50. Who is Darling?

868 23 1
                                    

SPG!

“Wala naman talaga akong idea sa plano niya, basta sinabi niya lang na pumasok ako sa kakahuyan at saka sundan ang mga black ribbon na tinali niya sa mga puno, hanggang sa mapadpad ako dito sa lake at dito ko nakita ang mga gamit at ang note niya ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Wala naman talaga akong idea sa plano niya, basta sinabi niya lang na pumasok ako sa kakahuyan at saka sundan ang mga black ribbon na tinali niya sa mga puno, hanggang sa mapadpad ako dito sa lake at dito ko nakita ang mga gamit at ang note niya na nagsasabing ayusin ko ang mga ‘yun dahil plano nga niyang mag-propose sa ‘yo. Hindi na ‘ko nagulat sa klase ng pag-po-propose niya, natakot ka ba? Hahaha!” lintaya ni Kristof na katabi niyang nakaupo sa mantle, habang si Ivy ay in-e-enjoy na ang tubig sa lake suot ang black two-piece nito.

Tipid siyang ngumiti. “Sobra,” sagot niya, dahilan para tumawa ang kaibigan.

“Ibang klase talaga ‘yang fiance mo, pero at least may label na kayo pft.” Nailing na lamang siya sa kaibigan. Para sa isang lalakeng kailan ma’y hindi pumasok sa isang relasyon, napaka-big deal para dito ng label.

“Yeah, fiance ko na siya.” Nakangiti niyang tinitigan si Ivy na nag-flo-floating sa lake. “Ang sarap pakinggan.”

“Ano nga ba ‘yung word na palagi kong naririnig sa mga kabataan? Ahh sana all! Hahaha!” Natawa na lamang siya sa kaibigan, pero hindi niya na ito nagawa pang sagutin dahil pumakat na ang paningin niya sa cellphone ng fiance niya na nag-va-vibrate.

He scowled when he saw the caller.

Darling 🖤 is calling…

‘Who is Darling?’

Kunot pa rin ang nuong kinuha niya ang cellphone, saka sumulyap sa direksiyon ni Ivy, bago ito sinagot at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Nilingon niya ang kaibigan na may nagtatanong na tingin.

“Hello, who’s this?” sa halip ay baling niya sa taong nasa kabilang linya, pero imbis na sagutin siya’y binabaan siya nito, kaya kunot nuo pa rin niyang tinignan ang screen. ‘Sino ‘yun?’ Bigla siyang nakaramdam ng paninikip sa dibdib niya. Sino ang taong ‘yun na tinatawag na darling ng fiance niya?

“Who’s that? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang muka mo?” Kristof ask in curiosity.

Mabilis niyang ibinalik ang cellphone ni Ivy sa pagkakapatong sa pinaghubaran nitong damit.

He force a smile at Kristof. “Nothing,” tipid na sagot niya, pero alam niyang hindi kombinsido ang kaibigan niya sa sagot niya, pero marahang tumango na lamang ito’t hindi na nagtanong pa.

Ibinalik niya ang paningin sa direksiyon ni Ivy.

‘Who is Darling, Baby? I trust you.’

Mariin niyang naikuyom ang mga kamao. Hindi niya nagugustuhan ang tumatakbo sa kanyang isipan; kaka-propose lang sa kanya ng babae kagabi, kaya wala siyang dapat ipag-alala, dahil soon ay ikakasal na sila.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon