42. Perplexed

912 26 2
                                    

CHAPTER 42

Perplexed

MULA sa panonood ng movie, mabilis siyang nagpaalam kay Ivy na magtutungo lamang sa restroom nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya.

“How was it?” pabulong na bungad niya nang sagutin ang tawag ng kaibigan.

“Na-email ko na sa ’yo,” sagot nito, dahilan para tipid siyang mapangiti.

“Thank you. Tatawagan na lang kita.”

“Sige, bro. Take care.”

Hindi naman siguro masamang alamin ang buong pagkatao ng babaeng mahal niya. Gusto niyang malaman ang nakaraan nito; kung saan ito nagmula, sino ang mga magulang nito, at kung ano ang naging dahilan kung bakit naging ganito ang buhay nito ngayon.

Ayaw nitong ipaalam sa kaniya, kaya siya na ang gumawa ng paraan para malaman ito.

Tinawagan niya ang nag-iisang matalik na kaibigan para humingi ng tulong. Minsan nang nanggaling si Ivy sa asylum kung saan nagtatrabaho ang kaibigan, kaya siguradong may impormasiyon siyang makukuha roon.

At hindi nga siya nagkamali, dahil ngayon ay na-i-send na nga ng kaibigan niya ang copy ng pinahahanap niyang files patungkol sa babae.

“Bakit ang tagal mo naman sa CR? Hindi mo tuloy napanood ’yong bed scene,” salubong sa kaniya ni Ivy nang makabalik siya sa audiovisual room na parang isang maliit na sinehan kung saan sila nanonood ng movie ngayon. Sa laki ng bahay nila, hindi na siya nagulat na may ganito palang parte ang mansiyon.

Napaiisip tuloy siya; paano nakabili ng ganito kamahal na bahay si Ivy? Saan ito kumukuha ng pera? Samantalang wala naman itong trabaho.

“I defecated,” sagot niya na lamang matapos maupo sa tabi nito. Natawa siya nang bigla na lang siyang amuyin ng babae.

“Hmm… mabango ka pa rin naman,” nakangising saad nito, dahilan para muli siyang matawa.

“Yeah, right,” natatawang tugon niya, at saka ito inakbayan at tumutok na sa malaking screen na nasa harapan nila.

~*~

SINAMANTALA niyang naliligo si Ivy, at mabilis niya nang binuksan ang file na in-email sa kaniya ng kaibigan. Ito ang ilang impormasyon patungkol sa babae na nanggaling mismo sa naging doktor nito sa asylum.

Name: Dela Peña, Ivy Rodriguez

Age: 25

Birthday: February 14, XXXX

Mother’s Name: Dela Peña, Haidy Rodriguez (Deceased)

Father’s Name: Dela Peña, Antonio Gomez (Deceased)

Sibling’s Name: Dela Peña, Aiden Rodriguez (Deceased)

Ayon sa nababasa niya ngayon, thirteen years old ito nang mamatay ang ina nito, kaya pinadala ito ng ama nito sa ibang bansa dahil hindi nito matanggap ang pagkawala ng ina, at para doon na rin makapag-aral. Pero nagulantang ang lahat dahil matapos magdaan ng ilang taon, natagpuan ang mag-amang sina Antonio Dela Peña at Aiden Dela Peña sa sarili nitong pamamahay na wala nang mga buhay.

Ayon sa naging imbestigasyon, lumabas na ang bunsong anak na si Ivy Dela Peña ang salarin ayon sa mga nakuhang ebidensya.

Makalipas lang ang ilang buwan matapos ng insidenteng iyon, ang nagtatagong dalaga ay nagsimulang maghasik ng lagim sa lungsod ng Crimson Wood.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon