\\Special Chapter//
“Baby, we're going now,” may kalakasang sambit niya habang isinusuot sa limang taong gulang na anak ang school bag nito; grade one na ito, at siya ang nakatoka sa paghahatid dito sa school dahil nadadaanan lang naman ang school nito patungo sa clinic niya.
Lumabas mula sa kusina si Ivy habang nagpupunas ng kamay sa hawak nitong hand towel; katatapos lamang nitong maghugas ng mga pinagkainan nila.
“Take care, okay? Hahatiran ko nalang kayo ng lunch niyo,” nakangiting saad nito na humalik sa kanilang dalawa ng anak.
“Mag-iingat ka rin, aalis na kami,” sagot niya, saka ito muling dinampian ng halik sa labi. “Let's go, Ize, we don't want to be late, don't we?” kapagkuwan ay nakangiting baling niya sa anak.
“I don't want,” matipid na sagot nito, kaya nginitian niya na lamang ito't tuluyan nang nagpaalam sa ina nito.
Malayo sa kabihasnan ang bahay nila, ni wala nga silang kapit-bahay, kaya naman kalahating oras ang biyahe sakay ng kotse niya bago sila makarating sa bayan kung sa'n naroon ang iskuwelahan ng anak niya at ang maliit na clinic na itinayo niya.
Balik pa rin siya sa pagiging psychiatrist niya, samantalang si Ivy ay pinanindigan ang pagiging house wife, nawili na rin ito sa pagtatanim kaya naman iyon ang pinagkakaabalahan nito sa tuwing naiiwan itong mag-isa sa bahay, pero minsan ay tinutulungan rin naman siya nito sa clinic, lalo na kapag hindi nakakapasok ang assistant niyang si Rosheila na isang BS Psychology student na nag-pa-part time job sa kaniya.
“Bye, Papa,” paalam sa kaniya ng anak, bago ito pumasok sa loob ng classroom nito. Nginitian at tinanguan niya lang ang teacher nito, bago na naglakad pabalik sa sasakyan niya't tinahak naman ang daan patungo sa maliit niyang clinic.
Tinupad ni Ivy ang pinangako nito sa kaniya; nagkaroon nga sila ng maganda at tahimik na buhay dito sa Magalay Province, bumili ito ng isang malaking lupa malayo sa bayan, pero simpleng bahay lang ang pinatayo nito. Puno ng mga halaman ang paligid ng kanilang tahanan, kaya halos araw-araw ay puro gulay ang inuulam nila, na maganda naman para sa kalusugan nila.
Walang nakakaalam sa kinaroroonan nila maliban lang sa mga nakakaalam na buhay pa talaga ang asawa niya; isa na ro'n ang tito ni Ivy na siyang mayor ng Crimson Wood, si Sin at ang secretary nitong si Jethro, at siyempre ang matalik niyang kaibigan na si Kristof at ang asawa nito.
Minsan bumibisita ang mga ito sa kanila kapag may pagkakataon, lalo na kapag may mahalagang okasyon.
Sobrang masaya at kontento na siya sa buhay niya ngayon, walang pagsi-sisi sa mga naging desisyon niya sa nakaraan; masaya siya at nakilala niya si Ivy na bumuo sa buhay niya, si Ivy na sobrang minahal at minamahal niya pa.
“Doc, lunch time na po, hahatiran ho ba kayo ng pagkain ni Mrs. Legaspi?” tanong ng assistant niyang si Rosheila nang sumapit na ang tanghalian.
“Yes. Sige na puwede ka nang mag-lunch,” nakangiting sagot niya rito.
“Sige po, Doc, happy lunch po,” huling tugon nito, bago tuluyang nawala sa paningin niya.
Inayos niya na ang mga gamit niya sa table, dahil sigurado ay maya-maya lang ay darating na rin ang asawa niya.
At hindi nga nagtagal, narinig niya na ang masiglang boses ng asawa niya, kasabay ng pagpasok nito sa opisina niya, bitbit ang isang bag na siguradong naglalaman ng tupperware na pinaglalagyan ng mga pagkain.
Agad siyang tumayo mula sa swivel chair niya't sinalubong ito ng halik at yakap.
“Sorry medyo late, pinakain ko muna kasi si Ize bago ko iwan,” saad nito matapos kumalas sa kaniya, at saka inayos ang pagkain nila sa table niya.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Детектив / Триллер[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...