27. Ivy

1.3K 36 6
                                    

CHAPTER 27
Ivy

“YOU fooled me,” nakatulalang usal niya sa kaharap na dalaga.

Nagising siya sa isang maliit na kuwarto at nakahiga sa isang hindi kalakihang kama. Mula sa kinauupuan niyang kama, tanaw niya ang maliit na kusina, sala, at dining area. Nasa loob sila ng isang maliit na apartment.

Kaharap niya si Andy---Ivy na nakaupo naman sa gilid ng kama habang malawak ang ngiting nakatingin sa kaniya.

“I comply with our deal. I tried my best not to harm myself, even if it was so tempting, you know.” Mahina itong tumawa. “So deal is a deal. You, Dr. Sigmund, are mine now, mine alone.” Umusog ito ng upo palapit sa kaniya, at saka marahang hinaplos ang mukha niya. “You’re now in my possession. Kaya from now on, wala nang ibang puwedeng humawak pa sa’yo asides from me. Pag-aari na kita, at ayo’kong may ibang gagalaw sa pag-aari ko. Are we clear, Dr. Sigmund, my baby?”

Mapait siyang ngumiti sa kaharap. Hindi niya na alam kung ano ang mararamdaman, pakiramdam niya ay namamanhid ang buong katawan niya. Hindi niya mapaniwalaan ang nangyayari. Itong babaeng kaharap niya, nasisiguro siyang ito ang babaeng minahal niya, pero…

“You’re not Andy… you’re not Andy…” Wala na siyang ibang maiusal, pakiramdam niya ay parang bigla siyang naubusan ng salita, parang unti-unti na siyang nawawalan ng kakayahang magsalita.

Napakarami niyang gustong sabihin, napakarami niyang gustong isumbat sa kaharap. Gusto niyang magalit at saktan ito dahil sa sakit na pinararanas nito ngayon sa kaniya, pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawa?

Pakiramdam niya ay hinang-hina siya at hindi niya manlang magawang tumakbo palayo rito. He’s free, wala siyang tali sa katawan, magagawa niyang tumakbo at tumakas kung gugustuhin niya, pero bakit hindi niya magawang kumilos? Bakit nananatili pa rin siyang nakaupo sa kamang ito at nakatitig sa mukha ng kaharap? Ang mukha ng babaeng minahal niya.

Pero sino nga ba ang minahal niya? Ang mukha? O, iyong mismong taong nasa harapan niya?

Ang totoong nag-mamay-ari ng mukhang ito ay hindi niya talaga kilala. Ang taong nasa harapan niya na nagpakilalang Andy ang matagal niyang nakasama. Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya ngayon.

“Yes, I’m not the real Andy, but I’m still the woman you love. You love me, right? You always say you love me. Ako ang minahal mo, Dr. Sigmund, not that Andy kid. Yes, gamit ko ang mukha niya, pero ako pa rin ang nag-effort para mahalin mo ’ko. Kaya don’t be confuse, dahil hindi naman ang mukhang ’to ang minahal mo, kundi ako. Ako ang minahal mo, hindi si Andy, kundi si Ivy,” saad nito, at saka muling matamis na ngumiti sa kaniya at niyakap siya.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa buhok niya, at saka muling bumulong sa mismong tainga niya.

“Ivy Dela Peña is my name, not Andy Santiago, and from now on I don’t want to hear that name from you anymore, kundi alam mo na ang mangyayari. I can hurt myself in any possible way, at hindi lang sarili ko ang kaya kong saktan, Dr. Sigmund,” malambing na bulong nito at magaang kinagat ang tainga niya kasunod ng mahinang paghalakhak.

Mariin siyang napalunok at magaang napapikit. Parang gusto niya na munang ipahinga ang sarili. He feels so drained, pakiramdam niya ay ubos na ubos na siya.

Kaya imbis na sumagot pa rito, muli na lamang siyang nahiga sa kama at tumagilid patalikod dito. At nang muli niyang ipikit ang mga mata, doon na nagsimulang magsitulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Tahimik siyang umiyak habang nanatiling nasa likuran niya ang babaeng dahilan ng pagluha niya.

~*~

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon