“Wear this too,” saad ni Ivy, sabay suot sa kanya ng itim at malaking eye-glasses na sinundan ng isang white beanie sa ulo niya. Lumayo ito ng kaunti sa kanya bago siya tinignan mula ulo hanggang paa.
After their six rounds session kanina, umalis si Ivy para bumili ng lunch nila, at pagbalik nito’y hindi lang pagkain ang dala nito; may dala rin itong dalawang paper bag na naglalaman ng mga damit at sapatos.
Ivy’s said, bago sila umuwi sa sinasabi nitong bahay raw nila, kailangan nilang itago ang identity nila, kaya bumili ito ng mga bagong gamit na pwede nilang magamit.
Nakasuot siya ngayon ng cargo shorts, t-shirt, rubber shoes, big eye glasses, and beanie; very casual wear, malayo nga sa isang Dr. Sigmund Legaspi na parating formal ang kasuotan.
Si Ivy naman ay naka cargo pants, notched neck top na fitted, and rubber shoes. Kung kanina ay itim ang kulay ng buhok nito na abot hanggang siko, now her curly hair with bangs are now pastel peach. Siya pa mismo ang nag-gupit sa bangs nito matapos itong tulungan sa pagkukulay ng buhok.
“We look great!” nakangiting bulalas ng babae nang matapos sila sa pag-aayos, kaya nakangiti niya itong hinaplos sa muka.
Dati ay isa siyang sikat na psychiatrist ng Harmony Bridge, masasabi pa rin niyang tahimik ang buhay niya kahit pa palaging laman ng diyaryo at telebisyon ang pangalan niya, pero ngayon kailangan niya na ring magtago at iwanan ang propesyon para sa babaeng ito na hindi niya akalaing magagawa niyang mahalin ng ganito.
“Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong niya rito, hindi pa kasi nito nababanggit kung saang lugar ba ang bahay na sinasabi nito.
“Callen Hill, may binili akong bahay du’n para sa ‘ting dalawa,” nakangiting sagot nito na may hinahalungkat sa backpack nito. Saka niya lamang naalala ang narinig niyang usapin nito at ni Henry nuon, tungkol sa bahay na pinaasikaso nito sa lalake.
Nangunot ang nuo niya. “Hindi ba tayo mas mahihirapang makapasok sa lungsod na ‘yun? Siguradong kalat na kalat na ang pangalan mo sa lahat ng lungsod,” nag-aanlinlangang saad niya rito. Masyadong mahigpit ang lungsod na ‘yun, hindi sila makakapasok basta-basta, at subok na nila ‘yun.
“Kaya nga tayo ng get-up ng ganito ehh,” sa halip ay nakangising sagot nito, sabay abot sa kanya ng isang I.D. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sariling muka sa I.D, kaparehong-kapareho ng ayos niya ngayon ang nasa litrato.
Alfred Legaspi.
Nagtataka niyang tinignan si Ivy. “We have our new name?” tanong niya rito, dahilan para lalong mapangisi ang babe’t ipinakita ang sarili nitong I.D.
“Yep, Baby, here is mine, I am Noreen Legaspi, and we’re a marriage couple from USA. We’re also a filipino who migrated in US, but decided to comeback here because of business matter. And here’s our documents,” nakangiting lintaya nito, kasunod ng pag-abot sa kanya ng isang envelope, kaya mabilis niya itong binuksan at tinignan ang mga documents na sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Tajemnica / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...