16. I Saw Her

1.6K 44 5
                                    

CHAPTER 16
I Saw Her

LAGLAG na naman ang panga niya nang lumabas ng banyo si Andy na naka white two-peace na napapatungan ng white fitted long sleeve na may mga disenyong sunflower, kaya ang panty lang nito ang expose. Nag-pose pa ito sa harapan niya na parang pinagmamalaki ang sexy nitong katawan.

Nakita naman niya na ang kahubadan nito, pero bakit apektado pa rin siya sa nakikitang tanawin ngayon? Samantalang hindi naman ito ganoon ka-daring.

“Sexy ko ba, Baby?” nang-aakit na tanong nito sa kaniya, kaya wala sa sarili siyang napatango habang nakatitig pa rin sa katawan nito.

Hapit na hapit ang suot nito, kaya kitang-kita pa rin ang hubog ng katawan nito. At isa pa, litaw pa rin ang cleavage nito.

“Eyes up, Baby,” natatawang saad nito nang magawi ang paningin niya sa hindi naman kalakihan nitong dibdib. Pero at least may cleavage pa rin.

“You’re so beautiful,” nakangiting anas niya, dahilan para mapahagikgik ang dalaga at tuluyan nang lumapit sa kaniya.

“Ikaw rin, ang guwapo-guwapo mo,” saad nito habang magaang hinahaplos ang dibdib niya sa ibabaw ng suot niyang sando na hapit rin sa katawan niya.

“Just stay close to me, maraming hipon sa labas,” nakangising dugtong nito, dahilan para tipid siyang matawa at inakbayan ito.

“Okay. Let’s stay like this,” nakangisi rin niyang saad, at saka na ito paakbay na iginiya palabas ng private room nila.

~*~

PINILI nilang maglibot-libot muna sa buong resort at mag-ipon ng maraming retrato gamit ang dala nilang camera. Sinubukan nila ang lahat ng activities na in-o-offer ng resort, like Hydro Zorb, Zipline, High Ropes, and Sky Cycle. They have so much fun. Sinulit talaga nila ang araw na ito na magkasama sila.

At ngayon naman ay sinusulit nila ang pagsosolo sakay ng Kayak sa manmade lake ng resort. Napapangiti na lamang sila nang makitang halos couple ang lahat ng kasabayan nila.

“’Di ba hindi ka pa nagkaka-girlfriend? Why is that? You know, I’m just curious. Sa guwapo mong ’yan at sa dami ng magagandang babaeng nagkakagusto sa’yo, wala ka manlang nakarelasyon kahit isa,” Andy asked all of a sudden. Kaya hininto niya ang pagsasagwan at nakuntento nang manatili sa gitna ng lake.

Sandali siyang nag-isip para sa isasagot sa tanong ng dalaga. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang kaduwagan niya.

“You don’t need to answer---”

“Cuz I’m scared,” putol niya rito, at saka mariing lumunok bago nagpatuloy. “Yeah, I’m scared. Takot akong mapalapit sa isang tao dahil iniisip ko na hindi naman sila magtatagal sa buhay ko. I know it sounds ironic ’cause I’m a psychiatrist. Psychiatry doctor ako pero hindi ko maalis ang takot sa sistema ko. Napapagaling ko ang mga pasyente ko, natutulungan ko silang labanan ang mga takot nila, pero ang sarili ko hindi ko matulungan.”

Muli siyang lumunok bago diretsong tinitigan sa mata ang dalaga na deretso rin namang nakatingin sa mga mata niya. Kapwa seryoso ang expression ng kanilang mga mukha.

Hinawakan niya ang dalawang kamay nito bago nagpatuloy sa paglilintaya.

“Pero nagawa kong labanan ang takot ko nang dumating ka sa buhay ko. Dahil sa’yo nagawa kong sumugal. Tinuruan mo ’kong maging matapang para harapin ang nararamdaman ko, kahit ano pa ang maging kapalit nito. Wala na ’kong pakialam kung masasaktan man ako sa huli or not, basta masaya ako ngayong kasama kita, masaya ako na pareho ang nararamdaman natin para sa isa’t isa, at masaya ako dahil naranasan kong magmahal sa kabila ng kaduwagan ko. Mahal na mahal kita, Andy. I don’t care, even though I’m twelve years older than you, I don’t care kahit pa may umaaligid na obsessed psychotic killer sa’kin. Proprotektahan kita, dahil simula nang tinanggap ko ang nararamdaman ko para sa’yo, sa’yo na rin nakasalalay ang buhay ko. Ibinibigay ko ng buong-buo ang puso ko sa’yo. Gaya nga ng sinabi mo, I’m yours, Baby, only yours.”

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon