13. His New Assistant

1.8K 41 2
                                    

CHAPTER 13
His New Assistant

MAAGA siyang gumising dahil kailangan niya nang pumasok sa clinic. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Kyla, hindi niya tuloy alam kung buhay pa ba ito o isa na sa mga biktima ni Ivy.

Pero ayaw niya na muna itong isipin, isang linggo siyang nawala sa trabaho, kaya kailangan niya nang mag-focus.

Pagdating niya sa clinic, natigilan siya nang makitang walang katao-tao sa harap nito. Inaasahan niyang marami na ang nakapilang aplikante para sa pagiging assistant niya. Pero bakit walang katao-tao rito? Wala na ba’ng gustong maging assistant niya? Nakapagtataka.

Kaya binuksan niya na lamang ang clinic at dumeretso sa opisina niya. Nang makaupo siya sa swivel chair, agad niyang kinuha ang phone niya para tumawag sa agency.

Pero hindi pa man niya naitatapat ang cellphone sa tainga niya, may kumatok sa pinto ng opisina niya, at kasunod niyon ay pumasok ang huling taong inaasahan niyang muling mapapadpad dito.

Dahilan para mabilis siyang mapatayo, gulat na mapatitig sa dalagang nasa harapan niya na pormal na pormal sa suot nitong coat at miniskirt; white sleeveless ang nasa loob ng coat nito, at ang taas rin ng suot nitong pointed heels. Nakapaninibago rin ang buhok nitong nakapusod, at ang pormal nitong tindig.

Nasaan na ang cute na Andy na nakilala niya? Bakit parang ibang tao ang nasa harapan niya?

Napadapo ang tingin niya sa suot nitong kwintas. Hindi niya naiwasang mapangiti nang makitang ito pa rin ang binigay niyang kwintas dito. Naalala niya tuloy ang relong binigay nito sa kaniya, na kailan man ay hindi niya pa nagawang maisuot; nakatago lang ito sa drawer niya sa bedside table ng kuwarto niya.

“Hi, Dr. Sigmund. I’m sorry I’m late,” nakangiti nitong saad. “Anyway, my name is Andy Santiago, and I will be your new assistant, whether you like it or not,” dugtong nito na nagpanganga sa kaniya.

“W-what?”

“Ito na nga pala ang schedule mo for today, Doc,” sa halip ay saad nito, sabay abot ng hawak nitong tablet sa kaniya. “Kaunti lang naman ang mga pasyente mo ngayon, kaya makakauwi ka ng maaga, Doc. Wala ka ring naka-schedule na seminars and any appointments with your co-doctors.”

Nangunot ang noo niya nang makitang tatlo lang ang pasyente niya ngayong araw, at puro lalake pa.

This is unusual.

“A-Andy?”

“Yes, Doc?” may matamis na ngiti nitong sagot.

“Bakit tatlo lang ang pasyente ko ngayong araw? Nasaan na ang iba kong pasyente?” kunot noong tanong niya rito. Isang linggo lang siyang nagpahinga, kaya hindi puwedeng mawala ang mga pasyente niya, hindi puwedeng tatlo lang ang mga ito.

“Ah, Doc, ’yan lang po kasi ang tinanggap ko, puro kasi sila babae. And if I know, nagpapapansin lang naman ang mga ’yon sa’yo.”

Pabagsak siyang naupo sa swivel chair niya at napahilot sa sentido niya.

God…

“What are you doing here, Andy?” sa halip ay tanong niya na lamang sa dalaga.

“I’m your new assistant,” simpleng sagot nito.

“’Di ba, may pasok ka? ’Di ka puwedeng maging assistant ko. At saka, alam ba ’to ni Mayor?”

“Why not? Pinapalitan ko na ang sched ko. Panggabi na ngayon ang pasok ko, kaya free na free ako tuwing umaga. And don’t worry, cuz Dad knows,” sagot nito na kumindat pa sa kaniya.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon