CHAPTER 67.1
(The Pakilamera)
(Ate Gab's Note: Heya! Mga silent and mobile readers! Paramdam na kayo oh? Ples? Lol. Wag kayong mahiya, hindi ako snob. :D malapit nang magtapos ang ILTWG oh.)
(Miah's POV)
E di si kapatid na ang may taga sundo at taga hatid. Psh. Kahit na maraming may gustong maghatid sundo sakin hindi ko naman pinapayagan. Mas gusto ko pang maglakad alone 'no! Kesa yung may kasabay akong parang tanga na nagpapa cute lang at alam ko na kung ano ang mga bawat linyang sasabihin. Naku, alam na alam ko na ang mga dialogue ng mga yan! Dyusko, pare-parehas lang. Wala man lang unique. Tss, isa pa hindi ko pa sila type. Ewan, mga gwapo naman. Siguro nakakaumay na rin yung sobrang gwapo at mahangin. I'm looking for something new. Yung kakaibang gwapo. Yung kakaiba talagang tao. Pero hindi mukang alien ha. Yung kakaiba ang personality. Yung masasabi kong.. Prince charming ko. Lels.
Okay, scratch that. Hindi naman 'yon mahalaga sa istoryang ito. Pero akalain mo yun? Kahit na palagi akong nale-late gumising nakaka abot pa rin ako sa klase? Kilala ako sa pagiging late pumasok. Ako ang batas ng school e. Hahaha. *Flip hair*
Ilang months na lang malapit na kaming grumaduate. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang kukuhanin kong course. Baka hindi na lang ako lumayo. Baka dito na lang ako pumasok isa man sa mga universities dito.
Siguro pag natapos itong letse plan ko wala na ulit thrill ang buhay ko. Haaay. Maboboring na naman ako. At ayoko sa lahat yung naboboring ako.
May mga nag visit na universities dito sa school para i-endorse ang school nila para pumasok sa kanila for college. Hindi ako interested. Ewan, wala ako sa mood.
"Miah, nakita mo ba si Micha?"
"Hanapan ba ako ng nawawalang tao?"
"Damn it, Miah. I'm serious here. Kanina pang hindi bumabalik dito sa room si Micha."
Hala. Nagalit na si Alex. Pag minsan talaga ang daming nababadtrip sa kapilosopohan ko. All right.
"Aba, hindi ko alam. Bakit? Saan ba siya pumunta?"
"Sabi niya sakin kanina na pupunta lang siya sa CR. Pero half hour ago na hindi pa sya bumabalik. Malapit na pati mag dismiss ang klase."
"Akala ko pa naman kung ano na. Nandito lang 'yon. Malay mo mahaba ang pila sa banyo."
Itong si Alex ka-OA naman. Para nagbanyo lang si kapatid ng matagal nag worry na kaagad. Wala e, pag-ibig yan e.
Pero teka, kalahating oras nang hindi bumabalik si kapatid? Why so tagal naman?
"Hindi ko alam pero, iba ang kutob ko e."
Sabi ni Alex kaya napatingin ako ng deretso sa kanya. "Huh?"
"Baka na bully na naman 'yon sa labas."
Hindi nga malabo. Trip si kapatid ng mga estudyante dito e. Sa totoo lang naiinis na ako e. Pag napuno talaga ako sa mga bully na yan patay sila sakin.
"Sige, susunod ako kay kapatid sa CR. Titingnan ko kung nandon sya."
"Sasama ako."
Napatingin ulit ako kay Alex habang naka kunot ang noo ko. "Sasama ka sakin mismo sa loob?"
Napa poker face naman siya. "Sa labas lang kita sasamahan."
"Hehehehe. Nagbibiro lang. 'Kaw naman, napaka seryoso oh."
"Wala siya sa loob.."
"What? Na-double check mo na ba?"
Ang sakit naman sa eyebrow ni Alex oh. "Paulit-ulit? Wala nga siya sa loob. Na double check ko na. Baka nakasalisihan lang natin. Baka nakabalik na siya sa room."
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Novela JuvenilFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...