CHAPTER 17
She Got Her“I SAW HER, I saw Ivy.” Bumilis sa pagtibok ang puso niya nang marinig ang sinagot ng umiiyak na dalaga.
Ivy’s here…
“Stop crying. Magbihis ka na at ayusin ang mga gamit. Uuwi na tayo,” mabilis na saad niya, at saka tinungo ang kama para kunin ang cellphone niya. Sakto namang tumatawag si Detective Hanson, kaya mabilis niya itong sinagot habang mabilis na ibinabalik sa bag ang mga gamit nila.
“Umalis na kayo ngayon din diyan! Bigla akong nawalan ng contact sa mga tao kong nakabantay sa inyo. Bilisan n’yo! Sasalubungin namin kayo,” parang natatarantang bungad nito sa kaniya, dahilan para lalo siyang makaramdam ng kaba. Baka may nangyari nang hindi maganda sa mga nakabantay sa kanila.
“Nakita ni Andy si Ivy. Paalis na kami ngayon dito,” kinakabahang sagot niya.
“Sinasabi ko na nga ba. Tsk! Sige mag-iingat kayo. Tumawag ka agad kapag nagkaproblema.”
“Thank you, Detective.” Binaba niya ang cellphone niya, at saka mabilis na binitbit ang mga bag nila at nilingon ang bihis nang si Andy na kalalabas lang ng banyo.
Hindi na ito umiiyak at kunot noo nang nakatingin sa kaniya. Kaya mabilis niya na itong nilapitan at hinawakan sa kamay.
“Let’s go.” At saka niya na ito hinila palabas.
Pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa ginagawa nilang pagtakbo, pero hindi na nila ito pinansin. Mabilis nilang isinauli ang susi ng room nila, at saka na sila nagmamadaling dumeretso sa parking lot.
“Pati ’yong mga bodyguards ko nawawala,” saad ni Andy habang nakatingin sa sasakyan ng kasama nilang bodyguard ng dalaga.
“Papunta na sila Detective. Kailangan na nating umalis dito. Tara na,” sagot niya, at saka na ito pinagbuksan ng pinto ng kotse.
Habang nagmamaneho, muling tumawag si Detective Hanson. Ni-loudspeaker niya ito para marinig din ng dalaga ang pag-uusapan nila.
“Detective,” bungad niya rito.
“Na-contact ko na ang isa sa mga tao kong nakabantay sa inyo. May bigla raw umatake sa kaniya. Sobrang bilis daw, ni hindi raw niya nakita ang itsura ng umatake sa kaniya. Hindi ko pa ma-contact ’yong iba.”
“Pa’no sila nagawang atakihin ng isang babae sa isang public place? Ang daming tao sa resort, pa’nong nangyaring walang nakapansin?”
“Gano’n kagaling ang babaeng ’yon. At saka malamang kasama niya si Attorney Henry.”
Nilingon niya si Andy na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Muling sumagi sa isip niya ang dahilan ng pag-alis nito kanina. Duda siyang hindi talaga restroom ang dahilan ng pag-alis nito.
“Tell me the truth, Andy. Hindi talaga restroom ang dahilan ng pag-alis mo kanina, tama? You saw Ivy at tinangka mo siyang lapitan?” seryoso niyang saad dito.
“No, I mean, ang totoo hindi talaga ako sigurado kung siya ba talaga ang nakita ko. Sa picture ko lang siya nakita kaya gusto ko lang namang makasigurado kung siya ba talaga ’yon, pero pagdating ko sa lugar kung sa’n ko siya nakita, wala na siya do’n, kaya naisip ko na baka namamalikmata lang ako. Pero nang balikan kita sa pool wala ka na, kaya natakot ako na baka kinuha ka na niya sa’kin,” nakatungong sagot nito habang pinaglalaruan ang laylayan ng suot nitong t-shirt.
“Pero sana sinabi mo sa’kin. What if ikaw ang kinuha niya? Alam mo ang ginagawa niya sa mga babaeng konektado sa’kin! Pa’no kung ikaw ang kinuha niya sa’kin? Sa tingin mo ano ang mararamdaman ko kapag may nangyaring masama sa’yo? Hindi ko kakayanin, Andy! Hindi ko kakayanin.” Hindi niya napigilan ang sariling magtaas ng boses. Parang dinadagundong sa kaba ang dibdib niya. Isipin niya pa lang na nakuha ni Ivy si Andy, pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa takot. Hindi niya kayang may mangyaring masama rito.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Tajemnica / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...