11. His Assistant

2K 44 0
                                    

CHAPTER 11
His Assistant

“DR. SIGMUND!”

Napahinto siya sa pagliligpit ng gamit nang marinig ang masiglang boses na iyon.

Lunch time na at inutusan niya na si Kyla na magpa-reserve sa paborito niyang restaurant.

“What are you doing here, Andy?” seryosong tanong niya sa dalaga, at saka nagpatuloy sa ginagawa.

“I want to have lunch with you, of course. And I’ll explain kung bakit hindi ako nakapunta rito yesterday. Nagkaro’n kasi kami ng seminar. And sorry dahil---”

“You don’t have to explain your side, Andy,” putol niya rito, at saka na tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair.

“What?” kunot noong tanong ng dalaga.

“You don’t have to explain. Hindi ka naman require pumunta rito araw-araw. And sorry, I’m having lunch with Kyla,” saad niya, dahilan para mapanganga ito at gulat na gulat na tumingin sa kaniya.

“P-pero---”

“I’m sorry, Andy. Umuwi ka na lang. I gotta go,” muli ay putol niya rito, at saka niya na ito nilampasan at lumabas ng opisina niya.

Mahigpit niyang naikuyom ang kaniyang mga kamao, bago binalingan ang assistant.

“Mauna na ’ko sa kotse. Pauwiin mo na si Andy para masara ang clinic. Faster,” utos niya rito, at saka na tuluyang tinahak ang daan palabas.

~*~

MAHIGPIT na naikuyom ni Andy ang kaniyang mga kamo nang sumara ang pinto sa likod niya. Napapikit siya at pilit na pinakalma ang sarili.

Narinig niya ang muling pagbukas ng pinto. At muling nag-init ang ulo niya nang marinig ang boses ng assistant ng doctor.

“Umuwi ka na raw sabi ni Dr. Sigmund. Isasara kasi ’tong clinic.”

Dahan-dahan siyang lumingon dito, at saka ito nginisian habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

“Are you happy?” nang-uuyam niyang tanong sa babae.

“Po?”

“Masaya ka ba? Tagalog na ’yan, baka hindi mo pa maintindihan,” sarkastikong sagot niya, dahilan para matigilan ito.

“Will you please stop acting now? Wala na sa paligid si Dr. Sigmund. Puwede mo nang ilabas ang tunay mong kulay.”

At hindi na siya nagulat nang ngumisi ito sa kaniya. Alam na alam niya ang amoy ng mga plastic, santa-santita, mapagpanggap, at ahas na mapagbalat-kayo. Kaya hindi siya maloloko ng babaeng ito.

Mataray itong tumayo sa harapan niya at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib nito.

“Mukhang nagsawa na sa’yo si Dr. Legaspi. Kaya ’wag ka nang umasa, mahal na prinsesa. Naging mabait lang naman siya sa’yo dahil anak ka ng mayor.” Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa, bago ngumisi. “Look at yourself. Sa tingin mo magugustuhan ni Dr. Legaspi ang isang katulad mo? Kid.”

Nagngitngit siya sa nararamdamang galit para sa babae, pero pinilit niya pa ring ngitian ito.

“Enjoy your lunch, Bitch. Baka huli mo na ’yan,” malambing niyang saad, at saka na ito binangga at nilagpasan.

~*~

“MUKHANG nagalit po si Ms. Andy,” rinig niyang saad ni Kyla nang mailapag ang mga order nila.

“Let’s eat,” sa halip ay sagot niya, at saka na nagsimulang kumain. Ayaw niya nang pag-usapan pa ang dalaga.

He wants to forget his feelings for her, dahil iyon ang tama. Mas magiging maayos ang kalagayan ng dalaga kung sa iba ito mapupunta, at sa kaedaran nito. Hindi ito magiging masaya sa kaniya, kaya mas mabuting bitawan na habang wala pang nasisimulan, para hindi na sila mas masaktan pa.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon