61. She's Mad

785 16 0
                                    

“I’m home, Baby

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I’m home, Baby.”

Sobrang lakas at bilis ng kabog ng dibdib niya habang dahan-dahan siyang tumatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig, deretso ang tingin niya sa asawa na walang emosyon rin namang nakatingin ng deretso sa kanya.

This is not good. He’s very sure, his wife is mad.

“B-Baby, I’ll explain,” kabadong saad niya habang dahan-dahang naglalakad palapit rito, pero hindi ito tumugon, nanatili itong deretsong nakatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang emosyon nito, pero sigurado siyang galit ito ngayon dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng mga kamao nito.

Nang tuluyan niya nang marating ang harapan nito, gamit ang nanginginig niyang mga kamay, marahan niya itong hinawakan sa pisngi habang mabagal siyang umiiling.

“That… I didn’t wanted it, Baby, she forced me, Ivy, please believe me, please, Baby, believe me.” Pati boses niya ay nanginginig na rin dahil sa takot na nararamdaman niya.

At lalo siyang nakaramdam ng kaba nang walang buhay na ngumisi ang asawa niya.

“I know, Baby, I know,” nakangising usal nito, saka inilipat ang paningin sa taong nasa likod niya. Si Abbygail na ngayo’y makikitaan na ng takot pero pilit pa ring tinatago at matapang ring tinignan pabalik ang asawa niya.

Kitang-kita niya ang pagtalim ng mga mata ni Ivy, at ang mas lalong pagkuyom ng mga kamao nito.

“But I’m still mad, Baby, very-very mad,” mahinahon pero may diing dugtong nito habang na kay Abbygail pa rin ang matalim na tingin. “Who is this valorous woman to touch and kiss you? How dare she?!” mariing sigaw nito sa huling linya, kaya hinawakan niya ang dalawang kamao nitong mariing nakakuyom para subukan itong pakalmahin.

Ayaw niyang may magawa itong hindi maganda dahil sa galit na nararamdaman nito ngayon. Nagiging maayos na ito ngayon, ayaw niya nang bumalik ito sa dati nang dahil lang dito sa pagkakamali niya. Sana pala umpisa pa lamang ay sinabi niya na sa asawa niya ang tungkol kay Abbygail, sana kinumbinsi niya na lamang ito na umalis dito sa Callen Hill at naghanap ng panibagong lungsod na mapagtataguan, hindi na sana umabot pa sa sitwasyong ito. Mas lalo niya lang pinalala ang lahat.

“Please, Baby, calm down, pag-usapan muna natin ‘to huh, don’t let your anger seize you.”

Pero sa halip na makinig sa kanya’y isinarado nito ang pinto, narinig niya ang pagtunog ng lock bago siya nito tinabig sa tabi’t mabagal na naglakad palapit sa kinaroroonan ni Abbygail, dahilan para lalo siyang makaramdam ng kaba, hindi para kay Abbygail, kun’di sa maaaring gawin ni Ivy.

“Baby, please calm down,” muling saad niya, pero hindi siya nito pinansin, nagpatuloy ito sa mabagal na paglalakad palapit kay Abbygail na patuloy pa rin sa pagtatapang-tapangan at nanatili lang rin ang paningin kay Ivy.

Huminto sa paglalakad si Ivy sa harapan mismo ni Abbygail, matalim pa rin ang mga mata’t walang buhay na nakangisi.

“Kung inaakala mo na matatakot mo ‘ko sa talim ng tingin mo, nagkakamali ka, wala akong pakialam kahit na mamamatay tao ka pa, hindi ako natatakot sa ‘yo,” walang kautal-utal na saad ni Abbygail sa asawa niya, pero alam niyang sa loob-loob nito’y nanginginig na rin ito dahil sa madilim na presensiya ni Ivy na kahit sino’y mangangatog sa takot. Hindi katatakutan ang asawa niya sa wala.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon