23. Who Are You?

1.2K 36 0
                                    

CHAPTER 23
Who Are You?

THREE DAYS HAD PAST…

Pinili niyang manatili sa bahay ng kaibigan niyang si Kristof. Wala muna siyang balak umuwi sa Harmony Bridge dahil siguradong hindi siya titigilan ng detective. Kahapon lang ay tumawag ito sa kaibigan niya at nagtatanong patungkol sa kaniya.

Sa ngayon pinuputol niya na muna ang komunikasyon sa detective, dahil maaaring makasira lang ito sa iniisip niyang plano. Handa niyang isugal ang sarili para rito. Para sa ikabubuti ng lahat, sisikapin niyang pagtagumpayan ang planong naisip.

He is a psychiatrist, and Ivy is an unstable patient. Sa lahat, ang isang katulad niya ang makatutulong kay Ivy.

Maybe Ivy’s obsession with him is an angel in disguise for them to get closer and for him to help Ivy with her illness.

Ang kailangan niyang gawin ay ang mapalapit kay Ivy at tulungan ito sa sakit nito, dahil naniniwala siyang nagagawa lamang ni Ivy ang mga krimen nito dahil wala itong kontrol sa sakit nito.

Alam niyang mahirap gamutin ang mga taong may malalang sintomas na ng ASPD, pero para saan pa ang mga pinag-aralan niya kung hindi niya susubukan?

At kung talagang totoo ang nararamdaman nito para sa kaniya, maaari niya itong magamit para subukang control-in ang emosyon ng babae. Alam niyang masama ang balak niya, pero kung iyon lang ang paraan para mapasunod ang babae, gagawin niya, para sa ikabubuti ng lahat.

“Wala ka ba talagang balak dalawin si Andy? Ang balita ko, nagising na siya,” saad ni Kristof habang kasalukuyan silang kumakain ng agahan.

He smiled weakly. “Mabuti naman,” tanging nasagot niya, bago kumagat sa pinalamanan niyang toasted bread.

Malala ang naging pinsala sa katawan ng dalaga, kaya siguro inabot pa ng tatlong araw bago ito nagising. Pero masaya na siya sa balitang iyon. At least ngayon ay panatag na siya sa kalagayan ng dalaga. Siguradong bantay sarado na ito ng alkalde, kaya wala na siyang dapat alalahanin.

I’m sorry, Andy. I hope you’ll understand my decision. Para sa’yo rin ang gagawin kong ’to.

“Hindi mo manlang ba talaga siya pupuntahan? Nandiyan lang siya sa Crimson Wood Hospital,” muli ay saad ng kaibigan, pero muli niya lang itong binigyan ng isang tipid na ngiti.

“For what? Sinabi ko na sa’yo ang plano ko. Ito lang ang pinaka magandang paraan na naisip ko para maibalik sa asylum si Ivy. Kapag nakita ako ni Detective Hanson, siguradong mangingialam siya, at siguradong tatakas lang si Ivy ’pag nagkataon. Masisira ang plano ko,” sagot niya.

“I understand you, bro. But… are you really sure about your plan? Delikado ang iniisip mo. Kayang-kaya kang patayin ni Ivy kapag nalaman niya ang plano mo.” Bakas na bakas ang pag-aalinlangan at pag-aalala sa boses ng kaibigan niya, at naiintindihan niya ang punto nito.

“I know. Pero gawin ko man o hindi ang plano ko, delikado pa rin ako. I can’t return her feelings, at alam kong papatayin niya rin ako kapag hindi ko napunan ang obsession niya. So why not use her feelings before she gets me slain?”

Napabuntong-hininga na lamang ang kaibingan niya at marahang napailing. “Okay, okay. Just be always vigilant. I’m always at your back.”

Napangiti siya sa isinaad ng kaibigan. Alam niyang naiintindihan talaga siya nito. Bukod sa matagal na silang magkaibigan at halos parehas palagi ang takbo ng mga utak nila when it comes to serious matter, they are both psychiatrist, kaya alam niyang sang-ayon ito sa plano niya, sadyang nag-aalala lamang ito para sa kaniya.

Psychopath ang kahaharapin niya. Aaminin niyang hindi pa siya nakahahawak ng case na katulad ng sa babae, pero napag-aralan niya na ang ’tungkol dito. Hence, he knows he can handle it.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon