“One hour of trekking mararating na natin ang Berdihan Falls,” saad ni Ivy habang inaayos ang pagkakasintas ng sapatos nito.
Inayos naman niya ang pagkakasukbit ng backpack sa likuran niya na naglalaman ng mga baon nilang damit at ilang kakailanganin nilang gamit.
“Tayo na ho mga mam, ser,” pag-aya na sa kanila ng staff na makakasama nila sa pagtungo sa naturang falls. Every tourist ay may naka-assigned na person na makakasama nila for security and safety. The place is not totally harmful, pero nandiyan lang ang mga akaidente, lalo na’t falls ang pupuntahan nila na may malalim na lawa.
Hindi siya sanay sa paglalakad ng malayo, lalo na’t pataas ang lupang nilalakaran nila, kaya kalahating oras palang silang naglalakad ay hingal na hingal na siya, pero balewala ‘yon dahil hawak naman niya ang kamay ng asawa niya na walang kapagod-pagod ang muka. Mukang sanay na sanay na nga ito. Napapaisip tuloy siya, madalas kaya itong gawin ng babae? O dahil lang sa mga gawain nito noon kaya lumakas ang stamina nito?
Hindi na siya nagtanong pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad, hindi inaalintana ang pagod na nararamdaman. Siguro dapat na rin niyang palakasin ang stamina niya. Hindi niya magawang pagtuunan ng pansin ang katawan niya noon dahil abala siya sa pag-aaral, gano’n rin nang makapagtapos siya dahil naging abala naman siya sa trabaho niya. Siguro ngayon dapat niya nang simulan ang pag-e-exercise, para naman nasasabayan niya ang stamina ng asawa niya.
They remain walking and walking, until finally they arrive in the famous Berdihan Falls of Magalay Province.
“Suotin niyo ho ito,” saad ng kasama nila habang inaabot ang dala nitong dalawang orange life vest.
“No need---”
“Thank you,” putol niya na kay Ivy at kinuha ang dalawang safety vest, nakita niya ang pagsama ng tingin sa kanya ng babae, pero hindi niya na ito pinansin at pinanatili ang paningin sa lalakeng kasama nila.
“Sige ho, Mam, Ser, tawagin niyo nalang ho ako kapag may kailangan kayo,” magalang na saad nito.
“Sige salamat.”
Binalingan niya na ang asawa nang makaalis sa harapan nila ang lalake. He suppressed his smile nang makitang ang sama pa rin ng tingin sa kanya ni Ivy.
“Ano nama’ng gagawin natin diyan? Hindi ka ba marunong lumangoy?” nakabusangot nitong tanong.
Still suppressing his smile, he answered. “It’s for our safety, Baby.”
“Safety-safety, tss, safety my ass, I’m the danger itself, I don’t need to wear that, and I will never wear that shitty vest, pangbata.”
Ginulo niya ang buhok ng asawa. “You will wear this promise,” nakangising saad niya.
Ivy frowned at him. “And why is that? You sounds confident huh.”
“Dahil kapag hindi mo ‘to sinuot, one week no sexy time for you, and I’m serious.” Inilagay niya ang isang vest sa kamay ng asawa, saka ito nakangising kinindatan bago talikuran para isabit sa isang puno ang bag nila.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...