51. Surprise

735 23 0
                                    

HAPPY READING!

“I’m on my way now, Darling, ‘wag mo naman masyadong ipahalatang miss mo na ‘ko hahaha!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I’m on my way now, Darling, ‘wag mo naman masyadong ipahalatang miss mo na ‘ko hahaha!... Yeah right… Okay, bye, love yah!”

Mariin siyang lumunok at hindi pinansin ang paninikip ng dibdib niya. Engaged na silang dalawa at may tiwala siya sa baby niya. Pinilit niyang ngumiti’t tuluyan nang pumasok sa kuwarto nilang dalawa.

“Hey, Baby.” Nakangiting bumaling sa kanya si Ivy habang nagsusuot ito ng sinturon.

“Hey, aalis ako ngayon kaya maiiwan ka muna dito,” saad nito habang inaayos ang sarili. Bitbit ang shoulder bag nito, naglakad na ito palapit sa kanya’t ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi.

“Don’t forget to lock the doors and windows,” paalala nito, saka muli siyang hinalikan sa labi, bago na tuluyang naglakad palabas ng kuwarto.

Malalim na lamang siyang napabuntong hininga, saka pabagsak na naupo sa kama. Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano, may dahilan ang lahat ng ginagawa ni Ivy, baka naman related lang ito sa bagong business nito.

‘Pero pa’no niya maipaliliwanag ang endearment niya sa lalakeng ‘yun? Lalo na ang pagsasabi niya ng I love you. Sino ba talaga ang lalakeng ‘yun at kailangan niya pang puntahan sa condo nito?’

Buong-buo ang tiwala niya kay Ivy, pero hindi niya lang talaga mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Ito ang unang babaeng minahal niya, at ito rin ang pinaka unang beses na napasok siya sa isang romantic relationship, kaya unang beses niya lang ring maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam.

Lalake ang kausap nito, Darling ang tawag nito sa lalake, at higit sa lahat, nag-a-I love you ito sa lalakeng ‘yun! Ano ba ang dapat niyang isipin? Isang beses niyang tinanong rito kung sino ang kausap nito, pero sinagot siya nito ng “He's nothing,” du’n palang alam niya nang ayaw nitong ipaalam sa kanya.

Nag-lilihim sa kanya ang fiance niya, pero bakit? Ano ba’ng relasyon nito sa lalakeng ‘yun? Sino ba talaga si Darling? Sino ba ito sa buhay ni Ivy?

Muli ay malalim na lamang siyang bumuntong hininga, saka na tumayo at naglakad palabas ng kuwarto. Kung maaari lang siyang lumabas para masundan ang babae baka ginawa niya na, pero hindi niya ‘yun gagawin, dahil bukod sa delikado at baka may makakita sa kanya’t makakilala, ipapakita niya lang na wala siyang tiwala sa babae.

Oo, nakararamdam siya ng paghihinala, pero mahal niya si Ivy, mahal rin siya nito at nangako ito sa kanya, ‘yun ang pinanghahawakan niya.

Tinahak niya ang daan patungo sa art room. Kapag ganito ang isip niya, isa lang ang madalas niyang ginagawa maliban sa pagbabasa ng libro, at ‘yun ay ang pagpipinta.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon