaman ako para sa kanya kasi mabait sya sa akin, at ibang-iba sya pero..
-_____-
Eer..
Ay yoko na nga! Feeling ko maloloka lang ako kakaisip. Posible pa naman sigurong mabago to e. Posible.
Alam nyo ba kung nasaan ako ngayong hapon na to?
Nasa carnaval lang naman ako kasama ang lalaking gumugulo sa isip ko kanina pa.
"Huy, kanina ka pang tahimik dyan ah. May problema ba?"
Nagulat ako sa kanya kasi siniko pa niya ako habang nakapila kami sa tindahan ng hotdog sandwich.
"Wala."
"Eeh? Muka ka dyang natataeng ewan." -___-
Tss. Ganyan na kami ngayon ni Ian. Open na magsalita ng mga ganyang bagay. Disgusting lang e. Hehe.
"Kadiri ka. Tsaka kakain palang tayo tatae kaagad?" -___-
"Joke lang naman. Nga pala, mamaya sakay tayo sa roller coaster ha."
"Sige sige."
Paano ba kami napadpad dito?
E kasi fiesta town dito then nag set up dito ng carnaval at mga rides. May mga iba't ibang klaseng tinitindang abubot at kung ano-ano pa. Tapos may mga boot din tsaka mga horror house mga ganun. Mag eenjoy ka talaga dito promise.
Pero sa totoo lang..bihira lang ako makapunta sa ganito pag kasama ko si Kuya Marco. Sya lagi ang kasama ko pag gustong gusto kong sumakay sa mga rides. Kahit nga carousel pinatulan kong sakyan dahil sa tuwa. E no choice si Kuya Marco kaya..sinamahan niya ako. Bwahaha. Kaso di sya sumakay sa kabayo. Inaalalayan lang niya ako. Haha. Ang saya ng araw na yun. Kaso hindi si Kuya Marco ang kasama ko ngayon. Nagkaroon kasi sya ng tour which is three days syang mawawala sa bahay. Huhu. Mamimiss ko sya. T_T
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Novela JuvenilFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...