4. Her First Victim In Harmony

3.1K 54 0
                                    

CHAPTER 4
Her First Victim In Harmony

PALABAS na sila ng chinese restaurant na kinainan nila nang may makasalubong silang isang magandang babae.

“Dr. Sigmund,” bati sa kaniya ng babae, at saka humalik sa pisngi niya. Tinangka niyang umiwas pero naabot pa rin ng labi ng babae ang pisngi niya.

Kilala niya ang babaeng ito, isa ito sa mga naging pasyente niya na nag-suffer ng amaxophobia. Pero isa na rin ito sa mga problema niya ngayon, dahil naging isa na rin ito sa mga babaeng naghahabol sa kaniya.

Naalala niya noon na araw-araw pa itong pumupunta sa clinic niya para dalhan siya ng kung ano-ano’ng regalo, kahit pa ilang beses niya na itong ni-re-reject. Mabuti nga ngayon at hindi na masyado dahil na-busy na sa career nito bilang isang modelo.

“It’s been a while, Doc. I’m really sorry I didn’t get a chance to visit you. Masyado lang talaga akong naging busy,” nakangiti nitong saad, at saka bumaling sa kasama niya. “Aww, you’re so cute,” kapagkuwan ay nakangiti nitong saad sa nakasimangot na si Andy, bago muling bumaling sa kaniya. “Is she your sister?”

“I’m not his sister! I’m his---”

“She’s Andy. Youngest child of Mayor Santiago,” putol niya sa balak sabihin ng dalaga, dahilan para mas lalo itong mapasimangot at matalim na tumingin sa kaharap nila.

“Oh, my God. Ikaw na ba si Andy? Dalaga ka na, ha. But you’re still cute. By the way, Honey, I’m Megan.” Saka nito inilahad ang kamay sa harap ng nakasimangot na dalaga.

“I don’t fuckin’ care about your fuckin’ name. Will you please leave us alone? And as you can see, we’re on a date. Get the hell out of our sight!”

Gulat na gulat silang dalawa dahil sa ibinulalas ni Andy. Bakas na bakas ang inis sa mukha nito at napakasama ng tingin kay Megan.

Halos mapanganga silang dalawa habang nakatingin sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na narinig niya ang mga salitang iyon sa sweet looking girl na nasa harapan niya ngayon, lalo pa at kilalang mabait na bata at totoong sweet sa lahat ang babaeng anak ng mayor.

Maaaring mabago ang behavior ng isang tao habang dumadagdag ang edad nito. Dahil siguro hindi ito lumaki kasama ang mga magulang nito. Marahan na lamang siyang napailing sa naisip.

“D-date?” dinig niyang utal na usal ni Megan.

“I’m so sorry for her behavior, Megan. I hope you understand,” hinging paumanhin niya rito, dahilan para muling ngumiti ang babae, pero bakas pa rin ang gulat sa mukha.

“Y-yeah, of course. I understand.”

“You bitch---”

“We have to go. It’s really nice to see you again, Megan,” putol niya ulit sa katabing dalaga, at saka na ito hinawakan sa braso at marahang hinila para tuluyan na silang makaalis. Nakita niyang lumingon pa si Andy sa puwesto ni Megan habang masama pa rin ang tingin sa babae, kaya muli ay marahan na lamang siyang napailing.

I need to talk to Mayor Santiago about his daughter’s behavior.

~*~

“WHAT movie would you prefer?” masiglang tanong sa kaniya ng dalaga. “Horror, Romance, Action, or Comedy?” kapagkuwan ay dugtong nito.

“You choose,” maikling sagot niya. Sa totoo lang ay sa tinagal-tagal niyang nabubuhay sa mundong ito, ngayon lamang niya magagawang makanood sa loob ng sinehan, dahil simula pagkabata ay hindi niya ito binibigyan ng panahon, ginugol lamang niya ang buong atensiyon sa pag-aaral, at ngayon naman ay sa trabaho niya.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon