CHAPTER 26
Andy(Kasabayan ’to ng chapter 25. No’ng bumalik si Dr. Sigmund sa bahay niya, sa ospital naman ng Crimson Wood nagtungo si Detective Hanson para bisitahin si Andy.)
SAPAT na siguro ang anim na araw na pagpapahinga, puwede naman na siguro niyang makausap ngayon ang dalagang anak ng alkalde.
Nabalitaan niyang puwede na itong iuwi bukas dahil medyo naghilom na ang ilan sa mga sugat nito, kaya gusto niya nang makausap ito ngayon, dahil baka kapag nakauwi na ito, mas mawalan siya ng tiyansang makausap ito.
Hindi nakikipagtulungan ang alkalde sa kanila, sinabi pa nga nito sa kaniya na bahala na sila at huwag na raw idamay ang mga ito, sapat na raw rito na makitang ligtas na ang anak nito.
Nakukuha niya ang point nito na ayaw nang madamay pa sa gulo, pero kahit na ano ang gawin nito, damay at damay na ang mga ito rito. Hindi nila alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak ni Ivy. Ano ba ang pinaplano nito? Ito ang unang beses na may pinatakas itong biktima, iyon ang labis niyang pinagtataka. Bago ito at labis siyang nagdududa sa susunod na gagawin nito.
Imposible talagang patakasin na lang nito ng ganoon na lang si Andy. Sigurado siyang may pinaplano itong gawin.
Naghihinala pa rin siya sa alkalde, pero hindi niya maasikaso dahil masyado siyang tutok sa paghahanap kay Ivy. Mas mahalagang ito ang pagtuunan niya ng panasin, dahil ito ang pinaka mahalagang trabahong hinahawakan niya. Masyado nang maraming buhay ang nawala dahil sa babae, kinakailangan na itong mapigilan.
Kung dederetso siya sa kuwarto ng dalaga, siguradong haharangin siya ng mga bantay nito at hindi hahayaang makapasok. Kaya ang the best na paraan para makapasok sa kuwarto ni Andy Santiago, ay ang mag-disguise bilang isang nurse.
At iisang tao lang ang makatutulong sa kaniya. Mabuti na lang talaga at may kapatid siyang nurse sa ospital na ito.
“Bakit ba palagi na lang ako ang tinatawagan n’yo sa mga disguise-disguise na ’to?!” rinig niyang bulong ng kapatid habang nag-aayos siya sa loob ng isang bakanteng pribadong kuwarto.
Kunot noo niyang nilingon ang kapatid. “Bakit? Bukod ba sa’kin, may iba pang humingi ng tulong sa’yo?” kunot noong tanong niya rito. Pero imbis na sagutin, inirapan lang siya nito.
“Bagay pala sa’kin maging nurse,” nakangising saad niya habang pinapagpag ang suot na puting uniform, dahilan para muling mapairap ang kapatid.
“Oo na. Tara na dahil oras na ng pag-inom ng gamot niya. Siguraduhin mo lang talaga, kuya, na hindi ako madadamay rito, ha. Tss. Pareho kayong sperm ng Kristof na ’yon.
“Ano ’yon?” tanong niya nang hindi niya narinig ang huling sinabi nito habang palabas sila ng kuwarto.
“Wala. Sabi ko mukha kang sperm. Tss.”
Napailing na lamang siya sa sinaad ng nakababatang kapatid.
Gaya ng inaasahan, mabilis lang silang nakapasok dahil sa kapatid niya. Nakasuot siya ng surgical mask dahil siguradong makikilala siya ng mga bantay.
Pagpasok nila sa loob, saktong gising na si Andy, pero mukhang nanghihina pa rin ito dahil sa mga sugat nito, o dahil sa epekto ng gamot na iniinom nito. Naaawa siya sa sinapit nito, kaya sana masagot nito ang mga katanungan niya, at makakalap siya ng lead para mahanap ang kinaroroonan ni Ivy.
“Hi, Andy. It’s time for your medicine.” Parang bigla niyang gustong matawa nang marinig ang malambing na boses ng kapatid. Ngayon lang niya nakitang magtrabaho ang kapatid kaya nakapaninibagong marinig ang lambing sa boses nito.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...