SC5. His Clandestine Training

434 16 3
                                    

Special Chapter 5
His Clandestine Training

“THIS is the round two of our game.” Sumulyap si Henry sa lamesang nasa harapan niya, kung sa’n naroon at nakahelera ang limang susi na ipinahanap niya kay Ize sa loob ng kakahuyan. Ngumisi siya’t ibinalik ang paningin kay Ize na tahimik lang na nakikinig sa kaniya. “Can you pick up the first key on the left side?”

Mas napangisi siya nang mabilis siyang sundin ni Ize at kinuha nga ang susi na tinutukoy niya. Hindi ito nagsalita, at sa halip ay ibinalik ang paningin sa kaniya’t hinintay ang susunod na sasabihin niya.

“We only have one day for this round, dahil bukas na ang balik ng parents mo. So, I won’t make this hard for you.” Kapagkuwan ay itinuro niya ang kahon na nasa kanang parte ng mesa. “Open the box,” muli ay utos niya rito, na muli ay mabilis nitong sinunod.

Nang mabuksan ni Ize ang box gamit ang susi na pinakuha sa kaniya ni Henry, agad na bumungad sa bata ang isang bagay na pamilyar sa kaniya, pero ni minsan ay hindi niya pa nasusubukang gamitin. Agad na nangunot ang noo ni Ize dahil sa nakitang laman ng box.

It’s a slingshot.

Ni minsan ay hindi niya pa nararanasan ang makagamit nito o ang magkaroon ng ganito, dahil ipinagbabawal ng papa niya ang kahit na ano’ng gamit na puwedeng makasakit sa ibang tao na mapasakamay niya.

Tumingin siya kay Henry. Nang mahina itong tumango sa kaniya, ibinalik niya ang paningin niya sa slingshot na nasa loob ng kahon, at saka niya ito dahan-dahang kinuha. Napatitig siya rito, dahil ito ang unang beses na makahawak siya nito.

Ibinalik niya ang paningin niya kay Henry. “What am I going to do with this slingshot?” tanong niya rito.

Itinukod ng lalake ang dalawang kamay sa mesa. “Simple…” kapagkuwan ay panimula nito, kasunod ng pag-guhit ng isang ngisi sa mga labi nito.

Kasunod n’on ay namalayan na lamang ni Ize ang sarili na nasa loob nanaman ng kakahuyan, habang nakatitig sa pulang lubid na nakatali sa isang puno. Mag-isa na lamang siya rito, dahil iniwan nanaman siya ni Henry nang mag-isa.

“I want you to memorize every corner of this woodland. Ito na ang pangalawang beses na pumasok ka rito. So, I’m hoping this wouldn’t be hard for you, yeah?” Mahina itong tumawa. “Don’t worry, dahil may mga red string akong inilagay sa mga puno na puwede mong tandaan if ever na maligaw ka pa rin,” kapagkuwa’y dugtong nito.

Itinaas niya ang hawak niyang slingshot. “How ‘bout this?” muling pagtatanong niya ‘tungkol sa hawak niya. Ano ba ang gusto nitong gawin niya rito?

Muli itong ngumisi sa kaniya, bago nagpaliwanag, “May mga inilagay ako sa loob ng gubat na gusto kong tamaan mo gamit niyan.” May kinuha itong isang basket mula sa ilalim ng mesa. At nang ipasilip nito sa kaniya ang laman ay nakita niya ang mga maliliit na bola na para bang inilublob sa pulang likido. “At ito ang mga magiging bala mo.”

Hindi niya alam kung para saan ba talaga itong ipinagagawa sa kaniya ni Henry. Pero kung para saan man ito, hindi na muna ‘yon ang mahalaga sa ngayon. Habang tumatagal ay nagiging interesting ang ipinagagawa sa kaniya ng lalake.

Tumingin siya sa hawak niyang slingshot, bago siya nagsimulang maglakad, habang bitbit din ang basket na naglalaman ng mga balang gagamitin niya.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon