CHAPTER 43
Sacrifice
LUMIPAS ang tatlong araw, hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Ivy. Halos hindi na siya makatulog sa gabi dahil sa pag-aalala at kaiisip kung bakit hindi ito umuuwi.
Nag-aalala siya na baka hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya nang araw na iyon, nag-aalala siya na baka dahil sa mga sinabi niya ay hindi na talaga ito bumalik sa kaniya.
Ilang beses niya itong sinubukang tawagan pero nakapatay ang cellphone nito. Saan ba ito nagpunta?
Bagsak pa rin ang mga balikat niya habang nag-pre-prepare ng panibagong canvas. Sa nagdaang tatlong araw, sinunod niya ang bilin ni Ivy na huwag lumabas ng bahay. Kaya naman kinabukasan mula nang araw na umalis ito ay nilibot niya ang buong mansion, hanggang sa mapadpad siya sa kuwartong ito; ang art room. Kumpleto ang kuwartong ito sa materials na parang inihanda para sa kaniya.
Hindi niya alam kung nagpipinta rin ba si Ivy, pero ang alam niya ay magaling din itong gumuhit gamit ang charcoal pencil.
Kaya naman nang madiskubre niya ang kuwartong ito, pinakialaman niya na ang mga gamit dito. Nagpakaabala siya sa pag-pe-painting habang hinihintay ang pagbabalik ng babae.
Ngayon ay ito na ang pang-labing-limang obra niya na iisa lamang ang paksa…
Ang mukha ni Ivy—ang totoong mukha ni Ivy Dela Peña.
Tipid siyang napangingiti sa tuwing naiisip kung ano ang magiging reaksiyon ng babae kapag nakita ang mga ito. Pero mabilis din iyong napapawi sa isiping babalik pa kaya ito?
Pero nagtitiwala siya sa pagmamahal ni Ivy sa kaniya. Kung gusto nitong mapag-isa ay hahayaan niya ito. Maghihintay siya sa pagbabalik nito kahit gaano pa katagal.
Nagpatuloy lang siya sa pagpipinta sa napaka-among mukha ng minamahal. Hanggang sa sumapit na ang tanghalian.
Naisipan niya nang bumaba para makapagluto ng kakainin niya. Pero natulos siya sa kinatatayuan nang makarating sa kusina.
“Hey, bro. Missed me?” salubong sa kaniya ng lalakeng prenteng nakaupo habang umiinom ng juice at kumakain ng cake, ngiting-ngiti pa ito habang nakatingin sa kaniya.
“Kristof? What are you doing here?” kunot noo at gulat na tanong niya rito. Paano ito nakapasok gayong naka-lock ang lahat ng pinto at bintana? At saka paano nito nalaman ang kinaroroonan niya?
“I brought him here.” Mabilis siyang napalingon sa likuran niya nang marinig ang kilalang boses na iyon. At hindi nga siya nagkamali, dahil bumungad sa kaniya ang nakangising mukha ni Ivy.
“Ivy…” mahinang usal niya, at saka mabilis na lumapit dito at mahigpit itong niyakap. “You’re here,” namamasa ang mga matang muli ay usal niya habang nakasubsob ang mukha sa leeg nito.
“Of course, nandito ka, e. And this is my home,” nakangiti ring tugon nito na nakayakap pabalik sa kaniya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi.
“Galit ka pa ba sa ’kin? I’m sorry, okay? I’m so sorry, baby,” saad niya, at saka ito nilapatan ng isang halik sa noo, bago ito muling tinignan nang deretso sa mga mata.
“Who said I’m mad? I’m not, baby. Kailan ma’y hinding-hindi ako magagalit sa ’yo,” sagot nito na marahan siyang hinaplos sa mukha.
“Bakit tatlong araw kang hindi umuwi kung gano’n? Where did you go? May i-inasikaso ka ba?” Napaiwas siya ng tingin nang utal na itanong ang huli. Pero mabilis din namang bumalik ang paningin niya sa mukha nito dahil tipid itong tumawa.
“Don’t worry, baby, wala akong inasikasong kahit ano,” nakangiting sagot nito na ikinataka niya. Kung ganoon, saan ito nagpunta? “Ginulo kasi ng mga salita mo ang isip ko. Kaya nag-stay na muna ako sa bahay ko sa Harmony para mag-isip-isip.” Lumamlam ang mga mata nito at matamis na ngumiti sa kaniya.
“Ang totoo niyan, nang araw na umalis ako, pinuntahan ko si Abbygail Bonito; ’yong babae sa convenience store. I’m planning to take her and bring her into my playroom, but…” Tipid itong ngumiti at muli ay marahan siyang hinaplos sa pisngi. “Your words stopped me. I don’t know what happened to me. Yes, I don’t feel empathy; I don’t feel remorse, but when it comes to you, I always feel scared.” Bakas na bakas ang sinseridad sa boses nito, dahilan para tipid siyang mapangiti.
“Palagi akong natatakot sa kung ano’ng iniisip mo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako ganito sa mga nagdaang lalake sa ’kin, pero nang makilala kita, maraming nagbago. I always feel scared na baka iwanan mo ’ko dahil sa sitwasyon ng buhay ko. I’m not mentally stable, makasalanan akong tao, marami akong buhay na nasira, mayro’n akong madilim na nakaraan, at ang paghihirap ng ibang tao ay nagbibigay ng kasiyahan sa ’kin. Wala akong makitang magandang bagay sa pagkatao ko na puwede mong magustuhan.” Sandali itong tumigil at hinawakan ang dalawang kamay niya, bago muling nagpatuloy.
“Kaya sobrang saya ko talaga nang gabing ’yon sa tree-house. Yes, every midnight akong nag-aantay do’n, hoping na babalikan mo ’ko, kahit na sa loob-loob ko, iniisip kong imposible na, dahil sa uri ng pagkataong mayro’n ako; imposibleng mahalin mo ’ko sa totoong ako. Pero dumating ka’t sinabi mong mahal mo rin ako. Pakiramdam ko, ’yon na ang pinaka masayang gabi ng buhay ko.” Ngumiti ito at tipid na tumawa.
“Kaya ang mga salita mo no’ng araw na ’yon ang naging dahilan para mag-isip-isip ako. Para saan pa ba ang mga ginagawa ko? Para sa kasiyahan ko? Pero ikaw na ngayon ang kasiyahan ko. Gulo lang ang hatid sa ’kin ng mga ginagawa ko. Sa totoo lang, nag-e-enjoy ako ro’n. Pero nadadamay ka na, at ’yon ang hindi na masaya. Dahil sa ’kin, nagtatago ka na rin ngayon, nang dahil sa ’kin, kinakailangan mo pang mag-disguise at magpalit ng pangalan, at nang dahil sa ’kin, iniwan mo ang pinakamamahal mong trabaho. You sacrificed everything—your peaceful life, your work, your prime, your image, everything—just to be with me. So bakit hindi ko rin gawin? Nagawa mong iwanan ang nakasanayan mo nang buhay para makasama ako, kaya magagawa ko ring talikuran ang nakasanayan ko na.”
Marahan nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “I can sacrifice too just for you. Kaya nang araw na ’yon, imbis na lapitan si Abbygail Bonito, I walked back into my car and drove to Harmony Bridge. Hindi ako umuwi dahil gusto kong lunurin ang sarili ko sa pag-iisip. Pinag-isipan kong mabuti ang mga salita mo. At nakapagdesisyon na ’ko. I promise, I’ll do my best para hindi na ’ko makapanakit ng tao. Kahit gaano pa ’ko kabuwisit, pipigilan ko na ang sarili kong pumatay. Para sa ’yo, Dr. Sigmund, my baby, mapipirmi na ’ko rito sa tabi mo. Magsasama tayong dalawa nang tahimik at masaya. Bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Para sa ’yo magbabago na ’ko.”
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa sandaling ito. Pero isa lang ang alam niya…
Sobrang saya ang nararamdaman niya ngayon.
“Totoo naman ’to, ’di ba? I’m not hallucinating, right? Totoo ang lahat ng narinig ko,” ang tanging na-i-usal niya, pero bakas na bakas ang kagalakan sa boses niya, dahilan para mahinang matawa si Ivy sa iniakto niya, at saka siya muling niyakap.
“I want you to be happy with me. I don’t want you to regret choosing me. So I’ll stop my madness if that’s what you want. Let’s live a happy life and build our own family tranquilly,” saad nito habang nakayakap sa kaniya. Kaya hindi niya na napigilan pa ang malawak na pagngiti at mahigpit itong niyakap.
“I would love that,” nakangiting sagot niya, at saka ito mariing hinalikan sa ulo. He hugged her tight, at ganoon din naman ito sa kaniya, pinararamdam sa isa’t isa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.
He is so happy with her decision. Hindi niya ito inaasahan kaya sobrang saya niya. Handa niya itong samahan sa lahat. Kahit habang buhay pa silang magtago sa batas ay ayos lang sa kaniya. Basta kasama niya si Ivy, kuntento at masaya na siya.
“Ang sweet n’yo. Pero sana next time gawin n’yo ’yan sa hindi ko nakikita. ’Wag n’yo nama’ng iparamdam sa ’kin na wala akong love life. Respeto naman, guys.”
Sabay nilang nilingon ang direksiyon ng nakabusangot na si Kristof, at saka sila sabay na tumawa.
Ano nga pala uli ang ginagawa ng kaibigan niya rito?
to be continued...
I.N. Manansala
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystère / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...