CHAPTER 59 (Ang Payong at si Emily)

9K 142 12
                                    

CHAPTER 59

(Ang Payong at si Emily)

(Gab’s Note:  Vote.Comment. Lels. Pasensya na. XD)

(Michaela’s POV)

Watta panaginip! Totoo ba yun? Panaginip nga e tapos iisipin kong panaginip. Shunga ko lang.

Napanaginipan ko kasi si Ian. Tss. Paanong hindi ko sya mapapanaginipan e sya lang naman ang iniisip ko buong araw. Ganito kasi yung panaginip ko, basta magkaharapan lang kami ni Ian. Madami siyang sinasabi pero sa mga sinasabi niya..wala akong maintindihan.

Except sa last two words na sinabi niya..

“Mahal kita..”

Nakakaloka lang. Nung marinig ko yun na klaro sa panaginip ko bigla akong natameme. Ewan ko. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Pero feeling ko mas nangingibabaw yung saya..

Ang sarap sanang umasa..kaso kaylangang tanggapin na isa lamang iyong panaginip. At ang alam ko, ang panaginip..ay kabaligtaran ng realidad. Kaya ang hirap umasa na totoo yun. Pero imposibleng maging totoo yun. Tss, utut pang magkagusto sakin si ian no. -___-

Pero ilang araw ding palaging pumapasok sa isip ko ang panaginip na yun. Mukang napapansin na ako ni Alex na palaging malalim ang iniisip. At kahit anong pilit kong itakwil sa isip ko ang panaginip na yun, hindi ko magawa. Sobrang mapilit kaya hinahayaan ko na lang. Advantage din naman kasi sumasaya ako sa panaginip na yun. :)

Tuwing hapon na lang umuulan dito. Bihira lang ang hindi. Kaya kahit na hindi ako magdala ng payong ayos lang, lagi naman kasi akong sumasabay kay Alex. Ang inaalala ko lang ay si Ian..

Kahapon kasi umulan, tapos wala syang dalang payong and then yung car niya hindi rin niya dinala. Eawn ko lang kung bakit. Basta may sumundo na lang sa kanya na isang magandang kotse. Isang Limo. Kaloka lang. Titingnan ko pa sana kung gagamitin niya yung bonnet na binigay ko sa kanya kaso..hindi niya ginamit. Basta nakatayo lang siya sa may green house habang nag sa-soundtrip.

This time, naisip ko, in case na hindi siya makapag dala ng paying papahiramin ko na lang siya ng payong. Since hindi rin naman niya ginagamit yung bonnet na binigay ko sa kanya.  Pero hindi ko naman ibibigay sa kanya ng personal yung payong. Alam kong hindi niya ako papansinin kaya ilalagay ko na lang sa locker niya. Naglagay din ako ng notes.

Ngayong araw pala maglalakad ako. Wala si Alex e, maagang umuwi kasi about na naman sa training niya. Kalungkot lang. Ganoon din si Danica, pero si Danica kanina pa umalis after lunch. Kaya feel ko na hindi nagdala ng sasakyan si Ian.

Maglalakad din sya ngayon. Parang ang awkward lang kung magkakasabay kami.

Bago i-dismiss yung klase nag announce yung teacher namin para sa subject project namin. Groupings yun. Gusto ko sana na magka group kami ni Alex kaso divided sa last name yung groupings. Bale, kapwa letter C lastname yung mga kagroup niya. So ako naman ka group ko si Miah. Natural. Parehas kaming Serano. Kagroup ko rin yung friend ni Miah na homeroom muse naming. So, ako lang yung pinaka panget sa grupo naming. Hehe.

Pumunta na ako sa locker area para ilagay yung paying. Alam kong pupunta dito si Ian sa locker niya. Mag iiwan siya ng mga libro. Sana magamit niya to.

(Ian’s POV)

Alam nyo yung nakakabadtrip?

Yung feeling ang lakas ng ulan tapos hindi ko pa dala yung car ko. Potek lang. Nakakatamad naman magpasundo kay manong driver. Ayoko rin naman magpasundo kay Tatay. Mapapagod pa yun.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon