CHAPTER 68
(Miles Away)
(Ate Gab's Note: Ine-edit ko pa kasi yung mga remaining chapters kaya hindi ko pa pinopost. Tsaka busy busyhan pa ako ngayon. Hahaha.)
(Michaela's POV)
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari sakin ang isang bagay na hindi ko makakalimutan.
Pero wala akong nararamdamang takot o trauma ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Pero noong mga oras na kinailangan ko ang tulong ni Ian.. dumating siya.
Biglang nawala ang takot na nararamdaman ko noon. Kahit imposibleng mailigtas niya ako ng mga araw na iyon dumating pa rin siya.
Sobrang laki ng pasasalamat ko noon. Hindi ko rin akalain ang pagtanggol sakin ni Miah ng araw na iyon. At syempre ang pagtulong at pag comfort din sakin ni Alex. Nakatulong din siya sakin ng malaki. Hindi nga siya umalis sa tabi ko. Talagang hinintay niya akong makatulog ng maayos ng gabing iyon. Napakabait talaga ni Alex.
Pero akala ko sa susunod na pagkikita namin ni Ian, babalik na yung dating kami. Pero akala ko lang pala. Naging aloof na naman siya sakin ng minsang tinangka kong lumapit sa kanya. Iniwasan niya ako. Kung alam lang sana niya kung gaano kasakit yun.
Ayoko namang pati isipin ni Alex na kaya lang ako lumalapit sa kanya kasi iniiwasan ako ni Ian. Ayokong isipin niya iyon. Hindi naman ganoon ang ginagawa ko sa kanya. Kaibigan ko si Alex. At hindi ko siya ginagamit.
At alam kong pinoprotektahan lang ako ni Alex para hindi na maulit sakin ang nangyari sakin noong nakaraan.
Pero lately, parang napapansin ko na may kakaiba kay Alex. Pag minsan tumatahimik siya pero pag minsan ang daldal niya. Ewan. Bipolar din ang isang iyon e.
Pero sa totoo lang.. Gusto kong bumawi kay Alex. Gusto ko syang ilibre buong araw. Buti na lang may pinasok na cash si Papa sa bank account ko.
Sa sunday, sana walang gagawin si Alex. Ako na ang magyayaya sa kanya ng date. Friendly date.
(Ian's POV)
Ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. Sa mga nangyayari pakiramdam ko nasasakal ako. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Parang gusto kong lumabas mula sa maliit na hawla. Parang ibon lang. De seryoso na. Parang gusto ko talagang lumipad at gawin ng malaya ang mga gusto kong gawin. Pero parang nakukulong ako lagi.
Gusto kong itama ang lahat. At syempre, gusto kong unahin si Danica.
Alam ko matagal na ang nararamdaman niya para sakin. Pero kahit anong pilit ko hindi ko talaga magawang ibalik sa kanya kung ano man yung nararamdaman niya sakin. I tried to, pero hindi talaga para sa kanya ang puso ko.
Before ko makilala si Mikay alam ko na ang nararamdaman sakin ni Danica. At hanggat maaari, ayokong lumaki iyon. Kaso itinuloy pa rin ni Danica ang feelings niya. Ayoko siyang masaktan pero hanggang kapatid at kaibigan lang talaga ang pagmamahal ko sa kanya.
Hindi katulad ng pagmamahal ko kay Mikay. Kaya sobrang weird kung pano ko sa kanya naramdaman ang ganito sa ganoong kadaling panahon.
Love is magical nga naman.
Pero gusto kong makabawi kay Danica. Pero hindi gaya ng inaasahan niya. Mananatili pa rin niya akong matalik na kaibigan. Katulad ng dati. At napaka laki ko lang tanga dahil mismong birthday niya nakalimutan ko. Alam kong sobra siyang nasaktan dahil nag effort pa sya na makasama ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang espesyal na araw sa kanya? Simple lang, dahil marami akong iniisip na bagay lately. May pinakiusap kasi sakin ang parents ko at hindi ko alam kung pagbibigyan ko ba sila sa bagay na iyon. Matagal na nilang sinasabi iyon pero ang lagi kong sagot sa kanila ay "pag iisipan ko". Kaya napapayag ako na pumasok sa eskwelahan na ito. Para makaiwas sa bagay na iyon. Natatandaan nyo yung "panakot word" sakin ng parents ko? Binigyan nila ako ng deal. Ipo-postpone nila ang arrange marriage ko kay Danica kung.. Makakahanap ako ng girlfriend dito sa school. Pero parang bigo ako. Na in love nga ako pero hindi ko naman girlfriend. Saklap no? Hindi naman kami agad-agad ikakasal e. Syempre parang naka set lang. Approval ko na lang talaga ang hinihintay nila. At masakit sa ulo kung papayag ako o hindi. Ako rin ang mahihirapan kapag pumayag ako. Matatali ako sa taong hindi ko mahal. Pero depende rin kung magbabago ang mood ko.
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...