10. Jealous Doctor

2.4K 46 3
                                    

CHAPTER 10
Jealous Doctor

HALOS hindi siya makapag-focus sa trabaho niya. At nakahihiya sa mga pasyente niya dahil parang wala siya sa sarili niya. Kaya sa halip na pilitin ang sarili niyang magtrabaho, pina-reschedule na lamang niya sa assistant niya ang lahat ng appointment niya para sa araw na ito.

Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakararamdam siya ng guilt.

Wala silang relasyon ni Andy. Kaya bakit hindi siya pinatulog ng nararamdaman niya? Naiinis na siya dahil nasisira ang trabaho niya. Nakahihiya sa mga pasyente niyang naka-schedule sa araw na ito.

Tumingin siya sa wrist watch niya. Lunch time na. Dapat sa mga oras na ito, nandito na si Andy para sumabay sa kaniyang kumain.

Bakit wala pa siya?

Inabot niya ang intercom para tawagan ang linya ng assistant niya.

“Yes, Doc?” bungad nito. Nag-alinlangan pa siya kung itatanong niya ba o huwag na lang.

Pero sa huli…

“Hindi pa ba dumating si Andy?” tanong niya.

“Si Ms. A-Andy po?”

“Yes.”

“Ah, Doc, hindi pa po, e.”

“Okay. Thanks,” sagot niya, at saka na pinatid ang linya. Pabagsak siyang sumandal at isinandal ang ulo sa headrest ng swivel chair niya, at saka siya pumikit at malalim na bumuntong-hininga.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya? E, ano naman ngayon kung hindi sumabay sa kaniya ang dalagang mag-lunch?

Nasasanay na yata siya sa presensiya ng dalaga, kaya ngayon ay hinahanap-hanap niya na ito.

Baka naman late lang pinalabas ng professor nila? Palagi iyong nangyayari noong nag-aaral pa siya, lalo na kapag maraming pinagagawang seatwork ang professor. I should just wait for her. Hindi niya naman kasi ito puwedeng tawagan at baka nasa loob pa nga ito ng klase.

Pero lumipas ang isang oras, walang Andy ang dumating.

Naihampas niya ang dalawang kamay sa lamesa at saka tumayo. Tinanggal niya ang doctor suit niya at saka kinuha ang cellphone, wallet, at car key niya.

Puntahan ko na nga lang!

Mamaya niya na lang iisipin kung ano ang idadahilan niya sa dalaga dahil sa biglaang pagpunta niya sa eskuwelahan nito.

~*~

MADALI lang siyang nakapasok sa university, dahil bukod sa pagiging tanyag na psychiatrist, isang taon din siyang nagturo sa eskuwelahang ito. Kaya kilala siya ng lahat ng nagtatrabaho rito, maliban na lang siguro sa mga bago.

“Dr. Legaspi.”

Matamis siyang ngumiti sa nakasalubong na ginang. May edad na ito, at isa ito sa mga naging professor niya noong mag-aral siya rito ng masteral degree.

“Mrs. Lopus, good afternoon po,” balik pagbati niya rito.

“Mabuti’t napadalaw ka rito, hijo. Ano’ng sadya mo? Kasama ka ba sa seminar?”

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon