40. She Killed Him

1K 26 0
                                    

CHAPTER 40

She Killed Him

NANG matapos silang makapag-order, nagpaalam siya kay Ivy na magtutungo siya sa banyo dahil nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Pero nang pabalik na siya sa table nila, nakita niyang may iba nang nakaupo sa upuan niya.

Nangunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalake. Isa ito sa mga lalakeng sunod nang sunod sa kanila. Inilibot niya ang paningin. At hindi nga siya nagkamali, dahil hindi nalalayo sa table nila, naroon ang mga kasama nito at nakatingin kay Ivy at sa lalakeng kasamahan ng mga ito.

Ngiting-ngiti pa ang lalake habang may kung ano ang sinasabi kay Ivy na blangko naman ang ekspresiyon sa mukha. Good job, baby. Make him feel that he’s nothing. Napangiti siya dahil sa pagpapakita ng walang interes ng baby niya.

Mabilis na siyang lumapit sa mga ito nang biglang mandilim ang mukha ni Ivy na parang may hindi nagustuhan sa sinabi ng binata. Hindi nito kilala ang babaeng  pinagkakainteresan. Baka kung ano ang magawa ni Ivy rito kapag na-bad trip ito.

“Excuse me?” nakangiting tawag pansin niya sa lalake. Napansin niya pa ang pagtingin nito sa kaniya mula ulo hanggang paa, bago pumeke ng ngiti sa kaniya at tumayo.

“It’s nice talking with you, Miss. Let’s see each other again next time,” nakangising saad nito na kay Ivy nakatingin, bago siya lagpasan at bumalik sa mga kasama nito. Nakita niya pa ang pagtatawanan ng mga ito. Kaya napailing na lamang siya at naupo na sa harapan ni Ivy.

“Are you okay?” tanong niya rito nang makitang ang dilim pa rin ng mukha nito. Ano kaya ang sinabi ng binata para maging ganito kadilim ang mukha ng kaharap? Mukhang hindi ito maganda.

“Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng batang ’yon. Ang sarap putulin,” seryosong saad ni Ivy habang may nakapaskil na nakapangingilabot na ngisi sa labi, dahilan para medyo makaramdam siya ng kilabot. Mukhang may hindi magandang mangyayari.

“Hayaan mo na lang. Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon,” saad niya na lamang. Ayaw niya nang may gawin na naman itong hindi maganda.

Medyo nakahinga siya nang maluwag nang alisin nito ang nakapangingilabot na ngisi nito at matamis na ngumiti sa kaniya.

“Let’s eat?” pag-aanyaya na nito na nilagyan siya ng rice sa pinggan niya. Kaya tipid ang ngiting tumango siya rito at hinayaan itong asikasuhin siya na parang tunay na talaga silang mag-asawa.

~*~

“IHINTO mo muna riyan sa convenience store. Wala tayong stock ng ice cream sa fridge,” biglang saad ni Ivy nang may makita itong madadaanang convenience store.

Alas-siyete na ng gabi nang maisipan nilang umuwi. Nag-take out na lamang sila ng dinner para hindi na sila magluluto pagdating sa bahay. Masyado silang nag-enjoy sa pamamasyal at pagsakay sa mga rides, kaya hindi na nila namalayan ang oras. Natutuwa naman siya dahil nakita niyang talagang nag-enjoy si Ivy, at iyon ang mahalaga. Malaking tulong ito sa kondisyon nito.

“’Wag ka nang bumaba. Ako na lang ang bibili,” saad niya nang ma-i-park ang sasakyan sa tapat ng store.

“Okay. I want strawberry, rocky-road, cookies & cream, dark chocolate, and ube ice cream,” sagot nito na sumandal sa upuan nito at ipinatong pa ang paa sa dash board.

“Noted,” nakangiting sagot niya at hinalikan muna ito sa pisngi bago lumabas ng kotse at pumasok sa store.

Dumeretso siya agad sa freezer kung saan naroon ang mga ice cream. Limang galon ang kinuha niya na may tig-i-isang flavor ng mga binanggit ni Ivy.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon