CHAPTER 31
DisappointedNAPAHIGPIT ang pagkakakuyom ng mga kamao ng alkalde habang tinitignan ang dalawang mukha ng anak. Bakit wala siyang makitang pagkakaiba? Imposibleng wala. Ngayon niya lang na-realize na hindi niya pala talaga ganoon kakilala ang sariling anak.
Pinadala niya ito sa states dahil alam niyang mas magiging maganda ang kinabukasan ng anak doon, kahit pa malalayo ito sa kaniya. Lumaki itong wala siya sa tabi nito. Hindi niya nasubaybayan ang pagdadalaga nito. Kaya heto siya ngayon at nahihirapang kilalanin ang sariling anak.
Tumalim ang mga tingin niya at tinignan ang kabuuan ng nasa kanan.
“Hhmmmggrr!!!” hagulgol nito habang umiiling sa kaniya at nagpupumiglas sa pagkakagapos ng mga kamay nito sa likod.
“Hhhmmmmggrr!!!”
Inilipat niya ang paningin sa kaliwa, at ganoon din dito. Humahagulgol din ito habang umiiling sa kaniya.
Imposibleng walang pagkakaiba, siguradong mayroon. Mukha lang ng anak niya ang ginaya ng walang hiyang babae, kaya alam niyang mayroon, at kailangan niya itong makita.
Lalapitan niya sana ang dalawa nang makarinig siya ng kasa ng baril. At nang tignan niya ang kinaroroonan ni Henry, nakita niyang nakatutok na sa kaniya ang hawak nitong baril.
“Hindi mo sila puwedeng lapitan hangga’t wala kang napipili,” nakangising saad ng lalake. Napatiim bagang siya at muling mahigpit na naikuyom ang mga kamao. Tuso talaga ang mga ito!
Alam niyang wala siyang panalo rito, pero wala naman siyang magagawa. Kung hindi siya susunod, papatayin silang dalawa ng anak niya ng mga ito. At kung sakaling makikilala man niya ang anak niya, siguradong hindi rin papayag si Ivy na magpatalo at hayaan siyang patayin ito. Siguradong papatayin din silang dalawa ng anak niya ng mga ito sa huli.
Hindi siya makapaniwala sa kabaliwan ng dalaga. Gumawa ito ng laro na siguradong ito naman ang panalo. Pero laro ba talagang matatawag ito? For him, this is bullshit! Death game, huh? And of course the death will be for them. Ano ba ang laban niya sa dalawang hayop ngayon? Ang tanging dala niyang panlaban ay ang hawak niyang balisong na kay Ivy pa mismo nanggaling.
Pero wala naman nang mawawala kung susubok siyang lumaban, para sa anak niya.
Ibinalik niya ang paningin sa Andy na nasa kanan. Pinakatitigan niya ito hanggang sa may mapansin siya.
Got you, bitch!
Pinakatitigan niya ang leeg nito. May nakita siyang maliit pero maitim na nunal sa may gitnang lalamunan nito. Bakit hindi niya ito napansin umpisa pa lang?
Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nunal ang anak niya sa leeg!
“Akala ko matalino ka, Ivy. Hahanga na sana ako. Pero mukhang may nakaligtaan ka,” nakangising saad niya, at saka matalim na tinignan ang dalagang nasa kanan.
“Hhhmmmggrr!” ungol nito habang umiiling sa kaniya. Punong-puno ng luha ang mukha nito at malakas na humahagulgol. Napakagaling talagang umarte. Hindi na siya magtataka kung bakit nagawa siya nitong linlangin.
“Magaling ka pero hindi mo na ’ko maloloko ngayon. Gayang-gaya mo na sana ang anak ko, e. Pero sana pinatanggal mo na rin ’yang nunal sa lalamunan mo.” Tinignan niya si Henry na masama na ang mukha, dahilan para lalo siyang mapangisi.
“I got a choice. And as have you said, I picked wisely,” nakangising saad niya rito. Matalim siyang tinignan ng lalake at ngumisi rin sa kaniya, pero hindi iyong ngisi na nakaloloko, kundi ang ngisi na nagbibigay ng panganib, dahilan para mas makaramdam siya ng kaba. Pero kailangan niyang maging matatag para sa anak.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...