33. You Betrayed Me

1.2K 30 1
                                    

CHAPTER 33
You Betrayed Me

Hindi siya mapakali habang nakaupo sa backseat ng isang police car. Mabilis siyang pinapasok ng isang pulis dito kanina nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nagsimula na.

Nag-aalala siya sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan, kaya pinili niyang manatili rito imbis na sumama na lang sa ambulansiya kanina kasama ang mag-amang Santiago.

Hindi puwedeng nakatunganga lang ako rito.

Sumilip siya sa labas at nakita niyang pumasok na rin ang iba sa loob ng gubat.

Bahala na!

Malalim siyang bumuntong-hininga at dahan-dahang lumabas ng police car. Mabuti na lamang at abala ang mga naiwang pulis kaya walang nakapansin sa kaniyang pumasok na rin sa kakahuyan.

Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito, pero alam niyang katangan ang pumasok sa loob ng mapanganib na kakahuyan na walang ibang bitbit kundi ang sarili lamang.

Pero hindi niya maintindihan ang sarili, hindi siya mapakali. Gusto niya nang mahuli si Ivy, pero sa loob-loob niya ay ayaw niyang mapahamak ito.

Nang marinig niya ang putukan ng mga baril kanina, parang dinamba ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Gusto niya nang matapos ang gulong ito.

Marahan at tahimik siyang naglakad sa madilim na kakahuyan. Laking pasasalamat niya na lamang sa sinag ng buwan kaya nagagawa niya pang maaninagan ang dinaraanan niya, pero hindi sapat para makita niya nang malinaw ang paligid.

Biglang nawala ang putukan, kaya bumalot sa paligid ang sobrang katahimikan. Tanging tunog ng mga kuliglig at mga dahon na naaapakan niya ang namumutawi sa tainga niya. Sa sobrang tahimik, maski ang pagtibok ng puso niya ay rinig na rinig niya.

Napahinto siya sa marahan na paglalakad nang makarinig ng kaluskos sa kanan niya. Kaya mabilis niya itong nilingon, pero tanging kadiliman lamang ang nakita niya roon.

Pero pumihit pa rin siya sa direksiyon nito at sinimulang ihakbang ang mga paa para lapitan ang lokasyon nito.

Pero natigilan at napasinghap siya nang bigla na lang may kung anong dumaan sa gilid ng leeg niya. Ramdam na ramdam niya iyon dahil sa sobrang lapit niyon sa leeg niya.

“Jesus!” bulalas niya nang kasunod niyon ay may nagpaulan ng bala sa kaniya. Kaya mabilis siyang tumakbo at nagtungo sa likod ng isang puno para itago ang sarili. Pero rinig niya ang tuloy-tuloy na pagpapaulan ng bala ng kung sino man sa direksiyon niya.

Mukhang alam niya na kung sino ito.

“Kung binabalak mong tumakas, run as fast as you can, hide well, ’cause I’m definitely gonna kill you with my bare hands.”

“Henry…” naiusal niya, kasunod niyon ay nahinto ang pagpapaulan ng mga bala sa kaniya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nanumbalik ang katahimikan sa paligid. Ano na ang susunod na gagawin nito? Aminin niya man o hindi, alam niyang wala siyang laban sa lalake.

“I told you, Dr. Sigmund. Kung tatakas ka, siguraduhin mong makapagtatago ka nang mabuti. Pero ano’ng ginagawa mo rito? Hindi mo manlang ako pinahirapan sa paghanap sa’yo, ikaw pa ang kusang lumapit sa’kin,” saad ng lalakeng mabagal na naglalakad patungo sa gawi niya. Pero nanatili siyang nakatago sa likod ng puno. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ito na ba ang katapusan niya?

“Ivy’s really disappointed. She trusted you, kaya inutusan niya ’kong ’wag ikandado ang pinto. But you still escaped, and worst, sinira mo ang plano niya.” Mahinang humalakhak ang lalake. “I’m sure she’s now planning to kill you. Pero dahil ayaw ko naman nang mapagod pa siya sa pagdispatya sa’yo…” Napasinghap siya nang makaramdam ng malamig na bagay sa kanang sentido niya. “Ako na lang ang gagawa,” pagtatapos nito sa paglilintaya, at saka muling mahinang humalakhak habang may naglalarong ngisi sa mga labi.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon