15. Henry

1.8K 38 0
                                    

CHAPTER 15
Henry

“NAKS, talagang d-in-isplay mo ’to rito sa kuwarto mo, ’no,” tukoy ng dalaga sa naked painting nito na inilagay niya sa dingding mismo ng kuwarto niya.

Katatapos lang ng trabaho nila, at dito sila sa bahay niya dumeretso para kumain at makapagbihis si Andy ng uniform.

“Of course, that painting is for my eyes only,” nakangising sagot niya rito, dahilan para mapangisi rin ito sa kaniya, at saka nang-aakit na naglakad palapit sa kaniya.

“Puwede mo namang makita ang naked body ko anytime you want, just tell me, I’m willing to be your personal stripper,” nang-aakit nitong sambit habang marahang hinahaplos ang dibdib niya, kaya muli na lang siyang napailing at hinawakan ang mga kamay nito.

“May pasok ka pa, Andy. Let’s go, ihahatid na kita,” saad niya, dahilan para mapasimangot ito at mapairap sa kaniya, kaya tipid na lamang siyang natawa .

“Let’s go, ma-le-late ka na.” Siya na mismo ang nagbitbit sa bag nito at saka niya na ito hinatak palabas ng kuwarto niya, kaya wala na itong nagawa pa kundi ang sumunod sa kaniya.

~*~

“STUDY HARD,” saad niya rito nang ihinto niya ang sasakyan sa harapan ng gate ng university.

“As hard as your prick?” ngising tanong ng dalaga, kaya agad niya itong sinamaan ng tingin. Heto na naman ito sa kapilyahan nito.

“Go, pumasok ka na, baka ma-late ka na.”

“Okay, tss. Kiss ko?”

Inalis niya ang seatbelt niya at dinukwang ang dalaga para mahalikan ito sa labi. Pero ang simpleng dampi lang sana na halik ay pinalalim ng dalaga. Kaya kapwa silang humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Bye, Dr. Sigmund, my baby,” paalam nito at tuluyan nang lumabas ng sasakyan niya. Kumaway pa muna ito sa kaniya bago tumatakbong pumasok sa gate ng university, nakita niya pa kung paano nito masiglang binati ang guard, kaya napangiti na lang siya, at saka na muling pinaandar ang sasakyan niya pabalik sa bahay niya.

Pero nasa kasagsagan na siya ng biyahe nang mapansin ang isang itim na sasakyan na tila ay sumusunod sa kaniya. Kaya imbis na pakanan siya, lumiko siya sa kaliwa nang nasa crossing na siya.

Medyo binilisan niya ang pagpapatakbo, at nakita niyang bumilis din ang takbo ng sasakyang sumusunod sa kaniya. Kaya agad niyang inilabas ang cellphone niya para tawagan si Detective Hanson.

“Detective, may kotseng itim na sumusunod sa’kin,” bungad niya nang sagutin ng detective ang tawag niya.

“Don’t worry, may nakasunod na rin sa inyong tao ko. Magderederetso ka lang, kami na’ng bahala.”

“Okay. Thanks, Detective.” At saka niya na pinutol ang tawag. Sinunod niya ang sinabi nito at nagderederetso lang sa pagmamaneho, hanggang sa mapansin niyang may isang kotse na gray ang pumantay sa kaniya na nakababa ang windshield, at saka ito sumenyas sa kaniya na pupuwesto ito sa harapan niya. Nakita niyang mayroon na ring isa pa sa likuran niya.

Dalawang kulay gray na kotse na ang pumapagitna sa kaniya ngayon na parang pinoprotektahan siya, kaya medyo nakahinga na siya ng maluwag.

Talagang binabantayan nga siya ng detective.

~*~

NAPATIIM BAGANG si Henry nang may dalawang kotse ang pumagitna sa kaniya, at sinesenyasan pa siya ng isa na huminto.

Bantay sarado, ah.

Napangisi na lang siya sa sinabi ng isip, at saka mas binilisan ang pagmamaneho.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon