KABANATA 3

29.7K 441 63
                                    

KABANATA 3


Kanina pa akong nakatulala sa kisame.

Hindi ko alam kung ilang bagay na ba ang pumasok sa isip ko kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pagod ang pakiramdam ko pero 'di ba dapat kapag pagod mabilis makakatulog? Pero bakit kaya mulat na mulat pa rin ang aking gwapong mata? Badtrip. Gusto ko nang matulog pero ayaw pa ng mata ko. Baka namamahay lang ako.

Maya't maya na lang pati pumapasok sa isip ko si Weird Girl. Laging nag re-refresh sa utak ko ang bawat pangyayari tungkol kanina. Grabe, 'di ko pa rin akalain na hindi siya tinamaan sa charm ko? Manhid ba siya? O talagang...

Napailing na lang ako. Makapag pahangin na nga lang sa labas. Baka sakaling antukin ako.

Bumangon ako at dumako sa drawer sa beside table ko. Saan ko ba nailagay ang flashlight?

Medyo maliwanag naman ng konti sa labas kasi maganda ang buwan ngayon, ang dami pang stars. Sigurado akong hindi u-ulan bukas. Mabuti naman kung gan'on kasi ayokong umuulan. 'Di kasi ako makapaglakwatsa.

Lumabas na ako ng gate at inilagay ko na sa ulo ko ang hood ng jacket ko. Nag play naman ako ng song sa playlist ko.

Sinasabayan ko pa ang kanta nang mapansin kong tumunog ang gate sa kabilang bahay. Ang bahay nina Weird Girl. Nakita kong lumabas ng gate si Weird Girl na may dalang flashlight. Nakapang tulog na sya at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Aba, anong oras na? Malalim na ng gabi, ah.

Papunta sana ako sa east, siya naman papuntang west. Parang may lumiwanag sa isip ko. Napagdesisyonan kong sundan siya tapos gugulatin ko siya para naman magkaroon ng emotion ang mukha niya. Napatawa ako sa naisip ko. Gabing-gabi na ang lakas pa rin ng trip ko. Medyo nakakalayo na siya. Ang bilis n'ya palang maglakad.

Napansin kong tinatapik-tapik niya ang kanyang flashlight dahil nawawalan ng ilaw. Oy, Weird Girl, pwede mong hiramin ang sa akin.

Nang mas tinapik-tapik pa niya ay umilaw din ang kanyang flash light na nakatapat sa kanyang mukha. Kasabay niyon ay may mga babaeng nagsigawan. Eh, mag mumukha talaga siyang multo niyan.

Muntik na naman akong mapahagalpak ng tawa. Patawa rin pala itong si weird Girl. Buti na lang napigilan ko kasi baka malaman niyang ako yung sumusunod sa kanya. Kanina pa kasi siya lingon nang lingon sa likod, siguro na se-sense niya na may sumusunod sa kanya. Eh, ako naman si boy tago. Tago dito tago doon. Promise, nag e-enjoy ako sa ginagawa ko.

Ang balak ko ako ang mananakot pero bakit siya yata ang nananakot? Natatawa pa rin talaga ako kasi para talaga siyang multo. Bigla ba namang bumukas 'yong ilaw ng flashlight at nakatutok pa mismo sa muka niya! Sinong hindi matatakot o magugulat 'don? Ang sakit na talaga ng tiyan ko sa pagpipigil ko ng tawa ko.

Narinig ko na lang na may nag mumura na sa sobrang takot.

"Multo!"

"May multo!"

At ako naman ngayon ang napamura.

"Shit!"

Nakita kong binabato na nila si Weird Girl! Ano pang itinatayo-tayo ko rito? Eh, 'di tulungan si Weird Girl! The fuck. Hindi na tama ito. Nakakasakit na sila ng kapwa, ah.

Hindi na ako nakapag pigil kaya hinarang ko na ang katawan ko sa harapan ni Weird Girl. Bahagya ko pang ibinuka ang dalawa kong braso para hindi masaktan si Weird Girl sa likod ko.

"Hoy, hindi siya multo!" natigil naman sa pag bato ang dalawang babae at napatitig sila sa akin. Nagtaka ako.

"Sis, ang pogi niya!" napasinghap na sabi ng isa na may hawak pang bato. Na-star-struck ata sila sa akin. Well, sanay na ako. Ang gwapo ko naman talaga.

"Oo nga, Sis!" nangingislap pa ang mga mata nila. Napa-poker faced naman ako. I have no time for this shit. Hindi ko sila kursunada i-flirt.

"Hindi siya multo, tao siya." Humarap ako kay Weird Girl at bakas pa rin sa mukha niya ang pagka gulat. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Weird Girl at iniharap ko siya sa mga salbaheng mga mukha namang pok-pok sa tabi. "Masama ang ginawa niyo. Tao siya bakit n'yo siya binabato? Wala naman siyang ginawa sa inyong masama, ah? Hey, you two, say sorry to her."

Napatingin sa akin si Weird Girl. Nginitian ko lang siya. Mukha namang natatakot na ang mga salbahe. Sinamaan ko kasi sila ng tingin.

"S-sorry, m-miss." Mukha namang labas sa ilong ang pag sorry nila. Umalis na din sila kapagkuwan.

Bumuntong hininga ako. "Okay ka lang?" tinanggal ko na ang kamay ko sa balikat niya.

Ilang segundo na ang nakakaraan at hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Tanging kuliglig lang sa paligid ang naririnig ko. Anong nangyari sa kanya? Bakit hindi yata siya makagalaw? Ikinaway-kaway ko isa kong kamay sa mukha niya. "Huy, okay ka lang?"

"A-anong ginagawa mo dito?" she asked. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Bakit kaya?

Napangiti ako. At last, narinig ko rin ang boses niya. Nagsalita rin siya.

"'Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Ano'ng ginagawa mo dito ng ganitong oras?"

Hindi na naman siya umimik. "Huy," untag ko sa kanya.

"A-ah, w-wala. May bibilhin lang ako. Salamat nga pala kanina." Tapos nilampasan na niya ako. Ay? Gan'on na lang 'yon? Thank you lang? Ayoko ng basta thank you lang.

"Uy, saan ka ba pupunta?" hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya. Napatingin naman siya sa kamay ko.

"W-wala. U-umuwi ka na."

'Di ba dapat ako ang nagsasabi sa kanya niyan? Grabe na itong babaeng weirdo na ito, ah. Teka nga...

"Malalim na ang gabi bakit nasa labas ka pa ng bahay n'yo? Ang mga babaeng tulad mo dapat hindi na lumalabas ng bahay ng ganitong oras." Sinsero kong sabi. "Siguro kaya lumabas ka ngayong oras balak mo talagang manakot, 'no? Hindi pa halloween ngayon kaya 'wag ka nga munang manakot." Biro ko sa kanya.

Sa bigla niya akong sinamaan ng tingin. May emosyon naman pala siya.

"Hoy, lalake! Hindi ako nananakot! Kusa silang natakot sa akin!" asik niya sa akin na agad ko naman ikinagulat. Marunong pala siyang magtaray.

Pero sa isang parte ng isip ko, sobrang saya ko. Pakiramdam ko achievement na sa wakas ay nakuha ko rin ang atensyon niya. Sa wakas ay nag uusap na rin kami. Pero mukhang napikon ata siya sa akin.

"Lalaki ako at Ian ang pangalan ko." Para naman malaman niya. Pero parang wala siyang pakialam sa sinabi ko. "Uy, joke lang 'yon." Inirapan niya ako. Cute. Mas lumawak ang ngiti ko. "Pero buti na lang at dumating ako, kung hindi baka napaano ka na." Seryoso kong sabi at napabuntong hininga ako.

Kulig-lig na naman ang naririnig ko sa paligid. Bakit ba parati na lamang siyang natatahimik sa tuwing nagiging seryoso ang sinasabi ko sa kanya? Seriously, ang weird niya talaga.

At kanina ko pa siyang napapansin na may tinitingnan sa paligid. Ano naman kaya iyon? Kaya luminga-linga na rin ako sa paligid. Wala naman akong ibang nakikita kundi ang isang basketball court na may dalawang swing. Ilang store na sarado na at tahimik na kalye. Ang ibang bahayan naman ay mga tulugan na.

Nagkibit balikat na lang ako.



Author's Note: This story is currently under editing. Thank you!

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon