Hindi alintana ang panginginig dahil sa namumuong takot, mabilis niyang sinundan ang mga bakas ng dugo, hanggang sa mapadpad siya sa pinto palabas ng bahay, du’n naputol ang bakas kaya inilibot niya ang paningin sa paligid at wala sa sariling isinigaw ang pangalan ng dalawang taong pinahahalagahan.
“Ivy! Kristof! Na sa’n kayo?!”
Tuluyan na sana siyang lalabas nang mapahinto dahil sa nakitang isang papel na may mga mantiya ng dugo na nakadikit sa may pinto; may nakasulat rito gamit ang isang itim na tinta.
'The mad lady suggested the game
The mad lady you belief you have tame
You let her win her madness
So now, face the deadly consequences.
Go where did started the game.'
“Jesus…” tanging na-i-usal niya matapos mabasa ang nakasulat, saka mabilis na tumakbo patungo sa dalampasigan kung sa’n nila iniwan ang mga jet ski.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, pakiramdam niya’y masusuka na siya sa sobrang kabang nararamdaman niya. Hindi ito puwedeng mangyare, nagtiwala siya kay Ivy dahil mahal niya ito!
Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kaibigan niya; kasalanan niya ang lahat ng ito!
Nang makarating sa lokasyon ng mga jet ski, mabilis niyang nakita ang isa nanamang puting papel na may mantiya rin ng dugo, kaya mabilis niya itong kinuha at binasa.
‘Sorry, Baby, game is a game, punishment is a punishment, and madness is a madness. Always remember that I love you, please follow my heart. 🖤’
At saka niya lang napansin ang mga nagkalat na itim na puso sa kinatatayuan niya; mga maliliit na hugis puso na ginupit sa itim na colored paper. Mula sa kinatatayuan niya’y nagkalat ang mga ito putungo at papasok sa kakahuyan.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa’t binuksan ang flashlight nito, saka niya na mabilis na sinundan ang mga maliliit na puso.
Madilim at tahimik ang paligid, at tanging kaluskos lamang ng mga dahon at tunog ng mga kuliglig ang tanging namumutawi sa kanyang pandinig. ‘Déjà vu…’ Hindi niya pinansin ang kabang nararamdaman sa maaaring matuklasan sa dulo ng mga pusong itim na kanyang sinusundan; paulit-ulit siyang nananalangin sa panginoon na sana’y mali ang tumatakbo sa kanyang isipan, dahil pilit siyang nagtitiwala kay Ivy, at pinanghahawakan niya ang pangako nito sa kanya.
Patuloy niyang sinundan ang mga nagkalat na maliliit na itim na puso, hindi niya alam kung ilang minuto na ba siyang naglalakad sa madilim na kakahuyan, pero hindi niya na ito alintana pa, hanggang sa mapahinto siya dahil sa may naapakan siyang malambot na lupa.
Maraming salamat sa katamtamang sinag ng buwan kaya naaanig niya pa ang paligid, dagdag tulong sa liwanag na nagmumula sa flashlight ng kaniyang cellphone.
Ibinaba niya ang paningin sa inaapakang lupa, at parang gustong malaglag ng kanyang puso nang makita ang inaapakan; parang itong isang malaking hukay na kakatabon lang ng lupa. Hindi niya na nagugustuhan ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon, pero pinipilit niya pa ring itanggi sa sarili ang ideyang pumapasok sa kanyang isipan, dahil alam niyang hindi na magagawang saktan ni Ivy ang nag-iisang kaibigan.
He trust her cuz he loves her, kahit na nagkakaro’n na siya ng pagdududa dahil sa nangyayari ngayon, pinipilit niya pa rin ang sariling magtiwala. Masaya palang silang tatlo kanina, at magkasundo na si Ivy at Kristof, kaya imposible ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon, imposibleng pinatay ni Ivy at inilibing sa bagong tabon na lupang ito ang nag-iisa niyang kaibigan.
May nakita siyang isang pala na nakasandal sa malapit na puno, kaya naman para mapatunayang mali ang kanyang iniisip, mabilis niya itong kinuha at mabilis na naghukay.
Naghukay siya nang naghukay, hanggang sa tumambad na sa kanya ang isang itim na kabaong. Pinilit niya ang sariling ‘wag matumba dahil sa panghihina.
‘Please, God, I’m begging you; please this is not Kristof, please hindi siya ang laman ng kabaong ‘to!’
Paulit-ulit siyang umuusal ng dasal sa kanyang isipan habang gamit ang nanginginig na mga kamay ay lakas loob niyang hinawakan ang takip ng kabaong at dahan-dahan itong inangat dahilan para tumambad na sa kanya ang loob nito.
Pabagsak siyang napaupo sa maruming lupa at tuluyan nang nagsipaglaglagan ang mga luhang kanina pa nakaipon sa kanyang mga mata nang makita na ang loob nito.
Hindi niya na napigilan pa ang maiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ngayon.
Hindi niya akalain na ganitong parusa ang ibibigay sa kanya ng babae.
Gamit ang siko’y pinunasan niya ang mga luha sa kanyang muka, at saka na tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at kinuha ang isang itim na velvet box na siyang tanging laman ng kabaong, saka niya kinuha ang note na nakadikit dito’t binasa.
‘Your punishment is not yet done, Baby, don’t open the box, continue following my heart. 🖤’
Ang kabang nararamdaman niya kanina dahil sa takot ay tila’y napalitan ng ibang klase ng kaba; hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon, dahil iba na ang tumatakbo sa kanyang isipan dahil sa hawak na kahon.
Mahigpit niya itong hinawakan, at dali-dali nang sinunod ang nakasaad sa note.
Patuloy siyang naglakad, pilit na hindi inaalintana ang halo-halong emosyong nararamdaman, hanggang sa kusa nalang siyang huminto dahil napatid na rin ang mga sinusundan niyang mga puso.
Malalim siyang bumuntong hininga’t pinakatitigan ang babaeng ngayo’y malawak ang pagkakangisi sa kanya.
“Ivy…” ang tanging usal niya, saka tipid na ngumiti rito, tinapunan niya ng tingin ang paligid. Maliwanag dahil sa mga Christmas lights na nakalagay sa mga puno, at dahil sa apat na poste ng ilaw na pinagigitnaan ang isang puno, sa ilalim ng punong ‘yun ay may nakalatag na mantle na may mga pagkain, at sa likuran ng babae ay nakikita niya ang isang lake. Binalik niya ang paningin kay Ivy na nananatiling nakangisi sa kanya. Sobra siyang nakahinga ng maluwag; sinasabi niya na nga ba’t hindi siya magagawang biguin ni Ivy, hinding-hindi nito magagawang sirain ang tiwala niya para dito.
“You look exhausted, Baby, did I tire you real hard?” matamis na ang ngiting tanong nito sa kanya, saka marahang naglakad palapit sa kanya.
“I’m really happy that I was wrong, but what is this, Ivy? Your punishment is to scare me to death?” Muli ay may tumulong luha mula sa mga mata niya; sobra-sobrang takot ang naramdaman niya kanina, hindi niya na alam kung paano pa mag-re-react ng tama sa harapan ng babae.
May matamis pa ring ngiti sa labi na hinawakan siya sa muka ni Ivy, saka marahang pinunasan ang mga luha niya sa muka. “I’m sorry for that, Baby, I’m such a sadist, but that’s only part of your punishment, we’re not yet done.” Natigilan siyang dahil sa sinabi nito, saka inilahad rito ang hawak niyang itim na kahon.
“Tapusin mo na ang punishment ko, ano’ng laman ng kahong ‘to?” tanong niya rito.
Ivy smiled sweetly. “Open it,” mahinahong sagot nito, kaya naman ay dali-dali niya na itong sinunod.
Inaasahan niya nang ito ang lamang ng kahon, pero hindi niya pa rin mapigilan ang mapakagat sa pang-ibabang labi dahil sa emosyong nararamdaman ngayon, saka niya emosyonal na ibinalik ang paningin kay Ivy. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari, at hindi siya makapaniwala na sa kanilang dalawa ay si Ivy pa ang gagawa nito.
“Dr. Sigmund Legaspi, my baby, because you lost at our game, I punish you to stay at my side forever. You are forbidden to leave this mad lady whatever or whoever she is, you will escort her in every trial she might face, you must love her more than anything, and you are required to marry her for real whether you like it or you love it,” lintaya nito, saka kinuha ang isa sa dalawang singsing, at saka kinuha ang isa niyang kamay at dahan-dahang isinuot sa ring finger niya katabi ng una nitong binigay na singsing.
Naiiling na lamang siya sa nangyayari, pero nag-uumapaw ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon. Totoo nga’ng bumaliktad na ang mundo. Sino’ng may sabing hindi puwedeng mag-propose ang mga babae? And his baby is real unique and extremely especial.
“This ring is a sign of my infinite love for you; you have no choice but I still want to ask you.” Emosyonal siya nitong tinignan ng deretso sa mga mata. “Will you allow me to possess you forever? Will you marry me, Dr. Sigmund?”
Sa halip na sagutin ito, kinuha niya ang natitirang singsing sa kahon at isinuot naman ito sa ring finger ng babae, katabi rin ng una nilang couple ring, saka rin ito emosyonal na tinignan ng deretso sa mga mata.
“I love you in infinity and beyond, Ivy, I will marry you kahit ngayon na mismo, I promise to not leave your side whatever trial might come, I promise to love you more than anything, and I promise to not give you a chance to regret that you loved me, I will show you that I’ll be the best husband in the world, I love you so so much, Baby, mahal na mahal kita.”
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Ivy matapos marinig ang nilintaya niya, kaya hindi niya na ito hinintay pang makatugon, dahil mabilis niya nang sinakop ang mga labi nito na mabilis rin naman nitong tinugunan.
They shared a sweet passionate kiss under the moon and stars.
***
Kapwa silang nakatingin sa mga bituin sa langit, walang mga saplot na nakahiga sa mantle. Nakaunan si Ivy sa hubad niyang dibdib habang nilalaro ang isang kamay niya kung sa’n naruon ang singsing na binigay nito.
“9;19, ano ang ibig sabihin nu’n?” maya-maya’y tanong niya. ‘Yun kasi ang nakita niyang nakaukit sa mga singsing nila.
Hindi ito tumingala sa kanya, sa halip ay marahan nitong hinalikan ang kamay niya, sa parte kung sa’n naruon ang singsing.
“Number 9 ang bilang ng first letter ng name ko sa alphabet, at number 19 naman ang sa ‘yo,” simpleng sagot nito.
“What about the semicolon?” muli ay tanong niya. Dumapa ito sa dibdib niya para magkaharap silang dalawa.
“Semicolon, ginagamit ng mga manunulat to end their sentence but chose not to; it is use to link two independent clauses that are closely related.” Umayos ito sa pagkakadapa sa dibdib niya, saka nakangiting tumitig ng deretso sa mga mata niya. “What I mean is, I’m using this as a symbol and as a reminder for me to continue my life, you know, before I always thinking ending my hellish life, but then choosing not to, parang ginagamit ko ang punctuation na ‘to sa buhay ko; I always tired of my life, but I’ll just stop and rest, and then continue.” Matamis itong ngumiti sa kanya’t marahang hinaplos ang muka niya.
“I’m also using this punctuation for us, for our relationship; there’s a hardest trial we might encounter, at maaari tayong mapagod, ‘yung tipong gugustuhin na nating sumuko at tuldukan nalang ang lahat, but I don’t want that to happen, kaya if ever na dumating na ang pinakamahirap na pagsubok para sa ating dalawa, just look at your ring, read our symbol, and we can stop and rest, then we will still continue our love story.”
Her words warm his heart, hindi niya inaasahang magiging ganito kalalim si Ivy, marami pa talaga siyang dapat malaman tungkol sa babae.
“I will stay with you kahit na pagod na pagod na ‘ko, kahit na ano’ng problema pa ang dumating sa buhay natin, kahit gaano pa ‘yan kahirap, hinding-hindi nu’n matutuldukan ang love story natin,” seryosong saad niya rito, saka niya inabot ang nuo nito para lapatan ng isang halik.
“I love you, Baby,” malambing nitong saad sa kanya.
“I love you more, my baby, my future legal Mrs. Legaspi,” malambing niya ring tugon rito, dahilan para matamis itong mapangiti at mahigpit na yumakap sa kanya, kaya ganu’n rin ang ginawa niya’t muling tumitig sa madilim na kalangitan.
Hinding-hindi siya magsi-sising minahal niya ang babaeng ‘to.TBC
NOTE: I just wanna say na madalas tamad akong mag-proofread, unedited ang istoryang 'to, so bare with me hehe, but still hope you enjoy reading this. 😁
Thank you so much for supporting this story. Love you all! 💞
Please do VOTE and COMMENT. 😉
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...