EPILOGUE

2.4K 40 12
                                    

Two years passed…

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Two years passed…

“Thank you po, Doc.” Tipid niyang nginitian ang dalagang pasyente, at saka iniabot ang contact ng doctor na ni-re-refer niya dito.

“Just contact him for appointment, nasabihan ko na siya kaya huwag kang mag-alala,” malumanay na saad niya rito.

Ito na ang huling pasyente niya, dahil lahat ng pasyente niya’y ini-refer niya na sa doktor na kakilala niya dito sa Harmony.

Panahon na para tuluyan nang isara ang clinic na 'to.

Sa nakalipas na dalawang taon ay bumalik siya sa dati niyang buhay sa Harmony. Bumalik siya sa bahay niya’t muling binuksan ang clinic niya.

Hindi niya alam kung ano’ng ginawa ni Detective Hanson para mapalagpas siya sa ginawa niyang pagtulong sa pagtatago ng isang sikat at delikadong kriminal.

Basta isa lang ang iniwan nitong salita sa kanya nang huli silang magkita at magkausap two years ago…

“I did it; she really owe me a lot. Mag-iingat ka, Dr. Legaspi, at maging masaya ka.”

Maikli lang ang sinabi nito pero alam niyang may laman ang bawat kataga.

Hindi niya alam kung ano’ng nalalaman ni Detective Hanson pero hindi na siya nagtanong pa.

Gaya ng sinabi nito’y pinilit niyang maging masaya sa nakalipas na dalawang taon. Itinutok niya ang buong atensiyon sa pinakamamahal niyang trabaho. Nagpakaabala siya katulad ng ginagawa niya noon bago dumating sa buhay niya ang taong nagparanas sa kanya ng totoong kasiyahan.

Pero hindi ‘yon naging madali, dahil alam niya sa sarili niyang may kulang. May pilit na hinahanap ang puso niya para tuluyang maging masaya.

“Doc, mauuna na ho ako,” paalam ng naging assistant niya sa nakalipas na dalawang taon na si Gil. Ito na ang huling araw nito sa trabaho sa kanya, pero inilipat niya naman ito sa kaibigan niyang si Kristof dahil nangangailangan ito ng bagong sekretarya; nagagalit kasi ang asawa nito dahil sa sekretarya ng kaibigan niya na halata namang may gusto rito, kaya naman nagdesisyon si Kristof na maghanap ng lalakeng sekretarya para matahimik na ang asawa nito. Well, good decision.

“Sige, mag-iingat ka, maaga kang pumunta sa office ni Dr. Gomez bukas dahil kailangan na kailangan niya na ng secretary,” matipid ang ngiting tugon niya rito.

“Yes, Doc, thank you po, ingat din po kayo.”

“Thanks,” tanging tugon niya, bago tuluyang mawala sa paningin niya si Gil.

Sumandal siya sa swivel chair niya’t sandaling nagpahinga, bago niya na inayos ang lahat ng gamit niya’t inilagay sa mga kahon ang mga dadalhin niya.

Nang matapos siya’t mailagay niya na ang mga kahon na naglalaman ng gamit niya sa kotse, sarili naman niya ang inayos niya dahil may usapan silang magkikita ng kaibigan niyang si Kristof.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon