CHAPTER 52
(Emily..)
(A/N: Sino ba si Emily? Dito natin sya makikilala. Kung natatandaan nyo pa yung mga unang chapters..magegets nyo so payo ko sa inyo..BACK READ. At kung natatandaan nyo naman kung sino si Emily. Magaling! Ihaw na! I mean, ikaw na! XD)
(Michaela's POV)
Nagbalik sa ala-ala ko ang nangyari noong bata pa lang ako..
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag umiyak..
Sa wakas nakita ko na ulit sya.
"Emily.."
Hindi ko na napigilang lumapit sa kanya at yakapin sya. Madaming luha ang lumabas sa mata ko na halos hindi ko na makita yung nasa paligid ko. Si Emily..na isang naging kaibigan ko na totoo..ngayon ay nakita ko na.
Sino ba si Emily..?
Siya ang kauna-unahang tao na naging kaibigan ko noong bata pa lang ako.
Nagkakilala kami sa park noong makita ko syang madapa. Like me, wala ding gustong makipag laro sa kanya. Noong una, nagdadalawang isip ako na lumapit sa kanya. Natatakot kasi ako na baka ayaw din nya sakin. Pero sa mga oras na yun, first time kong lumapit at makipag usap sa isang stranger.
Tinanong ko kung okay lang sya. Tinulungan ko na rin syang bumangon mula sa pagkakadapa. Pansin ko nga na parang natakot sya sakin noon, pero nawala yun noong nagtanong na ako sa kanya. Simula noon, naging magkaibigan na kami. Lagi kaming nagkikita sa park. Kahit kami lang dalawa ang magkalaro, masayang masaya kami lagi.
Sa park, lagi nyang kasama ang yaya niya. Ako malapit lang naman ang bahay namin sa park kaya wala akong kasama. Si Miah kasi noon marami syang friends. Pinipilit nya akong isali noon pero ayaw talaga ng mga kaibigan nya sakin. Hindi ko na lang pinagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sakin kaya yun..
Buti na lang dumating sa buhay ko si Emily..
Isa syang simpleng magandang bata at mahinhin. Lagi syang may bonnet na suot. Kaya natuto akong gumawa ng bonnet dahil nag aral pa ako noong bata pa lang ako. Bonnet din kasi ang ineregalo ko kay Emily noon ng mag birthday sya. Tapos, laging mahahabang damit ang suot nya. Hindi sya pwedeng madapuan ng langaw at lamok at lalong bawal syang madumihan. Anak mayaman kasi sya. Kulot ang buhok niya na parang mais. At gaya ko, maputla rin syang bata.
Marami kaming similarities ni Emily. Sa kanya nga ako natutong manuod ng mga creepy movies. Pag minsan pumupunta sya sa amin pero never akong nakapunta sa bahay nila kasi malayo daw. Sya nalang daw yung pupunta sa bahay since may sasakyan naman daw sila.
Bawat araw na darating..lagi kaming masaya. Sabi ko nga dati, okay lang kahit hindi ako magkaroon ng maraming kaibigan. Basta't may isa akong kaibigan na tanggap kung sino ako masaya na ako. At syempre, tanggap na tanggap ko rin kung sino sya.
Pero isang araw..bigla na lang syang nawala ng hindi ko alam.
Wala akong kahit anong ideya kung saan ko sya hahanapin. Kahit bahay niya hindi ko alam kung saan dahil madalas, sa bahay namin at sa park kami nagkikita. Hindi ko alam kung nagalit ba sya sakin o ano..
Umasa na lang ako na balang araw na magkikita kaming muli. Siguro umalis lang sya ng hindi nagkapag paalam. Naiintindihan ko sya.
Simula noong mawala sya..naging ganito na ako. Loner, takot sa tao, ayaw makihalubilo sa iba at may sariling mundo..
Kasi sa bawat araw na dumadaan, hinihintay ko ang pagbabalik nya until ng makilala ko si Ian. Naisip ko, may isang mawawala at may isang darating..
BINABASA MO ANG
I Love That Weird Girl (Completed)
Teen FictionFor Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao dahil weird daw ito. Then he noticed na palagi na siyang nasa tabi nito. He wants to know her more...