CHAPTER 14
(Unoccupied Seat)
(A/N: Kyaaaa~ naloka ako dito sa bibigyan ko ng dedication sa chapter na to. Wahaha. To @KarenYulo maraming salamat sa pag read ng story na to kahit puro kashungaan lamang na katulad ko. Wahaha. Weee~ thank you din kay maree~ @PattyPot dahil sa kanya to nadiscover ni @KarenYulo. Waaa~ naloloka aketch. Haha.
Maraming thank you sa pag read ha. Haha, sana magparamdam ka. Wahahaha. Kaloka! XD Teka, pano ba ang pagbati ko? Uhh, hi? Lol. Basta thank you thank you and super likelalu din kita. Wahaha. Yun lang. Bow. -__-
Oh by the way guys. Please fan her. Weee~
Love,
SpongeBabe sa Bikini Bottom <3 )
(Mikay's POV)
One week na rin siguro ang nakalipas mula nang magsabay kami sa pagpasok sa school at pag uwi ni topless guy..
Tuwing papasok kami, kadalasan na sya ang nag iintay sa akin sa tapat ng gate nila, siguro mga twice ko lang siguro sya inintay nun sa gate nila. Minsan nga naisip ko na baka umuna na sya papuntang school at iniwan na ako. Kaya napagdesisyonan ko nang umalis nun kaso nasa loob pa pala sya ng bahay nila hinabol pa niya ako nun kasi medyo malayo na ako sa kanila. Tss, akala ko pa naman din iniwanan na niya ako. Yun yung unang pag hihintay ko sa kanya sa gate nila. Kaya nagkuhanan na kami ng cellphone number nun para daw ma inform nya ako if nasa kanila pa sya o nasa school na para wala nang intayan keme. Magtext daw ako o sya kung hindi pa nakakaalis sa bahay. -___- Ang adik lang namin no? Hehe. Pero masaya naman. Nang dahil sa kanya may nakakasabay na akong pumasok sa school, nakakasabay maglakad pauwi ng bahay, kasabay kumain sa lunch, ka share sa table pag lunch, kausap pag vacant hour, at..kaibigan na always kong kasama..
Oo. Feeling ko parang mag bestfriend na kami ni topless guy. Kahit maraming umiintriga kung bakit close kami ni Ian, si Ian wala lang pakealam sa iba. Minsan nga binabara pa ni topless guy yung mga masasamang ugali.
Katulad nito. Sabay kami nun mag lunch ni topless guy tapos may naki share sa aming table, dalawang magandang babae na haliparot. Oo kilala ko sila. Queen bee daw sila ng campus. Yeah right, muka nga silang bubuyog. -__-
Nakakatawa lang kasi kay Ian sila nagsabi kung pede maki share ng table, pumayag naman si topless guy. Bale, magkatapatan kami ni topless guy, tapos yung dalawang babae sa akin tumabi. Tapos pinaisod nila ako ng pinaisod hanggang sa muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Badtrip lang. Maya maya, nagsalita na yung dalawang bubuyog..
"Ian, bakit..sumasama ka sa panget na weirdong babaeng iyan? She's so yuck."
"Yeah, tama si friend."
Nga-nga lang ako nun. Grabe tong mga babaeng ito ah. Nung time na yun gustong gusto kong isaboy sa pagmumuka nila yung cup noodles na kinakain ko. Kaso sayang e, wag na lang.
Si Ian susubo na sana ng kinakain niya kaso huminto sya at tumingin ng sobrang seryosong galit dun sa dalawang bubuyog.
Promise, first time kong makita ang ganung facial expression niya..
"Mas ayaw ko yatang kasama ang mga katulad niyong echoserang bubuyog. Mas yuck ata yun."
Napa nga-nga din yung dalawang bubuyog na kahit ako nagulat din sa sinabi ni Ian. Kyaaa~
"Oh my gosh.."
"Nakakawala naman kayo ng ganang kumain. Gutom pa naman din ako."
Tapos nun nag walk out si Ian dala-dala yung kanyang cup noodles. Kaso nakakailang hakbang palang siya nun nang bigla syang huminto at humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...