CHAPTER 24
Her Death Game Is Coming“DITO na lang ako,” saad niya nang makitang madadaanan na nila ang karatulang may nakasaad na Crimson Wood Lake.
“Huh? Bakit?” kunot noong tanong nito na inihinto pa rin naman ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“May dadaanan lang ako. ’Wag mo na ’kong hintayin,” sagot niya, kasabay ng pagtanggal niya ng seatbelt. Hindi niya na hinintay pa na makasagot ang kaibigan, mabilis na siyang lumabas ng sasakyan at tinahak ang daan patungong lake, hanggang sa muli siyang mapadpad sa gitna ng forest.
Tipid siyang ngumiti habang nakatingala sa tree house, bago inakyat ang hagdanang lubid. Pero natigilan siya nang makita ang loob nito. Napakalayo na ng itsura nito ngayon kumpara nang datnan niya si Andy rito.
Nawala ang maalikabok na papag at napalitan ng isang puting sofa bed with small pillows. Sa tabi niyon ay mayroon ding isang maliit na round table na gawa sa narra. Mayroon ding isang maliit na dining table na may dalawang upuan, at isang maliit na shelve na puno ng mga psychology books.
Pinturado ang dingding at mayroon nang isang maliit na bumbilya na dilaw ang liwanag. Napakalayo ng itsura ng loob ng tree house kumpara sa labas.
Sino ang gumawa nito?
Napailing na lamang siya sa tanong ng isip, dahil sa isang taong naiisip niya na maaaring gumawa nito.
Nilapitan niya ang nag-iisang malaking frame na nakasabit sa dingding, sketch iyon ng dalawang tao, lalake at babae. Hindi siya puwedeng magkamali, mukha niya ang nasa sketch kasama ang isang babae na may mukhang pagmamay-ari ni Ivy, without the cicatrix.
Tanging sketch lamang iyon at walang kulay, pero kuhang-kuha ang itsura at bawat anggulo ng mukha nila. Mapait siyang ngumisi, bago marahang umiling.
Napakapa siya sa bulsa ng pantalon niya nang maramdamang may mag-vibrate mula rito. Binunot niya ang bagong cellphone na pinabili niya kahapon kay Kristof. Nangunot ang noon niya nang makitang unregistered number ang tumatawag.
Bago ang cellphone niya at pati na rin ang number na gamit niya. Nakamamanghang nalaman agad nito ang numero niya.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag, dahil alam niya na kung sino ang nasa kabilang linya.
“Hello, my baby. Missed me?” Nahihinuha niya na ang mapaglarong ngisi sa labi nito. Gumagamit pa rin ito ng voice simulator na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit.
“Ikaw ang gumawa nito,” he stated, at saka marahang umupo sa malambot na sofa bed.
“Did you like it? Ako mismo ang nag-ayos niyan.” Humagikgik ito.
“Bakit mo ba ginagawa ’to? Bakit mo pa pinatatagal? You can have me now. You can take me now,” sa halip ay saad niya, dahilan para mapahalakhak ang nasa kabilang linya.
“Are you that excited? Excited ka nang makasama ako, baby?” Saka ito bumungisngis. “Don’t worry, may tinatapos lang ako. After this, magsasama na tayong dalawa.” Nangunot ang noo niya. Ano ang tinatapos nito? Krimen na naman kaya ang inaasikaso nito?
“Okay. Basta ang usapan natin, Ivy, hindi mo na siya gagalawin.”
“Of course, baby. I’ll mark my words. Don’t ya worry, hinding-hindi ko na siya hahawakan. Hinding-hindi ko na babahiran ng dugo niya ang mga kamay ko.” Saka ito muling humalakhak.
Hindi buo ang tiwala niya sa babae, pero susubukan niyang panghawakan ang mga salita nito, dahil iyon na lang naman ang maaari niyang gawin, ang magtiwala.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Misterio / Suspenso[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...