CHAPTER 41
Dickhead Execution
DAHAN-DAHAN siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa tabi ng nahihimbing na si Dr. Sigmund, at saka nakangising tinignan ang kopita na ginamit nito kanina nang ayain niya itong uminom ng wine bago matulog.
Ngayon, siguradong bukas na ng umaga ang gising nito. Hindi na nito mapapansin ang plano niyang pag-alis ngayong gabi.
“Sorry, baby, may aasikasuhin lang ako sandali,” malambing niyang saad habang marahang hinahaplos ang mukha nito, at saka niya ito dinampian ng isang halik sa labi.
She gave an evil smirk after silently closing the door of their room.
“It’s time to execute a dickhead man. A very good-looking dickhead, though,” nakangising saad niya, at saka na tuluyang nilisan ang kanilang tirahan.
“Hi, Miss,” biglang sulpot ng isang binata makalipas lamang ang ilang minuto matapos magpaalam ni Dr. Sigmund na gagamit lang ng restroom.
She looked at him from head to foot. And she can say, he is freaking handsome. But not her type. Well, she already has her baby. No one can replace him anymore.
Namumukhaan niya ang binatang ito. Isa ito sa grupo ng mga binata na kanina pa sumusunod sa kanila.
“Kanina ka pa namin napapansin ng mga tropa ko, pero hindi kami makalapit dahil sa kuya mo,” nakangising saad nito na makapal ang mukhang naupo pa sa upuan ng baby niya.
“Really? Kuya? Naghahalikan, ’tapos kuya?” nakangisi ring sagot niya rito. Pero sa halip ay tumawa pa ang kaharap, dahilan para mapatiim bagang siya. Iniinsulto nito ang baby niya. Hindi niya ito mapalalampas!
“You know what, Miss? Hindi kayo bagay ng boyfriend mo. Mukha na siyang gurang para sa ’yo. Pft.” Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao niya dahil talagang tinuloy pa nito. “Anyway. What’s your name? By the way, I’m Drake.” At talagang nagawa pa nitong magpakilala at ilahad ang kamay sa harapan niya na hindi niya na pinagkaabalahang tanggapin pa. Kaya nakangiti pa rin nitong binawi ang kamay.
“I’m sorry. Na-offend ka ba sa sinabi ko? I’m just stating a fact. Ang tanda ng itsura niya para sa ’yo. I bet he’s already in thirty? Thirty-five? Forty? Pft. While look at you, you looked eighteen,” nakangisi pa ring saad nito. Hindi ba ito makaramdam? Alam niyang ang dilim na ng mukha niya ngayon, pero mukhang wala itong pakialam.
‘Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko ngayon, siguradong mapuputulan ka ng dalawang ulo gamit ang steak knife na nasa harapan ko!’
“Excuse me?” Naalis ang pagkakakuyom ng mga kamao niya nang marinig ang boses ni Dr. Sigmund.
‘Thank him, dickhead. You’re lucky now, but not later.’
“It’s nice talking with you, Miss. Let’s see each other next time,” nakangisi pa ring saad nito sa kaniya, bago tuluyang nilisan ang table nila.
‘Yeah. See you later.’
Nakangisi niyang tinititigan ang hubad na lalakeng nakahiga sa pulang kama ng playroom niya sa Harmony Bridge.
Ayaw niya na munang mang-gulo sa Callen Hill ngayon dahil gusto niyang maging komportable ang baby niya sa lungsod na tinitirahan nila. Kaya kahit na malayo at talagang nakapapagod ang biyahe, dinala niya ang lalakeng ito rito.
Napangingisi siya habang tinititigan ang kabuuan nito. Hindi lang ito guwapo, ang ganda rin ng katawan nito at may ipagmamalaki ang pagkalalake. Sayang lang dahil nakatadhana itong maputol ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...