46. Private Island

902 25 1
                                    

“Woah, this yacht is yours?” manghang saad ni Kristof habang nakatingin sa maliit na yateng nasa harapan nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Woah, this yacht is yours?” manghang saad ni Kristof habang nakatingin sa maliit na yateng nasa harapan nila.

“Yep,” nakangising sagot naman ng isa. “That’s one of my yacht,” bakas ang pagmamalaki pang dagdag nito. Kung gano’n, talagang mayaman nga ang babae.

“Oww, someone is rich, sabagay nagmula ka naman talaga sa mayamang pamilya, pero ‘di ba na-freeze ang lahat ng ari-arian niyo mula nang--- amm…” biglang nag-alangan si Kristof kung itutuloy pa ba ang sasabihin, kaya nilingon niya si Ivy na ngumisi lang sa kaibigan.

“Mula nang patayin ko ang ama’t kapatid ko?” pagtutuloy ni Ivy rito, kaya napapaiwas tinging tumango na lamang ang kaibigan.

Nagpatuloy si Ivy. “Bukod sa mga legal business, may mga illegal business rin ang Papa ko, kaya marami ring illegal property ang pamilya ko na tanging kami lang ang nakakaalam. Mga legal property lang ang na-freeze kaya nananatili akong mayaman dahil mas marami ang mga illegal properties namin, at ilan lang sa mga ‘yun ang mga yate ko at ang private island na pupuntahan natin.”

Sabay silang napamaang ni Kristof nang malama’ng sa isang private island pala ang punta nila. Ngayon nasagot na ang tanong niya kung sa’n nagmumula ang mga pera ng babae.

“That’s explained it all,” tumatangong saad ni Kristof.

“Who’ll gonna drive?” kapagkwa’y tanong niya na tinutukoy ang yate na nasa harapan nila.

“Me, unless marunong din kayo,” sagot ni Ivy.

“I’m not,” mabilis na sagot niya.

“I never touch a helm in my entire life,” segunda naman ni Kristof.

“If that so, let’s go? Isang oras din ang magiging byahe natin sa dagat,” nakangising saad ni Ivy, kaya mabilis na silang kumilos at dala ang mga gamit ay sumakay na sila ng yate.

After one hour…

“Woah! This is a paradise!” bulalas ni Kristof nang makababa na sila ng yate. Fresh air, white sands, crystal clear water, this is a real paradise. Inilibot niya ang paningin sa paligid, marami ring puno rito, at maliban sa kanilang tatlo, wala na siyang nakikitang ibang tao, mukang solong-solo talaga nila ang buong isla. At hindi kaluyan mula sa dalampasigan, makikita ang isang two storey house na siguradong siyang tutuluyan nila.

“Welcome to Sivy Island, my precious paradise.” Kapwa nilang nilingon ang papalapit nang si Ivy sa kanila. Mukang natapos na nitong ayusin ang yate.

“Sivy? Pinagsamang pangalan niyo ba ‘yan ni Sigmund? Pft,” natatawang saad ni Kristof. Hindi niya napigilan ang pagpaskil ng isang ngiti sa kaniyang muka dahil sa isiping ‘yun. Ipinagsama nito ang kanilang pangalan at ipinangalan sa isang isla. Normal kiligin ang isang lalake, pero ‘di ba dapat siya ang nagpaparamdan nito sa babae? Hayy, binabaliw talaga siya ng babaeng ‘to!

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon