Nagising si Dr. Sigmund na wala na sa kanyang tabi ang kanyang asawa, kaya naman dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto.
Baka nagluluto ng agahan. Napangiti siya dahil sa isiping ‘yon.
Dahil sa mga nangyari kahapon ay ngayon niya lamang napagmasdan ang paligid. Kakaiba ang kuwartong ito, at napakaraming gamit na medyo pamilyar na sa kanya, dahil may ilan na siyang naging pasyente na gumagamit ng mga ganito.
Hindi na siya nagulat na may mga ganitong gamit sa Ivy, dahil talaga namang may pagka-dominante ang asawa niya. Hindi niya napigilan ang muling pagngiti nang maalala ang ginawa nitong pagpipigil kagabi, though nagawa pa rin siya nitong saktan. Marahan niyang inangat ang suot niyang t-shirt at hinaplos ang mga latay niya sa katawan.
Nababaliw na nga rin ata talaga siya, dahil na-i-imagine niya ang sariling nakikipagtalik sa asawa habang ginagamit ang mga kagamitan pang seksuwal na nasa loob ng kuwartong ‘to.
He’s not masochist nor sadist, but its excites him.
Should I suggest my wife to use some of her toys in our sexy time? Napailing na lamang siya dahil sa sinaad ng isip, but he’s willing to do that tho.
Inayos niya na ang sarili at tumayo na siya sa kama para hanapin ang mahal niyang asawa. Alas-otso na ng umaga kaya siguradong tapos na itong magluto ng agahan.
Pero hindi pa man siya nakararating sa may pintuan nang bigla na lamang itong bumukas at sumalubong sa kanya ang taong hindi niya inaasahang makikita niya dito sa kinaroroonan nilang mag-asawa.
Jesus Christ! My wife!
“Detective Hanson.”
“Dr. Legaspi.”
Sabay ang ginawa nilang pag-usal sa kanilang pangalan. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa kilalang detective na nasa kanyang harapan. Marahang humihingal pa ito habang seryosong nakatingin sa kanya.
Kinakabahan at nag-aalala siya para sa asawa niya. Tahimik niyang pinapanalangin na sana’y mabilis itong nakapagtago at sana’y hindi pa ito nakita ng detective.
“A-ano’ng---”
“Kailangan mong sumama sa ‘kin ngayon din, Dr. Legaspi,” mabilis na putol nito sa kanya, kaya nangunot ang noo niya.
“Ano’ng kailangan mo sa ‘kin? At saka how did you found me?” sa halip ay seryoso rin niyang tanong.
Kailangan niyang siguruhing ligtas ang asawa niya. Hindi niya ito hahayaang mapahamak. Hindi siya makapapayag na mahuli ito’t makulong!
Sa halip na sagutin siya’y may inabot itong papel sa kanya. Nag-aalangan ma’y lumapit pa rin siya dito’t kinuha ang papel.
“Nakita ko ‘yan kanina, nakadikit sa manibela ng kotse ko. Read it.”
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...